I am sitting on a high chair sa tapat ng counter kung saan abala si Kaye sa mga customers niya. Nagsasalin siya ng iba't ibang inumin. An instrumental song is being played by a woman using her violin in front. The song is kinda sad tila ba ramdam din nito ang lungkot ko.
I said na hindi na ako babalik dito and if I do it only means that my plan didn't work out.
Well, it really didn't.
Nagkatotoo nga ang sinabi ni Kaye sa akin the first time I came here na makakabalik ako dito.
I sighed.
Bibigyan sana ako ni Kaye ng inumin pero I declined. I just want cold water. Iyon ang paunti-unti kong iniinom. Doon pa rin ako umupo kung saan ako unang umupo which is sa pinakagilid.
Almost all of her customers are men at bawat isa ay napapatingin sa akin. May isang lalake ngang lumapit pa talaga sa akin at nagpakilala.
"Hi, I'm Drew. You are?" sabay lahad ng palad niya sa akin.
Wala akong nagawa kundi tanggapin ang palad niya. "Suzy," tipid kong tugon. Pagkatapos namin magkamayan ay kaagad kong kinuha ang kamay ko mula sa kanya.
He is handsome. Maamo ang mukha pero there is something in him na parang hindi mapagkakatiwalaan. I am not judging him it's just that he makes me feel that way towards him.
Hindi ko alam bakit.
May mga tanong pa siya tungkol sa akin which I am not comfortable to talk about kaya naman ang ilang sagot ko ay hindi na totoo. I don't want to say the truth. I know it's wrong to lie but I didn't trust him enough. Hindi siya bastos magsalita pero kahit ganoon pa man hindi ako panatag sa kanya.
Mabuti na lang at umalis din siya nang may nakitang kakilala.
May mga bagong dumating na mga lalake. Matatangkad at mga gwapo rin. They all looked at me. Isa sa kanila ay bumulong sa katabi at pagkatapos ay sabay na silang tumingin ulit sa akin.
Alam ko kung bakit sila napapatingin sa akin.
Eh, kasi ba naman medyo revealing ang suot kong damit. It's a black bodycon dress. Lantad ang cleavage ko at ang hubog ng katawan ko. The dress emphasizes my big boobs and my wide hips lalo na at nakahigh-ponytail ang mahaba kong buhok. Medyo maiksi rin ang tabas kaya nakikita ang maputi at mahaba kong legs. Suot ko naman sa mga paa ang itim na stilettos. At kahit na kitang-kita ang braso ko na medyo may kaunteng taba pero wala na akong pakialam.
I don't know what has gotten into me kung bakit nagagawa ko na ito. Maski ako sa sarili ko ay nagulat din. Noon halos tabunan ko ang buong katawan ko at ayokong nakikita ang mga braso ko.
Kanina ko lang 'to lubos na narealize while looking at myself in front of the mirror while putting a pair of hoop earrings. Ibang dress ang nauna kong kunin sa loob ng cabinet kanina, 'yong long sleeve na klase sana na mahaba ang tabas, pero sa huli ay ito ang isinuot ko.
My plan of having a child may have gone wrong but in return I gained self confidence.
I admit that after I trust my whole body to Kiyu Valdroa I started to be confident about myself. Like there is something grown inside of me whispering that I shouldn't be ashamed of my own body anymore. That I must be proud of it and should love it wholeheartedly.
Being touched and kissed by him made me into a different person. Being naked in front of him made me forget about my scars. He taught me to embrace my insecurities. Him being pleased by my body feels like I am the sexiest woman in the world. Naisip ko lang na ang isang katulad niya na gwapo, matipuno ang katawan, sikat at mayaman ay ilang ulit na inangkin ang katawan ko sa loob ng ilang buwan at halos wala na nga siyang planong tumigil. Mabuti nga at napatigil ko pa.