Allan P.O.V
Pumunta ako sa hallway at nagtago nang makita ko si Trish. Sabi na nga ba eh, sinundan nya ko😏.
"Miss." Natigil ako sa balak kong paglapit sakanya.
"Bakit po?" Kinabahan ako kaagad habang pinapanood silang dalawa.
"Bago lang kase ako dito eh. Itatanong ko lang sana kung nasaan yung Principal's Office?" Nasaktan ako nang tinitigan ni Trish yung lalaki.
"Nasa kaliwa. Diretsyohin mo lang, makikita mo na kaagad yung Principal's Office doon." Nakangiting sabi nya habang nakatitig padin dun sa lalaki.
"Sige. Salamat Miss." Nakangiti din nyang sabi.
"Welcome." Tumalikod na sila sa isa't isa nun at parang hahanapin na sana ako ulit ni Trish nang bigla syang tinawag ulit nung lalake.
"Uhm, Miss." Nakangiti naman syang hinarap ni Trish.
Mas lalo akong nalungkot. Nangyayari na yung araw na ayokong mangyari pa.
"Bakit?"
"Anong pangalan mo?" Imposibleng sabihin ni Trish yung pangalan nya sa iba.
"Trishia Umber. Ikaw, ano pangalan mo?" Nagulat ako nun, unang beses nyang sinabi sa iba ang pangalan nya. Sa lalaki pa.
"Ako naman si Josh Khael." Naglakad na ko palayo nun at pumunta sa likod ng school hanggang sa napunta sa gubat.
"Malapit na yung graduation." Napabuntong hininga ako nun tsaka naupo dun sa puno.
"Kasabay nun yung pagbalik ni Dylan dito." Kumuha ako ng bato tsaka hinigpitan yung hawak dun.
"Pati din, ang pagbago ng lahat." Tsaka ko na binato sa malayo yung bato nun.
"Kaya kailangan mo ng tanggapin lahat yun, Allan." Nagulat ako nang makita ko si Shia at naupo sya sa tabi ko.
"Hindi ka naman tinawag ni Ram ah? Bakit nandito kana kaagad?" Natawa naman sya.
Magkakambal sila ni Trish. Pero ibang-iba ang ugali nilang dalawa. Pag pinagsama mo, si Shia ang magmumukhang mabait at si Trish ang magmumukhang masama.
"Pwede rin naman akong magpakita sainyo kung kelan ko din gusto noh." Tumango nalang ako tsaka tumingin sa mga damo.
Walang nag aalaga dito sa gubat pero ang ganda ganda at ang linis linis parin.
"Tanggapin mo na kase, Allan. May nakatakda rin naman sayo eh kaso matagal nga lang sya dadating sa buhay mo." Nagtaka naman ako nun.
"Sino sya? Anong pangalan nya?" Ako na maghahanap sakanya para hindi na matagalan.
"Hindi ko sasabihin sayo. Tsaka wag kang masyadong magmadali." Napakunot nalang noo ko nun.
"Minsan din, kailangan mong maghintay. Kasi kung magmadali ka baka sa maling tao ka lang ulit mapunta." Sabagay. Napabuntong hininga na lang ulit ako.
"Yung lalaki ba na yun kanina yung lalaki na sinasabi mong nakatakda kay Trish?" Tumango naman sya kaagad.
"Mas nangingibabaw ang kasamaan ni Trishia kaya magandang ugali ang itinakda sakanya para maimpluwensyahan sya."
"Mabait naman na tao si Trish." Nakita ko yun lahat. Kahit ganyan yan, alam kong mabait sya.
"Alam ko yun. Atsaka parehas kayo ng ugali ni Trishia kaya hindi kayo bagay." Ganyan din sinabi sakin nila kaya mas lalo akong nalungkot.
"Sa una lang yan, masakit. Kapag nasanay ka ng wala sya sa tabi mo, hindi na yan masakit." Tinapik tapik naman nya yung likod ko nun.
"Alam ko yun. Pero matagal akong mag move on."
"Kaya nga matagal na dadating sa buhay mo yung para sayo eh. Kasi matagal kang magmove on." Tumango nalang ako tsaka tumayo na.
"Eh si Ram? Tanggap nya na ba lahat ng mangyayari sa graduation?" Tumayo na din sya tsaka tumango.
"Matatanggap nya kaagad yun kahit masakit."
"Sige, alis na ko." Nakaramdam na kase ako ng gutom eh.
"Sige, goodluck." Nagtaka ako nun pero binalewala ko lang tsaka umalis na doon.
Ram P.O.V
"Miko, salamat." Nakangiti nyang sabi pagkatapos nyang magising.
Ginalaw galaw ko naman balikat ko, nangalay kase.
"Oh Kurtney. Nandito ka lang pala." Napatingin kami sa klase ni NeyCole.
Kilala ko sya kasi naging kaklase ko din sya dati.
"Bakit? Ano nanaman sasabihin nyo sakin?" Nakasimangot nyang tanong. Madami nga siguro syang ginawa kaya napagod.
"Hinahanap ka nanaman nung College Student. Gwapo talaga nya." Magsasalita na sana si NeyCole nang biglang may sumulpot na lalaki.
"Ikaw si Kurtney Cole?" Tanong nya kay NeyCole, tumango naman sya.
Sino naman kaya 'tong isang 'to?
"Pinapatawag ka sa guidance. Sumama ka sakin." Nagulat naman si NeyCole pati na din ako.
"Bakit ako pinapatawag?" Nagkibit balikat yung lalaki habang yung kaklase nyang babae, umalis na.
"Basta. Sumunod ka na lang sakin." Tumayo na sya tsaka sumunod dun sa lalaki. Sumunod din ako kaso palihim lang.
Kurtney P.O.V
Pagkapunta namin ng Guidance kasama 'tong lalaking 'to, pinaupo kami kaagad ni Maam.
"Bakit mo po ako pinatawag, Maam?" Napataas naman kilay ko nung ngisian ako nung lalaki.
"Totoo ba yung sinabi niya kanina na nagnakaw ka ng libro sa library?" Napanganga naman ako.
Bakit naman ako magnanakaw ng libro sa library?
"Bakit ko naman yun gagawin, Maam?"
"Science Book daw yung ninakaw mo. At saktong nawawalan ng ganun sabay may quiz pa kayo bukas. Kaya kung totoo man o hindi, may record kana sa guidance." Nainis ako nun tsaka umalis doon sa guidance.
Notebook ko lang sapat na, bakit pa ko magnanakaw ng libro? Tsk.
"May record na ko sa guidance, kasalanan mo 'to!" Nginisian ako nung lalaki tsaka nilapitan ako masyado kaya napalayo ako.
"Sa totoo lang, ako nagnakaw nun. Dinamay lang kita." Paano kaya nalaman ng lalaking 'to pangalan ko?
"Bakit ako pa? At bakit kilala mo ko? Mukhang College Student ka pa naman." Nginisian nya ko ulit. Hindi ba sya titigil kakangisi?
"Sasabihin ko yung totoo. Sa isang kundisyon." Napataas naman kilay ko.
"Anong kundisyon naman yan?" Bigla nya kong sinandal sa pader tsaka nagsalita.
"Makikipagrelasyon ka sakin."
################################
End of Chapter 38A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold
Teen Fiction"Ang pagmamahal ko kay Mr. Cold ay unexpected, pero ang pagmamahal ko sakanya ay PERFECT." -Kurtney "Akala ko habang buhay magiging Mr. Cold ako, pero nung dumating siya sa buhay ko, lahat nagbago." -Ram Masyadong magkaiba ang ugali nila pero ang ta...