Nang matingnan na ang unit ng wifi at umayos na ulit ay tiningnan ko ang mga dala ni Kiyu.
The two basket are covered with a transparent plastic at may maliit na ribbon sa hawakan. Different kind of fruits ang nandoon pero natuon ang atensyon ko sa isang pack ng cherry.
Saan kaya ito nabili ni Kiyu?
Kasi wala akong alam na nagbebenta ng ganito ka daming cherry at ganito ka fresh. Kadalasan kasi galing pa sa ibang bansa at minsan naman may makita akong nagbebenta online pero madali lang maubos.
He have so many ways, Suzy.
I sighed.
Yeah. It's true.
Hindi ko ito uubusin lahat ngayon dahil hindi iyon pwede. I need to discipline myself since during the third trimester ay minomonitor ng maigi ang sugar level sa katawan ng buntis. It's not good kung mataas, mahihirapan ako at ang baby.
Kaunte lang ang kinain ko at binigyan ko si Cherry ng isa. Unfortunately, kinain niya nga pero iniluwa niya rin pagkatapos. It's obvious na hindi niya gusto ang lasa.
Cherry doesn't like cherry, huh?
Lumipas ang ilang araw at napapadalas ang pagbibigay ng mga pagkain sa akin ni Kiyu. Madalas ay si Harry ang tumatanggap which is okay for me at mas lalong okay na okay para sa pinsan kong maharot.
And every time Kiyu comes in the house ay kaagad ko siyang pinaalis kasi mahirap na at may makakakita ulit sa kanya. I don't want to hear some issue about us. Ayokong umabot sa point na ako na ang pinagchichismisan sa buong Siaon.
Yes I love it here since the view is nice and the air is fresh pero hindi ako na-orient na ganito pala ang mga tao dito.
They are too quick to judge a certain person and they are awesome story makers like pwede na sila mabigyan ng award dahil sa mga ginagawa nilang nakakamanghang kwento. Kaya naman kailangan kong mag-ingat.
One morning Harry decided to plant some flowers sa bakuran ko. Para naman daw maganda tingnan at hindi lang daw puro berde ang nakikita. Okay lang din naman since siya ang magtatanim.
Nagbungkal siya ng mga lupa sa bawat sides ng sementadong pader.
"Madala lang 'to mabuhay tsaka hindi mo kailangan diligan," sabi niya nang matapos na siyang magbungkal.
Nakaupo ako ilalim ng bahay while Cherry is on my side just sitting, too, at nakatingin din kay Harry.
"Ilalagay ko lang ang mga semilya at hindi ko na kailangan ibaon para mabuhay."
The flowers are called cosmos. Marami silang ganito sa likod ng bahay nila na si Harry din ang nagtanim. Ang bulaklak naman na nasa harapan nila ay iyong mga roses ni Tita.
Maraming seeds ang dinala ni Harry. Different colors daw 'yon like orange, yellow and pink.
"Ang ganda nitong tingnan tapos marami pang butterflies ang lumalapit sa bulaklak na 'to," nakangiting niyang sabi habang nilalagay na niya ang mga seeds sa lupa.
Napangiti na rin ako since I am imagining na namumulaklak na ang mga ito at maraming butterflies na lumalipad.
It's a very nice view if ever.
Nilagyan na rin ni Harry ng maliliit na white fence ang mga bulaklak baka daw kasi paglaruan ni Cherry at hindi mabuhay.
"Kung madali lang mabuhay madali ring mamatay. Pero ang semilya ay doon pa rin galing sa natuyong bulaklak kaya huwag kang magtaka na pagkatapos malanta ay may tutubo na naman."