Kabanata 30

63 1 3
                                    

Natigil kami bigla nang tumahol ng malakas si Cherry, na para bang galit na galit siya. Lumayo sa akin si Kiyu at pumunta ng living room para matingnan ang labas ng bahay.

Hindi ko na hinintay si Kiyu na balikan ako. Nilubos ko ang pagkakataong iyon para makabalik na sa loob ng kwarto. I locked the door at humiga na sa bed.

My heart is still beating so fast.

Anong ginawa mo, Suzy?

I kissed him.

Hindi naman ako natatakot since I know makakalimutan niya rin ang nangyari sa amin ngayon at wala siyang maaalala bukas.

So I am safe.

I touched my lips. It feels so good. The way he kissed me. The way he moved his lips against mine. His kisses is like a drug na kahit alam kong hindi pwede ay tinikman ko pa rin. The way I kissed him back is like I am playing with fire na kahit alam kong mapapaso ako pero hinayaan ko pa rin ang sarili.

You are out of your mind.

Yes, I am.

So kung hindi tumahol si Cherry hindi kayo titigil? Tapos ano? Saan ang tungo ninyo? Sa kwarto niya? O baka doon niyo na gawin sa lamesa?

I won't ever let that to happen.

Hindi ka sure, Suzy.

Nakagat ko ang ibabang labi.

Hindi na 'yon mangyayari ulit. Ngayon ko lang hahayaan ang sarili. Ngayon lang ako magpapakatanga.

Nakatulog ako sa gabing 'yon kahit na maraming pumasok sa aking isipan.

In the morning I am about to open my eyes when I saw Kiyu entered the room. I pretended to be asleep pero binuka ko ng kaunte ang aking mga mata para makita pa rin siya.

Nilapitan niya si Locke na natutulog sa crib. Ilang sandali niyang pinagmasdan ito at kalaunan ay hinalikan sa noo.

Then he looked at my direction.

Nagsimulang lumakas ang tibok ng puso ko.

He is already dressed at aalis na siguro siya.

I thought lalabas na siya pero nagulat ako nang nagsimula na siyang lumakad palapit sa akin.

Oh god!

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko at tumigil ako sa paghinga.

"Suzy?" mahinang tawag niya sa akin.

Hindi ako nag-react.

I am sleeping, remember?

Naramdaman kung umuga ang higaan at naramdaman ko rin ang isang kamay niya malapit sa ulo ko.

"Suzy?" tawag niya ulit. I can already feel his breath on my face. Then he kissed my lips. Dampi lang iyon at hindi matagal.

"I will come back..." bulong niya.

Isang dampi ulit sa aking labi.

"Pero sana mamiss mo pa rin ako..." dagdag niya.

What?

He kissed me one last time bago ko naramdaman ang paglayo niya sa akin. Narinig ko ang mga yapak niya at ang pagsara ng pinto.

Doon pa lang ako huminga ulit. Napabangon na ako at hinawakan ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba.

Anong sabi niya? Sana mamiss ko pa rin siya?

Nakagat ko ang ibabang labi.

Did he remember what happened between us last night? Kung hindi niya naalala bakit sinabi niya 'yon? Kung wala siyang naalala bakit hinalikan niya ulit ako ngayon?

Suzainne Asmara Aljuniera (Siaon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon