Chapter 39

492 21 0
                                    

Trishia P.O.V

"Trishia, punta ka daw sa Art Hall." Natuwa ako nun sa narinig ko.

Ang Art Hall, puno ng painting at magagandang art ang nandoon. Kumpleto din ng art materials.

"Bakit daw?" Tanong ko sa kaklase ko.

"Hinahanap ni Maam, yung bagong transferee. Si Josh Khael Cabanada." Cabanada pala apelyido nya.

"Bakit sa Art Hall pa ko pupunta at bakit ako yung inutusan?"

"Ikaw lang daw kase kakilala ni Cabanada dito tsaka doon daw sya nagpunta. Sa tingin ni Maam." Napataas naman kilay ko.

"Bakit sayo pa pinasabi ni Maam? Hindi na lang sakin?" Napatampal naman sya sa noo nya.

Baka kase pinagloloko lang ako neto eh.

"Wala ka kase kanina. Tsaka may meeting sila. Dami nitong tanong." Napairap naman ako. Sabagay.

"Anong gagawin ko pagkatapos ko syang makita sa Art Hall?" Kunot noong tanong ko.

"Ayaw nya daw kaseng pumasok sa klase kasi nahihiya sya. Kaklase pa naman natin sya. Kaya ikaw yung napili na pilitin syang mapapasok dito sa classroom natin." Napatango nalang ako.

"Okay." Tumango lang sya tsaka umalis na. Breaktime na kase ngayon.

"Ano yung sinabi sayo?" Biglang tanong sakin ni Ram.

"Hanapin ko daw yung bago nating kaklase sa Art Hall." Tumango tango naman sya.

"Hindi ka muna sasabay samin?"

"Oo. Next time nalang. Busog pa naman ako eh." Tumango lang sya tsaka naglakad papalayo.

Pumunta na kaagad ako sa Art Hall nun at namangha sa mga nakita ko.

"Wow!" Sa kakatingin ko sa mga painting, bigla akong nadulas.

"Aray!"

"Miss. Okay ka lang?" Inalalayan ako ng isang lalaki. Si Josh pala.

"Oo, okay lang ako." Tinignan naman nya ko, pagkatapos kong makatayo.

"Rish. Ikaw pala." Nagtaka ako nun sa tinawag nya sakin.

"Rish?" Napahawak naman sya sa batok nya tapos hinaplos haplos yun.

"Yun na lang tawag ko sayo, pwede?" Ngumiti naman ako tsaka tumango.

Ang cute nyaaaa😍.

"Okay lang." Ngumiti din naman sya.

Ang gwapo mygawd😱.

"Bakit napapunta ka dito?" Tanong nya tsaka naupo dun sa maliit na upuan. Kumuha din ako ng upuan tsaka umupo dun.

"Pinapahanap ka kase sakin ng adviser namin. Balita ko kase ayaw mo daw umattend ng klase dahil nahihiya ka." Umiling naman sya nun.

"Hindi talaga yun ang dahilan." Nagtaka naman ako.

"Eh ano?" Sabagay. Imposible namang hindi sya umattend ng klase dahil nahihiya lang sya.

"Tinatapos ko 'tong pinepaint ko. Sasali ako sa Art Contest, kailangan ko ng judge. Buti, sakto dating mo." Nagtaka naman ako.

May inilabas syang painting kaya nagulat ako. Nandun si Ney at may kasama syang lalaki. Kahawig ni Ram.

"Maganda ba?" Tumango naman ako kaagad.

"Bakit ganyan napaint mo?" Tumingin naman sya sa painting tsaka tumingin sakin.

"Yung lalaki dyan. Yung papa ko. Tapos yung babae naman dyan, yung mahal nya. Hindi sila nagkatuluyan hanggang huli." Nalungkot naman ako nun.

Mama siguro ni Ney. Matanong nga.

"May anak ba ngayon yung mahal nya?" Tumango naman sya.

"Oo. Babae. Nag aaral din dito eh at kamukha din nya." Napatango tango ako. Mama nga ni Ney.

"Bakit hindi sila nagkatuluyan?" Tumingin naman sya sa sahig nun.

"Simple lang. Kasi itinadhana lang sila pero hindi sila yung itinakda sa isa't isa." Tumingin sya sakin, tumingin din ako sakanya.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Nung una ko palang sya nakita, ganito na kinikilos ko sakanya.

"Pero mahal pa rin sya ng papa mo ngayon?" Nagkibit balikat naman sya.

"Hindi na siguro. Hindi na din naman nya nakwekwento sakin yung minahal nya noon." Tumayo na sya nun tsaka inayos yung painting.

"Buti hindi ka nagagalit sa papa mo."

"Bakit naman ako magagalit sakanya?" Nagsimula na syang maglakad kaya sumunod ako.

"Kasi nung mag asawa na sila ng mama mo, kwinekwento nya parin sayo noon yung minahal nya bago yung mama mo." Ngumiti naman sya.

"Sa una, nainis ako pero sa huli. Inintindi ko papa ko, ramdam ko naman kaseng si mama ko na mahal nya at hindi yung dati." Tumigil sya sa paglalakad tsaka humarap sakin.

"Hindi naman nya siguro mamahalin mama ko kung mahal nya pa yung dati diba?" Napatango naman ako. Sabagay.

"Sabagay. Kung mahal na nya talaga yung isa, hindi na sya magmamahal ng iba." Nagpatuloy kami sa paglalakad nun.

"Breaktime pa naman. Gusto mo bang kumain muna?" Pinakiramdam ko naman tyan ko. Gutom mygawd😨.

"Ilang minutes na lang ba?" Tinignan naman nya relo nya. Wala kase akong suot na relo.

"May 15 minutes pa naman." Hinila ko naman sya kaagad papuntang canteen.

"Libre mo ah?" Pakapalan na ng mukha, nandito na rin naman sya eh.

"Sige." Sabi nya tsaka natawa. Napangiti nalang ako.

Allan P.O.V

"Allan." Napabuntong hininga ako tsaka tinignan si Ram.

"Ang sakit sa puso, Ram." Nakita ko kase sila Trish at yung transferee na masayang nag uusap.

"Malapit ng mangyari yung araw na yun, Allan. Kailangan mo ng tanggapin." Sabi nya tsaka naglakad papalayo.

"May itatanong lang ako sayo." Pero pinigilan ko sya. Nakita ko kase yung mukha nung transferee kanina.

"Ano yun?"

"Yung transferee. Magkahawig kayo, parehas din kulay ng mata nyo." Kumunot noo nya.

"Kapatid mo ba yun Ram?" Natigilan naman sya dun. Kapatid nga nya.

"Kapatid mo nga." Tango-tangong sabi ko.

"Half brother ko lang sya." Nagtaka naman ako.

"Paanong naging half brother mo lang sya?" Bumuntong hininga sya tsaka tumingin sa paligid bago sumagot.

"Pareho kami ng tatay. Magkaiba ang nanay." Tumango tango nalang ako. Bigla kase syang nagseryoso.

"Bakit hindi mo sya nasasabi samin?"

"Hindi naman kase kayo nagtatanong." Napanganga ako habang sinusundan ko sya ng tingin na naglalakad sya palayo.

Loko yun ah. Sabagay di rin namin natanong sakanya yung tungkol dun😂.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
End of Chapter 38

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon