Halos buong araw akong natulog on the next day dahil sa sobrang pagod at dahil sa labis na pag-iyak ko.
And when the third day came with the same routine ay napagdesisyunan ko na itigil na.
This the reality now, Suzy. Kailangan mo nang mag-move on at tanggapin ang nangyari.
Yes. I have to.
Kaya naman bumalik na ako sa dati kong ginagawa. I make animation videos again. Iyong sarili kong style.
Hindi na ako gumawa ng shorts na ang reference ay ang videos ni Kiyu.
What for? Tapos na kami.
Pero kahit anong pilit ko na gawin ang animation na naisip ko hindi ko matapos-tapos iyon and I think my idea is not good enough. Nag-ooverthink ako na baka may mga criticisms na naman akong mabasa sa comment section.
Malalim na hininga ang binitawan ko.
Suzy, kaya mo 'to.
Kaya naman I just let myself relax for the following days. I believed matatapos ko ang video next week.
Hindi ko na lang muna pipilitin sa ngayon.
I also wanted to talk to Kaye pero napansin kong hindi siya umuuwi sa unit niya. Maybe umuwi na muna siya sa kanila.
Sa mga araw na wala akong ginagawa I read books. Baka sakaling may makuha akong idea doon.
Mabilis na dumaan ang mga araw at hindi ko napansin na hindi pa dumadating ang period ko kung hindi ko lang nakita ang natitirang pregnancy test kit sa banyo.
Maybe I should throw it away na lang since hindi ko naman iyon magagamit na. Imposible kasing mabuntis pa ako since I am not fertile when Kiyu and I did it last time.
At baka ang menstrual period ko ay nagchange na since sabi nila when you reached on your thirties ay may pagbabago na sa hormones sa katawan.
But I don't know what happened to me because I tried to take the test.
Sayang din naman kasi kung itatapon na lang na hindi nagagamit at least it serves it's purpose before siya mapunta sa trash.
After I put a drop of urine on the kit ay inilagay ko iyon sa sink. My attention is diverted sa maruming tiles sa banyo.
Napailing ako dahil hindi ko na nalilinis ng mabuti ang comfort room.
Busy ka kasi, Suzy.
Napairap ako dahil wala akong ginawa for the past few days kundi ang magbasa ng magbasa. Tinatamad din kasi ako at feeling ko pagod na pagod ang katawan ko kahit na wala naman akong ginawang nakakapagod. Hindi ko na maintindihan para kasing may kakaiba sa katawan ko.
I don't know what it is.
I sighed and continue mopping the tiles. Nang natapos na ako ay napatingin na ako sa sink. Nabitawan ko ang mop.
My heart is pounding while looking at the pregnancy kit.
Umiling ako.
No! No! No! Impossible.
Lumapit pa ako ng husto sa sink para makita iyon ng mabuti.
Nanginginig ang mga kamay ko habang hinawakan ang kit at inilapit pa iyon sa mga mata ko.
Two red lines.
"Oh my god!"
Nagsimula nang humapdi ang mga mata ko at ilang sandali lang ay bumubuhos na ang mga luha ko.