It's been three days simula ng uwuwi kami ni Locke sa bahay at sa loob ng mga araw na 'yon ay araw-araw din na pumupunta si Kiyu. Late na siya umuuwi sa gabi at maaga siyang bumabalik sa umaga.
I don't know kung hanggang kailan niya gagawin ito. I will not even tell him to stop kasi that's what he wants since gusto niyang makita ang anak niya araw-araw.
It's just that sometimes naiisip ko na hindi kaya siya nahihirapan? Kasi whole day siyang nandito. What about his work? Career? Business? Hindi ko rin matanong ang mga 'yon sa kanya kasi ano namang idadahilan ko?
Concern ka kasi sa kanya, Suzy.
I sighed.
Yes. It's true.
Kasi kung ako sa sitwasyon niya ay mahihirapan ako.
Every time he comes in the morning ay may dala na siyang pagkain. Kapag tanghali naman ay aalis siya saglit at pagbalik niya ay may dala na ulit siyang pagkain. Ganoon din ang ginagawa niya during the night.
I've been thinking if Kiyu bought all the foods? Or sa kanila galing lahat 'yon?
Nakapagdesisyon na nga ako na kapag kaya ko na ay ako na ang magluluto kasi nakakahiya na sa kanya at kung tama man ang hinala ko ay mas nakakahiya na sa pamilya niya. Hindi ko pa kasi magawa-gawa ngayon kasi palagi akong puyat at sa umaga ay natutulog ako kasabay ni Locke para may lakas ako.
Habang kumakain ako ng lunch ay si Kiyu na muna ang nagbabantay sa bata sa loob ng kwarto. Nauna na kasi siyang kumain bago ako.
We don't leave Locke alone in the room at dapat ay may kasama siya palagi kahit na natutulog siya. Ewan ko ba at hindi ako mapalagay kung walang nakabantay sa kanya.
Days have passed at nasanay na akong magpabreastfeed sa kanya. I'm happy that it doesn't hurt anymore.
Natapos na akong maligo at pumasok na ulit ako sa loob ng kwarto. Nadatnan ko si Kiyu na may kausap sa cellphone niya and it seems like it is a serious one.
Sumenyas siya na lalabas daw muna siya ng kwarto dahil may kausap siya.
"Yes, Sir, I will do it next week. It is okay with you?"
That's the last thing I heard bago siya tuluyang lumabas. At nasundan pa iyon nang dumaan ang ilang araw.
I think tungkol iyon sa mga artworks niya. Maybe his clients are asking him kung kailan niya matatapos ang pinapagawa sa kanya?
Pero paano niya matatapos iyon, Suzy, gayong nandito siya halos buong araw?
Nakagat ko ang ibabang labi ko.
I don't want his career to be affected dahil sa pagpupunta niya dito.
Pero paano 'yon?
I am worried about it.
Anong gagawin mo, Suzy?
I don't know. All I want is help him.
Pero paano nga?
Nagpakawala akong ng isang napakalalim na hininga kasi hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin para matulungan siya.
And it makes me even sadder when sometimes I looked at Kiyu's face at nakikita kong medyo stressed siya.
May naisip na akong idea pero nagdadalawang-isip ako. That idea will really help Kiyu. Makikita niya si Locke araw-araw at pwede niya pang gawin ang artworks niya.