Pasasalamat

62 2 14
                                    

OMG! Tapos na ang story ni Kiyu at Suzy. I really hope na nagustuhan po ninyo ang kwento nila or kung hindi man, it's okay. We can't really please everyone naman talaga.

Thank you sa lahat ng bumasa at sa mga magbabasa. Maraming salamat talaga. Kadalasan silent readers napapansin ko since palagi kong tinitingnan ang number of reads. Hehe. Okay lang po kung tahimik kayo at hindi nagcocomment. Nararamdaman ko naman ang presensiya ninyo and that's enough. Naaappreciate ko po 'yan kasi ganyan din ako kung magbasa ng wattpad story hindi ako nagcocomment. At sa mga nagcocomment naman, sobrang saya ko po. As in. Alam kong minsan nakakapagod magcomment lalo na at nadadala ka na sa story like ayaw mo ng distraction. Pero ang sipag po ninyo. I want to mention you kasi pinapasaya po ninyo ako ng sobra. Si KayGee_strawberry na halos araw-araw nagcocomment at nakaabang, thank you so much po. Si lovina_blues na nagcocomment din dati, salamat po at si MrsJeon8304 din. Salamat talaga, ha?! Sorry kung minsan hindi rin ako nagrereply sa comments niyo kasi minsan feeling ko ma-i-spoil kayo sa reply ko at ayokong mag-spoil. Gusto kong ako mismo ang pipili ng i-i-spoil ko. Hahaha kaya heart react na lang ang ginagawa ko pero binabasa ko lahat ng comments. Minsan natatawa ako sa sobrang tuwa. Thank you din pala sa mga nagvovote every chapter at sa mga bagong followers ko. Sa ngayon I have 25 followers pa lang and hopefully dumami pa. Kaya sa mga hindi pa ako finallow, i-follow niyo na po ako. Charot. Hehe. 

So hanggang kabanata 38 lang po ito. Wala na po kasi akong maisulat dahil nasulat ko na po lahat about sa dalawang keys po natin na sina Kiyu and Suzy.

Actually hindi naman talaga to ang second installment ng Siaon Series kaya lang habang sinusulat ko pa lang si Kairo at Sahara, sumisingit itong si Kiyu, eh. Like hindi talaga siya makapaghintay kaya naman sinulat ko na lang para tumahimik na. Ayon nga at masaya na ang mokong. Haha. 

While I am writing this story ay marami akong natutunan, sana kayo rin. Kasa-kasama ko si google kapag may hindi ako sure. At may mga times naiisip ko na parang may mga parts na pangit ang nangyayari o pangit ang pagkakasulat ko. Sorry for that. Don't expect too much from me kasi hindi ako magaling. At minsan feeling ko may mga corny scenes din. Di ba? Hahaha sorry again.

To those girlies out there na may dysmenorrhea, kaya natin 'to. Mabuti pa si Suzy may solusyon na. What about us? haha lol. Opps we can't gaya gaya kay Suzy kasi sa mundo niya may Kiyu Valdroa, sa realidad wala. Tsaka hindi rin naman kasi 100% proven na mawawala ang abdominal pain after giving birth. May iilan lang pero inuulit ko hindi lahat. Okay? 

Parang ang haba na at medyo oa na ang speech ko.

So thank you ulit kung nakaabot ka man dito sa part na 'to. Hindi ako mapapagod na magpasalamat. Tsaka sorry kung if ever hindi ko magawa ang mga gusto ninyong mangyayari sa story. Sorry talaga. 

Sana masarap ang ulam mo today at sana mahimbing ang tulog mo. Sana subaybayan mo rin ang sunod kong isusulat. Bye. Ingat ka.

Suzainne Asmara Aljuniera (Siaon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon