Kurtney P.O.V
"Kurtney!" Tumigil naman ako sa paglalakad nun tsaka tinignan si Jose.
"Bakit?"
"Hindi ba pumasok si Trishia?" Nagtaka naman ako nun. Hindi ba sya pumasok?
"Bakit? Wala ba sya dito?" Nagkibit balikat lang sya kaya pumunta ako kaagad sa library.
Pagkapunta ko dun, hinanap ko si Trish. Wala sya. Tatakbo na sana ako papuntang classroom nila nang madaanan ko si Allan.
Baka alam nya kung pumasok ba si Trish o hindi. Hindi ko na rin kase nacheck yung kwarto nya kanina.
"Allan!" Tumingin naman sya kaagad sakin at lumapit.
"Bakit?"
"Pumasok ba si Trish?" Kumunot naman noo nya.
"Hindi ba nya sinabi sayo?" Nagtaka naman ako nun. Yung pagkauwi nya kahapon, diretsyo sa kwarto nya kaaagad sya nun.
"Ano ba yun? Diretsyo puntang kwarto sya kaagad kahapon eh."
"May lagnat sya." Nagulat ako nun tapos hinampas sya.
"Bat mo ko hinampas?! Tsk." Inis nyang sabi kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Sya lang mag isa dun! Bat mo iniwanan?!" Sinamaan din nya ko ng tingin. Sama talaga ng lalaking 'to.
"May kinuha lang ako. Kaya nga uuwi na ako ngayon." Napataas kilay ko tsaka tinignan yung hawak-hawak nya.
Yung diary ni Trish, bakit ba lagi nya yang naiiwan?
"Pano ka naman makakalabas huh? Tatakas ka ganun?"
"Nagpaalam na ko. Ge." Magsasalita na sana ako nang malayo na sya kaagad.
Masama na nga, bastos pa😒.
"Miko!" Kahit ayoko syang tawagin nyan, wala akong magagawa. Nagpromise na ko na hindi na demonyo itatawag ko sakanya.
Tumingin lang sya sakin habang may hawak-hawak nanaman na libro. Hindi talaga sya napapagod kakabasa?
"Alam mong may lagnat si Trish?" Tumango lang sya sabay naglakad papalayo kaya napanganga ako.
Hindi ko talaga maintindihan yang ugali ng lalaking yan.
Una kong naisip si Alyssa. Sakanya ko muna, sasabihin na may lagnat si Trish para naman may kaalam-alam sila kung anong na nangyari sa leader namin.
"Clarence! Nakita mo si Alyssa?" Sana sumagot sya ng matino.
"Oo. Nasa rooftop." Pumunta kaagad ako sa rooftop nun kahit malayo at mapapagod ako kaagad.
Nung nakapunta na ko dun, nagulat ako nang muntik ng may tumama sakin na kung ano.
"Gumagamit ka nyan?" Gulat na tanong ko tsaka tinignan yung dagger na hawak nya.
"Oo. Secret lang natin, Kurtney huh?" Tumango lang ako sakanya. Tinabi naman nya yung dagger sa gilid tsaka kami naupo.
"Ano bang sasabihin mo sakin?"
"May lagnat si Trish." Nagulat sya nun. Kitams, hindi nya rin alam. Si Allan at Miko lang nakakaalam.
"Kaya pala, wala sya kanina pa." Sabi nya.
"Sa uwian, sama ako sayo." Tumango ako tsaka tumayo na.
"Nakita mo ba kung nasaan si Rachelle?" Nag isip naman sya sandali tsaka umiling.
"Hindi ko alam eh. Tanong mo kila Darell baka alam nila." Nagpasalamat lang ako tsaka pumuntang hallway.
Wala nanaman kaseng klase tapos bawal pang umuwi. Busy daw kase yung mga teacher psh. Edi sana di nalang kami pinapasok kung ganun😒.
Allan P.O.V
Pagkauwi. Pumunta ako kaagad sa kwarto ni Trishia habang may dala-dalang mga prutas pati diary nya.
Kinulit nanaman kase ako mga madaling araw kaya ganun. Balak ko pa namang hindi pumasok😪.
"Oh. Diary mo." Sinalo naman nya kaagad yun, pagkahagis ko.
Ano bang meron sa diary na yan?
"Salamat." Tumango lang ako tsaka pinagbalatan sya ng mansanas.
"Bakit hindi mo sinabi sakanila na may lagnat ka?" Nag iwas naman sya ng tingin sakin at hindi sumagot.
"Bakit hindi mo sinabi sakanila na madami ka na palang problema?" Hindi nanaman sya sumagot.
"Yan mahirap sayo eh. Sinasarili mo lahat tsk." Sinamaan naman nya ko ng tingin nun.
"Hindi ako masyadong nagtitiwala sa mga tao kahit matagal ko na silang nakakasama." Kumunot noo ko nun.
Hindi nya pala masyadong pinagkakatiwalaan sila Kurtney ganun? Tsk tsk tsk.
"Bakit hindi mo sila masyadong pinagkakatiwalaan?" Kumain ako ng orange. Gutom ako eh.
"Hindi ko alam. Meron kasing tao na sobra yung tiwala ko sakanya pero sinira nya lang yun. Kaya ito, hindi na ko masyadong nagtitiwala sa mga tao kahit matagal ko na silang nakakasama." Tumango naman ako tsaka nagtaka ulit.
"Bakit ako? Sinabi mo sakin problema mo kahit sandali lang tayo nagkasama?" Bumuntong-hininga naman sya tsaka umupo.
"Hindi ko alam. Ramdam kong hindi mo ipagsasabi sa iba eh." Ngumisi naman ako kaya napataas kilay nya.
"Pano ba yan? Nasabi ko na kay Kurtney na may lagnat ka?" Inirapan naman nya ko.
"Hindi mo naman sinabi mga problema ko." Nawala ngisi ko nun.
Naisahan nanaman nya ko kahit may lagnat sya😪.
"Kala mo ah?" Ngumisi sya sakin tsaka natulog na. Bumaba naman ako nun.
Tsaka kumuha ng tubig at uminom nang may maalala ako.
Hindi ko sya napainom ng gamot, paktay!😅
"Hindi naman siguro sya mamatay nun, masamang damo eh." Natawa ako nun at napatigil nang may bumato sakin ng tsinelas.
"Bwiset ka din eh noh?" Nginisian ko lang sya ulit tsaka nanood na ng tv sa sala.
"Matulog kana." Umupo naman sya sa tabi ko ng mangiyak-ngiyak.
"Masakit ulo ko." Tinaasan ko tuloy siya ng kilay.
"Bakit ka kase bumaba? Tsk." Napasimangot sya nun. May pagkacute din pala 'to eh😂.
"Takot ako. Yung manika kase na kaharap ko, nakakatakot." Kumunot naman noo ko nun.
"Bakit kase may manika sa harap mo?" Yumuko naman sya. Ang cute nya talaga.
"Ikaw kaya naglagay nun!" Napakamot nalang ako sa ulo ko at pinatay yung tv.
"Sige, dun na tayo sa kwarto mo. Papatulugin kita." Niyakap naman nya ko na ikinagulat ko.
"Thankyou, unggoy!"
"Welcome, pandak." Umakyat na kami sa kwarto nya nun.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
End of Chapter 12A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold
Teen Fiction"Ang pagmamahal ko kay Mr. Cold ay unexpected, pero ang pagmamahal ko sakanya ay PERFECT." -Kurtney "Akala ko habang buhay magiging Mr. Cold ako, pero nung dumating siya sa buhay ko, lahat nagbago." -Ram Masyadong magkaiba ang ugali nila pero ang ta...