Kabanata 26

62 0 0
                                    

Late afternoon came at kagigising ko lang. Lumabas muna si Kiyu mula sa silid na inuukupa ko dahil may pinapapirmahan sa kanya ang nurse. Ilang sandali lang ay sumunod na pumasok si Harry kasama nina Tita at Hershey.

I smiled so wide nang makita ko sila.

"Hi, Ate!" masiglang bati sa akin ni Hershey.

"Hello," nakangiti ko ring bati sa kanya.

Sabay silang tatlo na lumapit kay Locke na nasa tabi ko.

"Ang gwapong bata," si Tita.

"Panigurado maraming magkaka-crush sa anak mo, Ate, paglaki nito," si Hershey.

I laughed.

Lumapit sa akin si Harry at parang naiiyak ang mukha niya. "Zizi, sorry, wala kami nang nanganak ka."

Umiling ako. "Ano ka ba? Okay lang. Tsaka nahirapan nga kayong umuwi, 'di ba?" alo ko sa kanya.

His face got even sadder.

"Pasensiya na talaga, Suzy, ah," dagdag ni Tita. 

"Tita, okay lang po talaga. Nadala naman ako sa ospital at maingat akong nakapanganak."

I will not tell them na labis na akong natakot at umiiyak na ako nang nasa bahay pa ako. Hindi ko sasabihin na nagpanic na ako habang nag-iisip kung paano makakapunta sa ospital. 

"Mabuti na lang talaga at may naghatid sa 'yo. Sino ba 'yon, Suzy? Ayaw kasing sabihin nitong si Harry." Masamang tiningnan ni Tita ang anak niya. Pati si Hershey ay napatingin na rin sa kapatid niya pero ibinalik rin naman ang tingin kay Locke.

Umirap si Harry. "Mama, ang importante ligtas na si Suzy at ang anak niya. Huwag ka nang magtanong tungkol do'n."

"Nagtataka lang naman kasi ako kung bakit ayaw mong sabihin."

Harry looked at me and sighed.

Tumango ako at bumaling kay Tita. "Tatay po ng anak ko, Tita."

Tita's face is shocked. "Ah, talaga ba?"

"Opo."

"Galing pa talaga siya ng Voada ng gabing 'yon kung gano'n?"

"Hindi po, nasa Siaon na po siya no'n."

"Ha? Paano?" naguguluhan na tanong ni Tita.

Saglit akong bumaling kay Harry and I saw that he don't want me to speak more about it.

"Taga Siaon po siya, Tita."

"Akala ko ba taga Voada ang nakabuntis sa 'yo, Suzy?"

Even Hershey who are focused on Locke ay napatingin na rin sa akin na parang naghihintay rin ng sagot ko.

I sighed. I need to tell the truth since malalaman din naman nila kalaunan since mapapadalas na si Kiyu sa bahay dahil sa anak niya.

"Akala ko rin po," simula ko. "Pero nalaman kong taga Siaon pala siya nang lumipat na ako at nakita ko siya."

"OMG! Sino, Ate? Kilala ba namin?"

Napalunok ako.

All of their eyes are on me now. Ilang beses kong nakita na bumuntong-hininga si Harry.

I know he is just concerned about me kasi kung sasabihin ko na ang totoo ay sigurado na marami na ang makakaalam kalaunan. Hindi ko sinasabi na ipagkakalat ni Tita at ni Hershey ang tungkol do'n but what I mean is this is the beginning. Harry is also thinking about the chismosas of Siaon. He don't want them to know the truth pero hindi iyon mapipigilan. 

Suzainne Asmara Aljuniera (Siaon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon