Kabanata 24

66 3 3
                                    

Kiyu have said that whatever decision I will make he will accept it. So it means that if ever hindi talaga ako papayag ay tatanggapin niya pa rin.

He will really do that?

Honestly, I wanted to say to him na pumapayag na ako pero pinapangunahan ako ng takot kaya naman I decided na pag-isipan muna iyon ng mabuti.

I will just let myself overthink muna sa ngayon at kung ano man ang negative na pumasok sa isipan ko ay susubukan ko hanapan ng solusyon.

Because I want to give Kiyu a chance to take care of his son. I also want the child to feel his love as a father.

Hindi ko ipagkakait iyon sa kanilang dalawa dahil deserved nila 'yon.

Days have passed and my what-if dialogue starts talking to me.

What if may magtanong kung ano ang relasyon namin ni Kiyu?

I will say the truth na wala kaming relasyon. Magkakaroon lang kami ng anak at papanagutan niya ang bata. Magiging ama siya sa bata pero hindi siya magiging asawa ko.

Just that.

Since after that day na sinabi kong pag-iisipan ko muna ang desisyon ko about co-parenting ay halos araw-araw na siyang pumupunta sa bahay. As usual nagdadala siya ng mga pagkain. Hindi kami madalas mag-usap. Kadalasan ay si Cherry ang nilalaro niya sa bakuran at kung tiyempo na nandiyan si Harry ay sila ang nag-uusap. As much as possible ay hindi ko sasanayan ang sarili na mapalapit sa kanya ng husto dahil hindi iyon pwede. Bata lang ang pakay niya.

So ano pala 'yong nangyari last time sa loob ng sasakyan niya na umiiyak kayo pareho? And you even wiped his tears, huh?

Napairap ako.

Na-carried- away lang. 'Yon lang 'yon.

Ewan ko sa 'yo, Suzy.

Ibinalik ko ang atensyon sa mga tanong na kailangan ko pag-isipan ng sagot.

What if ang co-parenting ways na naiisip naming gawin ay hindi maintindihan ng mga tao?

I sighed.

In the first place it really doesn't matter kung maintindihan man nila or hindi kasi wala naman talaga silang pakialam tungkol do'n.

But it will be rude to answer it like that kaya naman sasabihin ko na lang na ganoon ang napag-usapan namin ni Kiyu. Ang baby lang ang focus namin. Pareho naming aalagaan at ibibigay ang mga kailangan niya. Pag-uusapan namin ni Kiyu ang mga desisyon na dapat naming gawin tungkol sa bata.

At kung hindi pa rin nila maintindihan iyon then wala na akong magagawa.

What about Kiyu's family, Suzy? Naisip mo ba 'yon?

I sighed again.

Minsan sumasagi sa aking isip ang tungkol sa pamilya niya.

Alam na ba nila na magkakaroon na ng anak si Kiyu? Alam na ba nila na nabuntis ako ni Kiyu sa Voada? At kung alam na nila, ano kaya ang mga naging opinyon nila?

I don't know the answers. Maybe si Kiyu na lang ang bahala do'n.

What if pumunta sila dito sa bahay mo, Suzy? What if pumunta dito si Madam Victoria na palaging pinag-uusapan ng mga taga Siaon? What if pumunta rin dito ang mother ni Kiyu na sinabi nilang masungit at nakasimangot palagi? 

I don't know what would I do kung mangyayari man.

I just asked Kiyu na lang, na kung pwede ay huwag muna silang pumunta dito sa bahay.

Suzainne Asmara Aljuniera (Siaon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon