Kabanata 34

80 1 3
                                    

Natigil kami ni Kiyu sa aming ginagawa nang biglang umiyak si Locke sa kabilang kwarto. Mabilis kong pinuntahan ang anak ko. Nang napadede ko na siya ay tumahimik na siya.

Nakagat ko ang ibabang labi.

Sorry, baby, may ginagawa lang si Nanay at si Tatay.

Napangiti ako nang maramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Kiyu mula sa likuran. Nilagay niya ang baba niya sa balikat ko at sabay naming pinagmasdan ang anak namin.

"Locke, baby, bilisan mo diyan because we are not done yet," nakakalokong sabi ni Kiyu. Napatawa ako at mahinang kinurot ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko.

"Don't sucked all the milk, tirahan mo ako," biro ulit niya.

Hayup!

Mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin at paulit-ulit na hinalikan ang balikat ko. At para akong kinukuryente dahil sa ginagawa niya.

We are still both naked at this moment at ramdam na ramdam ko ang mainit na katawan niya na nakadikit sa katawan ko.

It feels so good.

Kung sana matagal ka nang sumugal hindi lang ito ang mararanasan mo, Suzy.

Shut up.

Kahit anu-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko sa sobrang saya.

Nang makatulog ulit si Locke ay ipinagpatuloy namin ni Kiyu ang naudlot naming ginagawa. We make love again and again sa loob ng kwarto ko para kapag umiyak ulit si Locke ay matitingnan ko siya kaagad. Hindi ko alam kung anong oras na kami nakatulog.

Ay, akala ko nga wala nang tulugan, Suzy?

Nagising ako na hubo't hubad pa rin habang yakap-yakap ako ni Kiyu. Nakaharap ako sa kanya at napangiti akong pinagmamasdan ang natutulog niyang mukha.

I will never get tired looking at his handsome face.

Hindi ko napigilan at hinawakan ko na ang makapal at maarko niyang kilay.

Napangiti ako.

Pagkatapos ay nilandas ko ang daliri ko sa matangos niyang ilong.

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

Ngayon na mahal na namin ang isa't isa ay malaya ko na itong magagawa. O baka araw-arawin ko na.

Humagikhik ako kaya naman nagising siya. Minulat ni Kiyu ang kanyang mga mata at nagtataka sa daliri ko na nasa tungki ng ilong niya.

"Sorry," bulong ko sabay baba ng kamay ko pero mabilis niya itong nahawakan at ibinalik sa ilong niya.

"Continue what you are doing," namamaos niyang sabi.

Napangiti ulit ako. Kaya naman ipinagpatuloy ko ang ginagawa habang nakatitig siya sa akin. Gamit ang hintuturo ay hinaplos ko ang upper lip niya.

Bahagya siyang napapikit.

At pagkatapos ay sinunod ko ang bottom lip niya.

I really like his heart-shaped lips.

Hinawakan ko ang pisngi niya at napangiti ako. Tinitigan niya ako at tumitig din ako sa mga mata niya.

"You are so handsome," sabi ko.

Nakagat niya ang ibabang labi niya.

"And so freakin' hot," dagdag ko.

Mabilis niyang hinalikan ang labi ko.

"You are beautiful, too, Suzy," sabi niya.

Napangiti ako and my tummy tightens.

Suzainne Asmara Aljuniera (Siaon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon