Chapter 3

2.5K 70 1
                                    

Narrator P.O.V

Habang nagtuturo ang teacher nila Kurtney sa Section B ay may gusto na syang patayin sa isip niya. Alam nyo naman kung sino diba? Si Ram Miko Valentino dahil nakita nya na ito.

Hindi niya lang pinansin o maski tignan ulit. Yung puso niya kasi bumibilis yung tibok kaya ganun.

Nung recess na nila, pumunta na silang caanteen. Sakto din namang pumunta na din ang The B.O.Y.S

"Trish, siya yung lalaking sinasabi ko sayo. Yung demonyo." Bulong ni Kurtney kay Trishia, tumingin naman si Trishia doon sa tinuturo ni Kurtney.

"Ah. Si Ram Miko Valentino." Sabi ni Trishia at patango tango habang nakatingin kay Ram.

"Kilala mo siya?!" Gulat na tanong ni Kurtney. Tumango naman kaagad si Trishia.

"Oo, nakasalubong ko kanina. Tawagin ko?" Pokerface na tanong ni Trishia kay Kurtney at tinawag kaagad si Ram.

Napatingin naman yung apat na lalaki sa direksyon nila Trishia. Napatingin din yung dalawang babae. Kanina pa kasi sila nakaupo.

"Crush ka daw niya." Sabi ni Trishia kay Ram sabay tinuro si Kurtney. Sinamaan tuloy siya ng tingin ni Kurtney at binatukan.

"Hindi ako nagkakacrush sa mga demonyo noh! Eww." Sabi ni Kurtney at parang diring diri pa. Lumapit naman yung apat sa pwesto nila at umupo.

Bale walong upuan yung nandoon sa isang table.

"Tao yan, wag tanga." Pokerface na sabi nanaman ni Trishia kay Kurtney kaya binatukan nanaman siya nito.

"Totoo Kurtney? Crush mo si Ram?" Nakangiting tanong ni Allan kay Kurtney, umiling naman kaagad si Kurtney nun.

"Hindi noh! Naniniwala ka naman?" Sabi ni Kurtney kay Allan, tumango naman kaagad si Allan at tumingin kay Trishia.

"Crush ko siya eh kaya naniniwala ako kahit anong sabihin niya." Nakangiting sabi niya habang nakatingin kay Trishia.

"Aamin na ako, tomboy ako." Sabi ni Trishia pagkatapos magbuntong hininga. Binatukan naman siya nung tatlo.

"Imposible, Trish! Crush mo kaya si Prince!" Sabi ni Alyssa habang natatawa. Uminom naman ng tubig si Rachelle at nagsalita din,

"Oo nga Trish! Makatitig kay Prince, wagas eh." Pagsang ayon ni Rachelle sa sinabi ni Alyssa. Nag agree din si Kurtney.

"Kaibigan ko ba talaga kayo? Nilalaglag nyo ako eh." Sabi ni Trishia at tumayo.

"Oh ano? Magwowalk out ka?" Tanong ni Kurtney habang kumakain ng fries. Napatingin naman doon si Trishia.

"Bibili ako ng pagkain, ubos na kasi." Sabi ni Trishia tsaka agad na umalis, tinignan naman nung tatlong babae pati yung apat na babae yung pagkain ni Trishia.

"Ubos nga!" Gulat na sabi nilang pito.

"Oh ano? Magtititigan nalang kayo dyan?" Tanong ni Trishia pagkadating niya at nagtaas ng kilay.

"Hoy kayong tatlo maliban sayong unggoy ka." Sabi niya sabay turo kay Allan.

"Ako si Trishia Umber Dela Cruz, leader nila." Sabi ni Trishia habang nakatayo.

"Jonathan Darell Conception nga pala." Sabi ni Darell tsaka ngumiti.

"Allan Francis Reyes nga pala mga girls." Sabi ni Allan sabay kimindat.

"Kaano ano mo si Allan Reyes?" Tanong ni Alyssa sakanya, natawa naman si Darell at Trishia nun.

"Kapangalan at kaapelyido ko lang." Sabi ni Allan at nagkamot ng ulo.

"Clarence." Sabi ni Clarence at umalis. Nagkibit balikat nalang si Trishia at aalis na din sana nang tawagin siya.

"Saan ka pupunta Ms. Leader?" Nakataas na kilay na tanong ni Kurtney sakanya.

"Tawag ako ng CR." Matipid na sagot niya at dali daling umalis.

"Ram Miko Valentino." Pokerface na sabi ni Ram at umalis na din. Nagkibit balikat nalang sila Darell at Allan.

"Rachelle Naval Cruz." Nakangiting sabi ni Rachelle tsaka nagwave. Napanganga tuloy sila Alyssa at Kurtney.

"Hi! Alyssa Ashley Alcantara nga pala ^_^. Sige, babye!" Sabi ni Alyssa at umalis nadin bale sila Jonathan, Allan at Kurtney nalang ang naiwan.

"Kurtney Cole Villanueva, alis nadin ako." Sabi ni Kurtney at umalis nadin. Napatingin naman sila Allan at Darell sa isa't isa at ngumiti.

"Yes! May libre tayong pagkain Dar." Masayang sabi ni Allan sabay upo doon sa upuan ni Trishia.

"Buti nalang umalis sila." Masaya din na sabi ni Darell at umupo sa upuan ni Rachelle.

May natira kasing pagkain sila Rachelle at Trishia dahil sa busog na sila.
■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■
End of Chapter 3.

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate.

Loving Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon