Alyssa P.O.V
Palakad lakad lang ako dito sa school. Monday nanaman ngayon tapos wala palang gagawin.
Natigil ako sa paglalakad nang may marinig ako sa isang classroom kaya nakinig ako.
"Mahal kita." Sinilip ko naman kung sino yun, nagulat ako nang si Clarence yun.
"Baka ibang Ash naman 'to, Clarence." Tinignan ko naman yung babaeng yun.
Si Ash Gueverra, dapat sya ngayon ang nandito sa posisyon ko at hindi ako. Dapat sya ngayon, ang kaibigan nila Trishia at hindi ako.
"Ikaw yan." Tumayo naman si Ash.
"Kung ako man ito o hindi. Gusto ko lang sabihin sayo, na hindi kita mahal." Napapasok ako sa katabing classroom nun nung biglang umalis dun si Ash.
Lumabas naman ako kaagad nung nawala na sya tsaka sinilip si Clarence.
Nalungkot ako nung nakita ko syang umiiyak kaya wala akong nagawa kundi lapitan sya.
"Anong ginagawa mo dito?" Natigil ako sa balak kong yakapin sya nang pokerface nya akong tinignan.
"Yayakapin ka sana. Parang kailangan mo eh." Kununotan naman nya ako ng noo.
"Hindi ko kailangan ng yakap. Lalo na kung ikaw yun." Nasaktan ako sa sinabi nya pero niyakap ko parin sya. Hindi narin naman sya pumalag.
Namalayan ko nalang na iyak sya ng iyak at nung tumahan na sya, tinanggal ko na yung pagkakayakap ko sakanya.
"May tanong ako sayo, Clarence." Tumayo na sya nun tsaka nya pinunasan yung mga luha nya.
"Ano yun?" Magsasalita na sana ako nang nagsalita sya ulit.
"Isang tanong lang para isang lang sasagutin ko." Napasimangot ako unti, dami pa naman sana akong tatanungin.
"Bakit ang sama mo?" Tumingin muna sya sa sahig tsaka tumingin sakin.
"Dahil sa pinagdaanan ko kaya ganito ako." Naglakad na sya nun papalayo.
Nung wala na sya, aalis na sana ako nang may nakita akong picture. Nahulog ata ni Clarence 'to.
Tinignan ko yung picture, isang batang babae na nakangiti.
Naramdaman kong biglang sumakit yung ulo ko.
Trishia P.O.V
"Clarence!" Tumingin sya sakin tsaka huminto sa paglalakad.
Wawa naman, umiyak awww😢.
"Nakita mo si Alyssa?" Tumango lang sya tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Napasimangot ako nung malayo na sya.
Itatanong ko pa naman sana kung nasaan si Alyssa.
Naupo naman ako dito sa gilid ng hallway tsaka hinintay si Alyssa.
Habang naghihintay, nakita ko si Francis na naglalakad at huminto sa harap ko sabay naupo sa harap ko.
"Bakit hindi kapa umuuwi?" Nakangising tanong nya, sasamaan ko na sana sya ng tingin nang bigla akong nanghina nanaman.
"Hinihintay ko si Alyssa." Tinitigan naman nya ko kaya nag iwas ako ng tingin.
"Ano bang sasabihin mo sakanya?" Niyakap ko naman sarili ko kasi parang nilalamig ako.
"Pinapapunta sya ng mama ni Clarence sa bahay nila."
"Sige, ako na magsasabi. Umuwi kana." Nagulat ako nun, tsaka sya umupo sa tabi ko.
"Ako na, kaya ko pa." Sinamaan nya ako ng tingin.
"May lagnat ka." Napataas naman kilay ko nun.
"Wala akong lagnat." Hinipo nya yung noo ko tsaka napaaray. Kaya hinipo ko din noo ko, napaaray din ako.
"Oh diba? May lagnat ka? Umuwi kana." Nakasimangot na kong tumayo nun.
"Basta, sasabihin mo sakanya ah?" Ngumiti naman sya sakin.
"Oo." Umuwi na ko kaagad nun habang matamlay na naglalakad.
Kaya pala kanina pa ko parang nanghihina, may lagnat pala ako😅.
○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○
End of Chapter 11A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold
Teen Fiction"Ang pagmamahal ko kay Mr. Cold ay unexpected, pero ang pagmamahal ko sakanya ay PERFECT." -Kurtney "Akala ko habang buhay magiging Mr. Cold ako, pero nung dumating siya sa buhay ko, lahat nagbago." -Ram Masyadong magkaiba ang ugali nila pero ang ta...