Trishia P.O.V
"Josh. Pinapatawag ka ni Principal." Tumingin naman sya sakin nun.
"Sige, punta ka muna dun." Sumandal ako sa pader. Nandito kasi kami sa hallway.
"Babalikan kita, pagkatapos." Tumango lang ako at tinignan syang naglakad palayo.
Bumuntong hininga ako at naalala nanaman yung mga narinig ko kanina.
Sa Friday pa yung graduation, nakabalik na sya kaagad. Excited lang?😒
"Umber." Natigilan ako nun.
"Omyghad! Umaasa parin ako sa love story nilang dalawa!"
"Ako nga din eh. Sana happy ending na ngayon."
"Kyahhhh! Bagay pa rin silang dalawa!"
Wag kayong masyadong umasa psh. Baka masaktan lang kayo😒.
"Bakit napaaga balik mo?" Diretsyo lang tingin ko, hindi ko sya tinitignan.
"Hindi ko naman alam kung kailan graduation nyo eh." Muntik na kong matawa nun.
Naalog ata utak nito nung nasa eroplano sya😂.
"Bakit hindi mo tinanong kay Ram? Nagtatawagan kayo nyan ah?" Tumingin ako kay Ram imbes na sakanya.
"Akala ko kase kusa nyang sasabihin sakin kung kailan, yun pala. Kailangan ko pang itanong." Napanganga ako nun.
Ang tinde talaga ng Ram na 'to.
"Ahhh."
"Atsaka bakit ba ayaw mong tumingin sakin? Inlove kapa sakin noh?" Napatingin na ko sakanya nun.
Infairness ah. Pumogi sya lalo.
"Parehas kayo ng kakambal mo. Parehas na assuming." Nagulat naman silang dalawa.
"Paano mo nalaman na kambal kami?" Halata kaya.
"Ginamit ko utak ko. Pangalan at mukha nyo palang, halatang magkakambal na kayo." Yun kase nahalata ko sakanilang dalawa.
Parehas pa sila ng apelyido. Mas nakakatawa lang talaga yung kay Francis. Allan Reyes😂.
"Sabagay. Kaya nga hindi ko na sinabi sainyo na magkakambal kami eh." Tumango nalang kaming dalawa ni Ram.
"Alam mo bang nagustuhan ka ni Ram dati?" Pinokerface ko sya. Si Ram naman, sinamaan sya ng tingin.
"Alam ko." Napatingin samin lahat yung tao dito nung pumalakpak sya.
"Mas matalino ka talaga sakin noh?" Inirapan ko lang sya.
Magkakambal talaga. Parehas ding mayabang eh.
"Hindi mo naman tanggap?" Tumawa lang sya. Ito yung nagustuhan ko sakanya eh, yung magandang ugali nya.
"Tanggap ko. Kaso mas magaling akong writer kaysa sayo hahaha." Hindi ko nalang sya pinansin.
Pangarap ko kaseng maging writer din. Kaso mas nauna pa syang tuparin yun kaysa sakin.
"Mas maganda naman ako sa ipinalit mo sakin." Mas lalo syang natawa.
"Oo na. Mas maganda ka na hahaha." Bwiset din 'to eh.
"Kay Kurtney na tayo, Ram. Maghanda ka na." Natatawa nyang sabi kay Ram.
Ano kayang meron? At kailangan pang magready ni Ram?
"Pwedeng sumama ako sainyo?" Tinignan naman ako ni Ram.
![](https://img.wattpad.com/cover/43268324-288-k214596.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold
Teen Fiction"Ang pagmamahal ko kay Mr. Cold ay unexpected, pero ang pagmamahal ko sakanya ay PERFECT." -Kurtney "Akala ko habang buhay magiging Mr. Cold ako, pero nung dumating siya sa buhay ko, lahat nagbago." -Ram Masyadong magkaiba ang ugali nila pero ang ta...