Chapter 1

4.6K 89 3
                                    

Kurtney P.O.V

"Kurtney." Tawag sakin ni Rachelle, hindi ko nalang siya pinansin.

Mamatay na siya,mamatay na siya,mamatay siya. Lagot talaga sakin yung lalaking yun!

"Ney, snobber lang ang peg?" Pokerface na sabi sakin ni Trishia at tinaasan pa ako ng kilay pero sorry siya, hindi ko na din siya pinansin.

Mamatay na siya,mamatay na siya,mamatay na siya. Pagnalaman ko talaga pangalan nun, ay nako! EWAN KO NALANG!

"Ako na!" Volunteer ni Alyssa at nagtaas pa talaga ng kamay. Recitation lang ang peg?

Papatayin ko talaga yung lalaking yun kahit gwapo pa siya, sobrang sama ng ugali grrrr.

"Geh. Tandaan mo walang grade yang pagtaas mo." Sabi ni Trishia at umalis para ata umorder ng pagkain niya?

Papatayin ko talaga sya kahit kasali man siya, isa sa mga heartrob.

"KURTNEY!" Sigaw ni Alyssa sakin, napalayo naman ako kaagad. Muntik nakong mabingi doon ah.

"Aray naman Alyssa! Muntik na akong mabingi!" Sabi ko sakanya tsaka inirapan siya.

Pano ba naman kasi, sisigaw na nga lang kailangan pang ilapit yung bibig niya sa tainga ko.

"Ang lalim kasi ng iniisip mo eh. Share naman dyan Kurtney habang wala pa si Trishia." Sabi sakin ni Alyssa tsaka inilapit yung upuan niya sa tabi ko. Pati din si Rachelle ganun din ginawa.

"K." Sabi ko tsaka nagsimula ng magkwento.

》FLASHBACK《
Pachill lang akong naglalakad papuntang hallway nang tinignan ko kung anong oras na. Sobrang kakaunti nalang kasi yung tao sa hallway.

Pagkatingin 8:40 na pala, 9:00 kasi start ng class namin. Napatakbo tuloy ako. Nung papaakyat nako sa hagdan, may nabangga ako.

Napaupo tuloy ako sa sahig T^T ang sakit nun. Hirap tuloy akong tumayo at ito namang nabangga ko, nakatingin lang sakin with matching POKERFACE.

Kahit nainis ako kasi HINDI MANLANG NIYA AKO TINULUNGAN. Nagsorry ako. Kasalanan ko din naman eh.

"Aakyat na nga lang sa hagdanan, kailangan pang tumakbo pssh. 8:30 palang tsk wag excited." Sabi sakin nung bwiset na lalaki.

Nanlaki naman yung mga magaganda kong mata. 8:30 palang?! Tapos ngayon ko lang pala naalala.

Inaadvance ko pala 'tong relo ko para di ako malate. *facepalm* ang tanga mo talaga Kurtney.

Aakyat na sana ako ulit nang mapatigil ako. Anong sabi nung lalaki?

"Aakyat na nga lang kasi sa hagdanan kailangan pang tumakbo psssh."

Nainis naman ako nun. Malay ko bang 8:30 palang?!

Tanga din siya eh. NAHIRAPAN NA NGANG TUMAYO YUNG TAO, DI PA NIYA TINULUNGAN. TINIGNAN NIYA PA!

》END OF FLASHBACK《

Oh diba? Nakakainis! Nakakabwiset! Gwapo nga, masama naman yung ugali!

"Pfft. Ang tanga mo, tae." Binatukan ko naman si Trishia, makatanga lang eh noh?! Atsaka hindi ko man lang naramdaman na nandito na siya.

"KUNG AKO TANGA, IKAW SHUNGA!" Sigaw ko sakanya, napalayo naman siya tapos sumipol sipol sabay kuha ng bag niya tsaka umalis.

"Ikain mo nalang yan Kurtney," Sabi naman ni Rachelle tsaka ngumiti sabay kuha din ng bag niya at umalis.

Napokerface tuloy ako. Iwan ba naman ako dito?! Buti nandito pa si Alyssa kundi nako! Ewan ko nalang.

"Wag mong sabihing iiwan mo din ako?" Tanong ko sakanya. Ngumiti naman siya tsaka napakagat ng labi.

"Oo eh, may dinner with family ako. Bye Kurtney!" Sabi niya sabay kuha ng bag niya tapos nagwave sakin tsaka umalis.

Kaibigan ko ba talaga sila?! Bakit sila nang iiwan?! Ako lang tuloy mag isa dito.

Ayyy nakalimutan ko pala magpakilala sainyo. Ako nga pala si Kurtney Cole Villanueva. 16 years old. Nag-aaral sa Ashton High. Section B ako atleast Section 2 diba?

Yun lang introduction ko sainyo kasi baka mapagabi ako ng uwi, babae pa naman ako.

Alam nyo na, andaming manyak dito sa Pilipinas maski baby nga minamanyak nila eh. Dapat sinaman din nila pati bakla para fair.

Kinuha ko na yung bag ko tsaka umalis doon, napatingin ako doon sa kanan. Nagkatinginan kami. Tinaasan niya lang ako ng kilay tsaka umalis.

Mas lalo akong nainis sakanya. Pagnalaman ko pangalan nung lalaking yun. Lagot talaga sakin yun. Demonyo yung ugali tssss.
→→→→→→→→→→→→→→→→→→
End of Chapter 1

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon