Chapter 7

1.4K 45 0
                                    

Rachelle P.O.V

Nandito na ako sa room, nagpapahinga lang. Mamaya nalang siguro ako uuwi.

Ilang minuto din, lumabas narin ako kaagad. Baka pagalitan pa ko ng mama ko kapag ginabihan ako.

Pagkalabas ko, bumungad sakin si Darell na nakasandal sa pader dun sa gilid lang ng pinto nitong room.

Halatang hinihintay akong lumabas ng isang 'to tsk. Nung nakita niya ako, lumapit naman siya sakin at inamoy buhok ko.

"Hmmmm.. Ang bango ng buhok mo Naval." Sabi niya, alam ko tsk.

Kung mabaho buhok ko edi sana naligo na ko kaagad😪.

"Wag mo nga akong tawagin sa pangalang yan, ang pangit kaya." Naiinis na sabi ko. Ayoko talagang matawag sa pangalan na yan.

"Ayaw mo yun? Ako lang tatawag sa pangalan mo?" Nakangiting sabi niya at lumapit pa. Hindi ko siya tinitignan.

Mamaya maging kamukha ko pa. Mahirap na.

"Ayoko kaya pwede ba?! Layuan mo na ako?!" Inis na sabi ko, naiinis na talaga ako huh?!

"Kahit sa ayaw mo o gusto mo, liligawan kita at kahit maging tayo, liligawan padin kita. Pero kung ayaw mo talaga, lalayuan kita." Sabi niya tsaka umalis habang nakayuko.

Nakatingin lang ako sa likod nya at alam kong sincere yung pagkakasabi nya.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot ng puso ko at lungkot. Kailangan ko na talagang umiwas.

May boyfriend ako at bawal akong mainlove sakanya parang nagtataksil nadin ako nun.

Bakit kasi ayaw mong sumuko sakin, Darell? Saglit pa lang kaming nakilala, inlove na sya kaagad sakin😪.

Darell P.O.V

"Uy Darell? Pasensya kana kay Rachelle huh?" Sabi sakin ni Trishia, tinignan ko naman siya. May hawak siyang notebook.

Ito ata yung diary niya na halos magpanic siya kakatakbo paakyat doon sa room nila, nabangga pa nga niya ako eh. Ang lakas nga ng impact eh, napaupo ako sa sahig.

"Nakita mo?" Tanong ko sakanya, tumango naman siya. Buti hindi niya ako sinungitan ngayon.

"Obvious naman diba? Edi sana kung hindi ko nakita, nilampasan na kita." Sabi niya tsaka umirap. Nagkakamali pala ako. Masungit padin siya.

Nagtataka nga ako kung bakit naging crush 'to kaagad ni Allan eh. Ikaw? Nagtaka ka din ba?

"Bakit ganun siya?" Tanong ko sakanya, sa tingin ko naman mabait din 'to kahit masungit eh.

Edi sana hindi niya makakasundo yung tatlong babae na yun.

"May boyfriend siya Darell kaya iniiwasan niyang mahulog sayo kasi feeling niya nagtataksil na siya." Sabi niya sakin at tinignan ako. Nalungkot naman ako nun.

May boyfriend pala siya eh, bakit hindi man lang niya sinabi kaagad sakin? Kailangan malaman ko pa sa iba. Mas lalo niya lang akong pinapaasa.

"Nasaan ba yung boyfriend niya?" Kunot na tanong ko, galit na ako ngayon.

Hintay ako ng hintay na mainlove din siya sakin tapos naghihintay lang ako sa wala?!

"Nasa Singapore. Doon nag aral, ewan nga namin kung mahal pa nung tngn na yun si Rachelle eh."Inis na sabi ni Trishia at kumunot na yung noo niya. Napakunot nadin noo ko.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Niloloko ba siya ng boyfriend niya? Loko yun ah!

"Pumunta kasi ako sa Singapore noong bakasyon, gumagala ako nun nang makita ko yung boyfriend ni Rachelle may kahalikan na ibang babae doon sa restaurant. Hindi na sila nahiya." Kwento ni Trishia at humikbi. Teka? Umiiyak ba siya?

"At alam mo kung sino yung kahalikan niya nun?" Tanong niya sakin habang may mga luha na tumutulo sa mga mata niya.

"Yung isang bestfriend ni Rachelle, yung una niyang naging bestfriend bago kami. Halos mapatay ko yung babae nung araw na iyon buti nalang napigilan ako ni mama. Hindi ko naman akalain na doon pala siya nagtratrabaho eh. Napagalitan tuloy ako." Naiiyak na kwento niya tsaka tumawa. At tumayo na pagkatapos niyang punasan yung mga luha sa mga mata niya.

"Alis na ko ah? Sige, bye." Sabi niya tsaka umalis.

Ngayon alam ko na kung bakit nainlove kaagad si Allan kay Trishia.

Kasi siya yung babaeng nakakatakot at akala mo wala ng pake sa mga kaibigan niya pero meron pala.

"Wait." Natigil ako sa pag iisip nun at tinignan si Trishia.

"Bakit?"

"Kakakilala lang natin kanina, nainlove kana sakanya kaagad amp." Kumunot noo ko nun. Nagsungit nanaman.

"Matagal ko na siyang kilala." Sagot ko nung malayo-layo na sya.

"At matagal na kong inlove sakanya." Tumalikod na ako nun atsaka nakayukong naglakad.

Sana walang nakarinig😨.
○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○
End of Chapter 7

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon