Trishia P.O.V
Monday ngayon at wala ng masyadong klase kasi malapit na rin ang graduation.
Pumunta ako sa likod ng school at kunot noong tinignan yung paligid.
Pangalawang beses na pumunta ako dito. At yung unang beses, matagal na matagal na yun.
"Ano kayang meron dito at laging pinupuntahan ni Ram at Unggoy?"
Lalakad na sana ako para magtingin-tingin nang may kumalabit sakin at tumawag.
"Rish." Nginitian ko naman sya. Si Josh.
"Bakit?" Tumingin sya sa paligid tsaka tumingin sakin.
"Anong gagawin mo dito sa likod ng school?"
"Magpapalakad-lakad lang. Sama ka?" Tumango naman sya tsaka sumunod sakin.
Habang palakad lakad kami. Nagulat kami ng bigla nalang kaming napunta sa isang magandang kagubatan.
"Ang ganda!" Tinignan ko yung puno. Yung kakaibang puno dahil sa kulay nya.
"Paanong napunta tayo dito sa kagubatan?" Nagkibit balikat ako tsaka naupo dun sa tapat ng puno. Tumabi naman sya sakin.
Ito siguro yung pinupuntahan nilang dalawa. Infairness, maganda at tahimik ah?
"Paanong nalaman mong nasa likod ako ng school? Sinundan mo ba ako?" Tumango naman sya.
"Oo."
"Bakit naman?" Ngumiti sya sakin.
Ang gwapo nya talaga dati pa😍.
"Simula nung nagtransfer ako dito. Ikaw lang kinausap ko at naging kaibigan ko." Tumango tango ako.
So hindi nya pala ako natatandaan. Sabagay, noong bata kami. Hindi man lang nya ako natignan.
"Pero sikat ka ah? Lalo na sa mga babae." Sikat sya sa mga babae kasi ideal boyfriend 'to. Sikat sya sa mga lalaki kasi astig sya.
"Ikaw din naman eh. Sikat ka. Lalo na sa mga lalaki." Nagulat ako saglit nun.
Hindi ko alam yun ah? Sikat pala ako lalo na sa mga lalaki?😂
Pagkatapos nun, tumahimik kami. Nailang ako nang bigla nalang nya akong titigan.
"Wag mo nga akong titigan!" Natawa naman sya. Umirap lang ako.
"May tanong ako sayo." Napatingin ako sakanya nun.
"Ano?" Nakaramdam bigla ako ng kaba.
"May naaalala ako sayo. Kamukhang kamukha mo sya. Lalo na sa mata." Nagtaka ako nun.
Baka si Shia yun. Hindi ako.
"Baka yung kakambal ko yun na wala na. At hindi ako." Kumunot naman noo nya.
"Ano bang pinagkaiba nyo ng kakambal mo kung ganun?" Sumandal naman ako sa puno at tumingin sa mga damo.
"Saan ba? Sa mukha o ugali?"
"Sa mukha." Tumango naman ako.
"Madalas mahaba buhok nya, sakin naman maiksi. Yun lang pinagkaiba namin sa mukha." Tumingin na ko sakanya nun.
"Okay na bayun?" Umiling naman sya.
"Hindi pa eh. Sa ekspresyon ng mukha naman." Tumingin ulit ako sa mga damo.
"Palangiti sya. Ako, nakasimangot lagi." Tumango tango naman sya.
"Ikaw yun." Nagulat ako nun. Imposibleng ako yun.
"Kailan mo ba sya nakita? Kwento mo sakin." Curious ako eh tsaka wala naman masyadong gagawin ngayon.
"Noong bata pa lang ako. Iniwan ako muna nila mama sa park. Ikaw yung una kong nakita bago sila." Nagulat ako nun.
"Sigurado ka bang ako yun?" Tumango naman sya.
"Ikaw talaga yun. Alam mo ba kung bakit dito ako nagtransfer kahit late na?" Umiling naman ako.
"Bakit nga ba?"
"Late ko na kaseng nalaman 'tong school. Sinabi lang sakin ni Kuya. Nung sinearch ko, biglang bumilis tibok ng puso ko. At biglang pumasok sa isip ko. Na dito kita mahahanap." Ngumiti sya sakin ulit, nag iwas ako ng tingin.
"At ang sayo ko. Kasi ngayon, nakita na kita. At sigurado akong ikaw yun at hindi ang kakambal mo." Biglang pumasok sa isip ko si Francis.
Kapag nandito sya at nanonood. Nasasaktan na yun panigurado.
"Anong pangalan pala ng Kuya mo? Si Ram ba yan?" Tumango naman sya.
"Kilala mo?"
"Oo. Hindi nya ba nasabi sayo yung pangalan ko?" Nag isip naman sya saglit tsaka umiling.
"Hindi nya yun sasabihin kasi hindi ko naman tinanong." Napanganga nalang ako.
Magkapatid nga 😪. Kahit magkahalf brother lang.
"Kailangan pa bang itanong yun?!" Tumango naman sya.
"Oo. Malay mo hindi ka interesado kapag sinabi nya yun. Kaya kailangan magtanong." Sabagay nga naman.
Magkapatid na magkapatid nga. Parehas na matalino eh😂.
"May tanong ako sayo ulit." Kumunot noo ko. Ano nanaman kayang itatanong nya?
"Sige lang. Tanong ka lang." Tumingin ulit ako sa mga damo. Ang ganda ng kulay nila.
"Tumingin ka muna sakin bago ako magtanong." Wala akong nagawa kundi tumingin sakanya.
Natigilan ako nang bigla nanaman syang ngumiti.
Mas lalo naman nya kong pinapahulog sakanya 😣.
"Ano yung tanong mo?"
"Paano kung manligaw ako sayo, sasagutin mo ako?" Mas lalo akong natigilan nun.
"Bakit? May balak ka?" Taas kilay na tanong ko.
"Oo sana eh. Kaso bata pa tayo. Kapag nakagraduate nalang tayo ng college." Nanlumo naman ako nun.
Ang dami naming makikilala sa college, imposible naman yun.
"Hindi imposible yun. Kung tayo talaga, tayo talaga hanggang huli." Tumango nalang ako. Sabagay nga naman.
"Tara, alis na tayo dito." Tumayo na ko nun, tumayo na din sya.
"Bakit? Maganda naman dito ah?" Tinignan ko muna yung gubat bago tumingin sakanya.
"Naaalala ko kakambal ko dito." Nagtaka naman sya.
"Sa likod sya ng school, namatay."
"Akala ko nawala lang sya o lumayas sainyo." Nakangiti naman akong umiling.
Si Shia magagawa yun? Imposible. Mas matalino yun sakin para maisip nyang layasan kami.
"Anong nangyari sakanya? Bakit sya namatay?" Nalungkot naman ako.
"Nirape sya. At nakita ko lahat yun." Naaalala ko nanaman kung paano sya pinatay at pinagsamantalahan.
"Bakit hindi mo sya tinulungan?" Nainis ako nang maalala ko yung rason kung bakit hindi ko sya tinulungan.
"Dati palang masama na ko. Kaya hindi ko sya tinulungan kasi naiinggit ako sakanya. Sya nalang lagi napapansin nila. Puro nalang sila Shia." Naalala ko pa nun, nakita nya ako at parang nanghihingi ng tulong.
"Masyado pa kayong bata nun. Paanong nangyaring narape sya?"
"Madaming manyak ngayon. Bata man yan o matanda, pagsasamantalahan nila."
"Sabagay." Hindi ko nalang sya pinansin at agad na umalis dun sa likod ng school.
∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆
End of Chapter 43A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold
Teen Fiction"Ang pagmamahal ko kay Mr. Cold ay unexpected, pero ang pagmamahal ko sakanya ay PERFECT." -Kurtney "Akala ko habang buhay magiging Mr. Cold ako, pero nung dumating siya sa buhay ko, lahat nagbago." -Ram Masyadong magkaiba ang ugali nila pero ang ta...