Ram P.O.V
Sabado na ngayon. Walang pasok. Nandito ako ngayon sa sala, nakaupo sa sahig.
"Ram, sino nakatoka ngayon?" Tanong ni Allan. Sinakop nya lahat ng space sa sofa kaya dito nalang sa sahig ako nakaupo.
"Si NeyCole." Tumango naman sya tsaka nanood ng tv.
"Bakit nakabihis ka?" Hindi kasi pambahay suot nya kanina palang nung pagkababa ko dito.
"Basta." Nagkibit balikat nalang ako. Kung ayaw sabihin, wag pilitin.
"Ram." Tawag sakin ni Trishia sabay tumabi sakin. Napatingin tuloy saamin si Allan.
"Bakit?" Napakunot noo ko nung pinagpawisan sya.
"Ikaw muna, nakatoka ngayon. Bukas nalang si Ney." Ibinaba ko naman yung librong hawak ko tsaka humarap sakanya.
"Mag uusap lang ah? Walang anuhan." Inirapan ni Trishia si Allan habang ako hindi pinansin yung sinabi nya.
Selos lang yan eh😏.
"Bakit?" Tumingin naman sya saglit sa hagdanan tsaka tumingin ulit sakin.
"Tuwing 24th Saturday, malakas topak nya." Nagtaka ako.
"Paanong malakas?" Takang tanong ni Allan. Nakahiga sya sa sofa, dito samin nakaharap ulo nya.
"Hindi sya nagsusungit. Para syang lasing tuwing 24th Saturday kaya pagpasensyahan nyo na kung isa sainyo ang napagtripan nya ngayon." Napalayo naman si Allan.
"Sana hindi ako." Inirapan nanaman sya ulit ni Trishia.
"Wag kang mag alala, sigurado akong si Ram ang trip nya ngayon." Napataas kilay ko. Nananahimik ako dito, dinadamay ako tsk.
"Paano ka nakakasigurado?"
"Kung sino kase crush nya sa 24th Saturday. Yun ang pinagtritripan nya." Kumunot noo ko nung ngumisi sya sakin.
Tsk. Kaya pala ako yung nakatoka na maglilinis ngayon.
"Sige, alis na ko. Ingat, Ram! Halika na, unggoy!" Nagulat ako nang hilahin nya si Allan palabas.
"Condolence Ram!" Napailing nalang ako nang narinig ko pa yang isinigaw ni Allan.
Kaya pala nakabihis silang dalawa, balak nilang umalis tsk.
Nagkibit balikat nalang ako tsaka nagbasa ulit ng libro, hindi ko alam pero bigla akong pinagpawisan.
Nagulat nalang ako nang may biglang yumakap sakin.
"Miko." Namula ako nung tinawag nya pangalan ko. Ewan ko kung bakit.
"Bakit?" Nagbasa lang ulit ako ng libro habang nakayakap parin sya sa likod ko.
"Ipagluto mo kong pagkain." Tumango ako tsaka nahirapang tumayo kasi nakayakap parin sya sakin.
"Mamaya mo na ako yakapin. Magluluto ako." Nagulat ako nang bigla nalang syang umiyak at lumayo sakin.
Condolence talaga sakin, tsk.
"Sige, kahit nagluluto ako. Yakapin mo pa rin ako." Tumigil naman sya sa pag iyak tsaka pinunasan yung luha nya.
"T-talaga?" Tumango lang ako. Dali-dali naman nya kong niyakap sa likod kaagad.
Nung nasa kusina na kami, nagulat ako nang may nakahanda ng lulutuin. Napangiti ako.
Kaibigan ko talaga sila tsk😏.
"Ano lulutuin mo, Miko?" Nag isip naman ako. Ano nga bang lulutuin ko?
Tumingin ako sa mga nakahanda dito at may nakitang dalawang sulat.
Adobong Manok💓 ~Trish👊
Fried Chicken😂~ Allan👌
Napailing ako sa nakita ko at napangiti nanaman. Ano bang pipiliin ko?
Si pandak o si unggoy?😂
"Anong gusto mo ba? Adobong manok o fried chicken?" Itanong ko nalang sakanya, hindi pa ko mahihirapan😂.
