Kabanata 35

78 1 5
                                    

"Ate, I really like your hips," puri sa akin ni Aquinnah while measuring it.

"Thank you," nakangiti kong tugon.

Wala na siyang sinayang na pagkakataon sa aming pagkikita. Nagdala talaga siya ng tape measure para ma-measure na ang katawan ko. Natawa nga ang pinsan niya nang ilabas niya iyon kanina. 

"And your waist is so small, Ate. Gosh! Nakakainggit," dagdag niya.

Napatawa si Karina sa tabi ko. She is the one who is listing all the measurements down on Aquinnah's tablet.

While the other girls including Vonri ay nakatingin pa rin kay Locke. Tapos ko na siyang napadede pero gising pa rin siya. It seems like he knows that he has a lot of visitors kaya hindi na muna siya matutulog.

"Ate Suzy, send ko lang kay Kuya ang mga designs mamaya pag-uwi. I'll let you choose. Mga three designs iyon," sabi ni Aquinnah nang matapos na niya akong kuhanan ng measurements.

"Sige," sabi ko sabay ngiti.

"Ikaw talaga ang pumili, Ate, huwag si Kuya Kiyu, ha?" natatawang sabi naman ni Karina.

Napatawa ako at ang mga pinsan niya.

"I know kung ano ang gusto ni Kuya kapag siya ang pumili," si Heri.

"Ano?" tanong ni Vonri.

"Iyong mga revealing type like makikita ang cleavage ni Ate Suzy tsaka may mahabang slit para makita ang legs niya."

Napatawa ulit kami.

She is definitely right. Alam na alam na talaga nila kung ano ang gusto ng pinsan niya.

"Pwes, ipagkait natin 'yan sa kanya," nakakalokong sabi ni Karina.

"You choose the most conservative design, Ate," sabi naman ni Yendra.

"Tama, asarin natin si Kuya," natatawang sabi ni Heri.

Napatingin ako sa girlfriend ni Kairo na si Sahara at sa isang pinsan ni Kiyu na si Veni, ate ni Erva. Tahimik silang dalawa na nakamasid sa anak ko. Sila lang din ang hindi sumasali sa aming usapan. Kalaunan ay napangiti si Sahara when Locke moved his legs. 

Sahara is so cute with her bunny teeth.

Hindi na nakakapagtaka kung bakit baliw na baliw si Kairo sa kanya. Siya ang tipo ng babae na gusto mong protektahan at alagaan. She is so innocent at parang hindi makabasag pinggan.

I heard Cherry barked outside.

Napatingin ako sa labas ng bintana kung saan nakita ko sa bakuran ang mga lalake. Nandoon din si Erva at kasalukuyang kausap si Kai. 

Kiyu, Kairo and the two Lafuentera boys are playing with Cherry. They are laughing when Kiyu made her sit down and roll over. They are amazed dahil nagagawa iyon ni Cherry. Minsan kasi tinuturuan siya ni Kiyu at ngayon nga ay nagpapakitang gilas na siya.

Kiyu's other cousin na may suot na eyeglass ay medyo lumayo sa kanila. I heard his name kanina which is Skevon. Nasa malayo siya at seryosong nagtitipa sa kanyang cellphone.

"Ate Suzy, anong gusto mong color as theme? " biglang tanong ni Aquinnah kaya bumaling ako sa kanya. Karina, Heri, Yendra and Vonri are also waiting for my answer.

Naisip ko na ito pagkatapos sabihin sa akin ni Kiyu na after a month ang kasal namin.

"I like sage green and rose quartz," tugon ko.

Ngumiti at tumango si Aquinnah.

"Nice, Ate," si Karina.

"Can we add one color? It's more pretty if there will be three colors," Vonri suggested.

Suzainne Asmara Aljuniera (Siaon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon