Today is Locke's first immunization at kinakabahan ako. He will be definitely in pain dahil sa ituturok sa kanya.
Maaga kaming pumunta sa center at inihatid kami ni Kiyu. He said he will just wait for us outside at mas mainam nga iyon dahil alam ko na ang mangyayari kung sasabayan niya pa ako.
May iilan nang nauna sa amin at sila ang unang i-n-intertain.
Kinuhanan ng weight si Locke at height. Nirecord nila iyon sa logbook nila. Ilang sandali lang ang lumipas at tinawag na ako ng isang health worker.
Iginiya niya ako sa isang silid. Nauna siyang pumasok. I entered the room kasunod niya at pagkatapos ay pinalagay si Locke sa bed.
Nandoon sa loob ang nurse at dalawang health workers.
First vaccination is taken orally. Pinatakan si Locke ng dalawang drops sa bibig. Hindi maganda ang lasa dahil sumimangot ang mukha niya. Sinundan ko ang bawat galaw ng nurse nang hinahanda na niya ang dalawang vaccine. Nakagat ko ang ibabang labi at lumakas ang tibok ng puso ko nang itinurok na ng nurse sa left thigh ni Locke ang unang vaccine. Malakas na umiyak ang anak ko.
"Sorry, baby," sabi ng nurse at inaalo siya.
Sunod naman na itinurok ang isa pang vaccine sa right thigh ni Locke. Mas malakas ang naging pag-iyak niya.
Naiiyak akong tiningnan siya. Maingat na nilagyan ng nurse ng plaster ang bawat hita ni Locke na may bulak. Pagkatapos ay kinarga ko na siya. Sinasayaw ko siya para tumahan.
Then the nurse wrote down something sa isang baby's card at pagkatapos niya magsulat doon ay ibinigay niya 'yon sa akin.
"Ito ang card ni baby. Dito ko ilalagay ang mga dates kung kailan siya nabigyan ng bakuna. Dalhin mo ito sa susunod na immunization schedule niya."
"Okay po." I looked at Locke at nakita kong tumigil na siya sa pag-iyak.
"Usually ay lalagnatin po si baby since iyon po ang side effects ng bakuna. Painumin niyo po siya ng paracetamol pag-uwi at painumin niyo ulit after four hours hangang sa mawala ang lagnat niya."
Tumango ako.
Binigyan ako ng nurse ng gamot para sa lagnat. "Isinulat ko diyan sa loob kung ilang drops ang ibibigay mo sa kanya."
"Thank you po."
May isinulat ulit ang nurse sa isang malaking notebook niya.
"Hindi ba at iyan 'yong naanakan ng apo ni Madam Victoria?"
"Oo, siya nga. Nakita ko nga kanina sa record natin ang pangalan ng bata."
"Tapos anong apilyedo? Valdroa ba?"
May sinasabi pa ang nurse pero hindi ko na iyon napakinggan dahil sa naririnig kong pag-uusap ng health workers sa likuran ko.
"Oo."
"Talaga? Pumayag pala si Madam na Valdroa ang apilyedo ng bata kahit na hindi pa naman kasal ang apo niya at ang babaeng 'yan?"
"Ewan ko nga rin, eh."
"Baka hindi niya alam."
"Tama. Posible nga 'yan."
And here we go again. Kahit saan ay may chismosa.
"Ate, sino na ang kasunod?" tanong ng nurse.
Mabilis na lumabas ang isang health worker at nagtawag ng sunod na tuturukan.
Lumabas na rin kami ni Locke.
Habang papalabas ako ng center ay nakita kong may iilan na nakatingin sa akin ng masama at may iilan rin na nagbubulongan at nagtatawanan.