"Fried Chicken!" Nagulat ako nung nakakita ako ng sad face kay Trishia at happy face kay Allan.
Pinaglalaruan ako ng dalawang 'to tsk.
Agad akong nagluto ng fried chicken na dalawa tsaka kami kumain. Hindi na nya ko niyakap nun.
"Oh, tubig." Abot ko sakanya nung bigla syang sininok.
"Ayoko ng tubig." Napanganga ako.
"Sige, hanap lang ako sa ref." Tumango lang sya. Pumunta ako sa ref at nagtingin ng pwede nyang inumin nang makakita nanaman ako ng dalawang sulat.
Juice😍~ Trish✋
Softdrinks😊~ Allan✊
"NeyCole." Tumingin naman sya kaagad sakin. Sakanya ko nalang ulit itanong.
"Anong gusto mo? Juice o softdrinks?" Para hindi na ko mahirapan sa pagpili.
"Juice!" Nakakita ulit ako ng sad face kay Allan naman at happy face kay Trishia.
Tinignan ko yung dalawang juice at may dalawa nanamang sulat.
Nestea, Lemon Blend😻~ Trish👏
Tang, Orange💪~ Allan👋
"Anong gusto mo? Nestea na Lemon Blend o Tang na Orange?" Nag isip naman sya saglit tsaka sumagot.
"Nestea, yung Lemon Blend!" Napailing ako nung nakakita ako ng happy face kay Trishia at sad face kay Allan.
Kinuha ko na yung juice tsaka kumuha ng dalawang baso sabay kumain ulit kami.
"Nasaan sila Trish at Allan?" Napaiwas ako ng tingin. Naninibago talaga ako sakanya ngayon.
"Umalis sila. Nagdate." Lihim akong nagulat nang may makita akong dalawang sulat nanaman sa kamay ko.
t-_-t ~ Trish👇
Nice! ~ Allan👆
Pinaglalaruan talaga nila ako ngayon tsk tsk tsk.
"Okay." Sumimangot sya. Hindi sya umirap, naninibago talaga ako.
"Doon ka muna. Maghuhugas lang ako ng pinagkainan natin." Tumango naman sya habang ako kinuha na yung pinagkainan.
"Punta ka sa kwarto ko pagkatapos mo dyan, Miko." Nagulat ako nun tsaka umiling-iling nalang.
Nakakita nanaman ako ng dalawang sulat. Pwede naman nila akong tawagan tsk.
Yieeeeee alam na, sunod nyan!😻~ Trish💞
👉👌💦👶 Realquick😚 ~ Allan💋
Napailing nalang ako. Nasaan kaya yung dalawang yun?
Trishia P.O.V
"Lumayo ka nga ng unti sakin!" Sabi ko tsaka sinamaan sya ng tingin.
Nandito kami ngayon sa isang kwarto. Yung maliit lang. Paano kami nakapunta dito?
May isa pang daanan dito kaya ganun. Tsaka sigurado naman ako na hindi pupunta dito si Ney.
"Date nalang kase tayo." Binato ko naman sya ng unan. Kanina pa 'to eh.
"First time ni Ram! Kaya kailangan nya ng tulong." Nailang ako nang ilapit nya yung mukha nya sakin.
Bwiset. Kung pwede lang na hindi ko sya isama, ginawa ko na.
"Paglaruan ko nalang buhok mo." Tsaka nya pinaglaruan buhok ko. Kanina pa talaga yan eh.
"Bahala ka dyan." Nginisian nya lang ako habang ako, nanood na ng gagawin nila Ram at Ney.
♧♣♧♣♧♣♧♣♧♣♧♣♧♣♧♣
End of Chapter 21A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold
Genç Kurgu"Ang pagmamahal ko kay Mr. Cold ay unexpected, pero ang pagmamahal ko sakanya ay PERFECT." -Kurtney "Akala ko habang buhay magiging Mr. Cold ako, pero nung dumating siya sa buhay ko, lahat nagbago." -Ram Masyadong magkaiba ang ugali nila pero ang ta...