(A/N: Pagkatapos nila sa library neto.)
Alyssa P.O.V
Papaakyat ako ngayon sa room namin, may naiwan kase ako. Yung notebook ni Trishy.
Pagkapasok ko nun, nakita ko si Clarence na nagbabasa ng libro. Napatingin naman siya sakin saglit at nagbasa.
Ang sungit sungit talaga ng lalaking 'to, mas gusto ko tuloy siya maging kaibigan.
"Uy Clarence. Hindi kapa uuwi?" Nakangiting tanong ko sakanya, hindi niya ako pinansin.
"Uy! Patingin niyang binabasa mo." Sabi ko ulit at sinilip silip yung binabasa niya, kunot noo naman niya akong tinignan at ibinaba yung librong binabasa niya.
"Pwede ba tigil tigilan mo ako?! Sinabi ko na sayo kanina na ayaw kita maging kaibigan, hindi mo ba naintindihan yun o sadyang tanga ka lang?!" Sigaw niya ng malakas sakin. Napayuko naman ako nun.
Gusto ko lang naman siya maging kaibigan eh, masama ba yun?
Clarenc P.O.V
Pagkatapos kong mainis sakanya, biglang tumahimik. Tinignan ko naman siya, nakayuko siya ngayon habang may tumutulong mga luha sa mga mata niya
Nakaramdaman naman ako ng pagkakirot sa puso at nakaramdam din ng lungkot.
Yung tipong sising sisi ako na napaiyak ko yung taong mahal ko kahit hindi ko naman siya mahal.
Harsh man pakinggan pero yun yung totoo, alangang magsinungaling ako tsk. Edi nagkasala na ako.
Bumuntong hininga ako at tumayo sabay nilapitan siya. Ewan ko kung anong nangyayari sakin pero kusa nalang na pinatahan ko siya.
Baka dahil ayoko lang na may nakikitang babaeng umiiyak lalo na kung dahil sakin.
"Sorry, nadala lang ako ng inis ko." Sabi ko sakanya habang pinapatahan siya. Tumahan naman siya at tinignan ako sa mga mata ko.
Naramdaman kong bumilis yung tibok ng puso ko nun at ayaw ko nun. Hindi siya ang gusto ko pero siya ang gusto ng puso kotsk.
"Clarence, ngiti ka nga." Sabi niya sakin at nagpapuppy eyes, napataas tuloy kilay ko nun.
Bumait lang ako unti, inabuso na tsk.
"Ayoko." Pokerface na sabi ko at aalis na sana nang umiyak nanaman siya. Napakamot tuloy ako sa ulo ko.
Taeng babae 'to. Gagamitin pa yung luha niya para lang pilitin akong ngumiti tsk.
"Dali na. Isa lang please." Sabi niya, bumuntong hininga ako nun. Wala aking choice.
At para tigilan na niya ako. Mas lalo kasi akong naiinis sa kaingayan at kakulitan niya tsk. Kanina pa niya kasi akong kinukulit at dinadaldal.
Buti nalang nakahiram ako ng libro dun sa library pero di pa ko nagpapaalam 😪. Mamaya nalang ako magpapaalam.
"Please. Pagkatapos mong ngumiti, hindi na kita kukulitin." Sabi niya kaya napatingin ako sakanya.
Ngumiti na ako nun at hinawakan ulo niya, namula siya tuloy at tumakbo papaalis.
Clarence, sabi lang ngumiti ka hindi pakiligin siya tsk. Pero wala eh, nagawa ko na.
Atsaka sa totoo lang, ang cute niya kaya napangiti ako habang tinitignan kung saan siya tumakbo.
"Uy, mukha kang tanga." Tinignan ko naman yung nagsalita. Si Trishia pala at parang may kinuha.
"Tsk. Ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ko sakanya. Panira 'to eh. Nakangiti na ako nun.
"Si Alyssa kasi, hindi kinuha 'tong notebook ko. Kinilig ata sayo, ang pula ng mukha eh. Ano bang ginawa mo?" Nakakunot na tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Pake mo? Tsk." Sabi ko tsaka naglakad na, nakita ko pa nga siyang napanganga eh.
"Teka lang. Diba dapat nakauwi kana?" Nagtatakang tanong ko sakanya, siya naman yung nagtaas ng kilay.
Nakita ko kasing nasa baba na yung lagi nyang kasama. Si Kurtney.
"Bumalik ako, naiwan ko kasi 'tong diary ko." Sabi niya tsaka nilagpasan na ako. Worth it talaga sakanya maging leader.
Nakakaramdam ako ng takot eh. Mas nakakatakot pa siya doon sa unggoy na Allan na yun.
Atsaka diary pala niya yun? Buti nalang hindi ko binasa baka mapatay pa ako niyan pagnabasa ko.
Mga ilang minuto din, tumayo na din ako. Dahil malapit ng mag gabi.
Maglalakad na sana ako nang mapatigil ako at mapakamot sa ulo ko.
Pumunta na dito si Trishia, hindi pa ako nakapagpaalam. Tanga mo talaga, Clarence tsk tsk tsk.
"Clarence! Sabay na tayo umuwi!" Tumango lang ako kay Rachelle at sabay na kaming lumabas ng school.
Nahagip naman ng mata ko si Darell na naktitig saming dalawa ni Rachelle. Hindi ko nalang sya pinansin.
Baka magalit yun sakin tsk. Type pa naman nya siguro 'tong kasabay kong babae ngayon.
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
End of Chapter 6A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold
Roman pour Adolescents"Ang pagmamahal ko kay Mr. Cold ay unexpected, pero ang pagmamahal ko sakanya ay PERFECT." -Kurtney "Akala ko habang buhay magiging Mr. Cold ako, pero nung dumating siya sa buhay ko, lahat nagbago." -Ram Masyadong magkaiba ang ugali nila pero ang ta...