Chapter 42

433 17 0
                                    

*after 3 months*

Kurtney P.O.V

Sabado na ngayon at walang pasok kaya nakangiti akong bumangon sa kama.

"Thank You Lord." Pagpapasalamat ko tsaka tumayo na.

Naghilamos muna ako at nagsuklay bago lumabas ng kwarto ko.

"Hello?" Bumaba ako at tinignan kung may tao pero wala.

"Trishy?" Pagkaakyat ko, binuksan ko ang kwarto ni Trishy pero wala sya dun.

"Allan?" Sunod kong binuksan yung kay Allan pero wala din sya dun.

"Miko?" Binuksan ko yung kwarto ni Miko at wala din sya doon.

"Saan kaya sila nagpunta? Bakit iniwan nila akong mag isa dito sa bahay?" Nakasimangot na tanong ko habang tinitignan yung kwarto nung tatlo.

"Anong date ba ngayon?" Nagulat ako. March 23.

"Ngayon pala yung Foundation Day!" Tinignan ko kung anong oras na tsaka nanlumo.

"Hindi na ako makakapunta nito. Late na late na ko." Nawala yung saya ko. Kala ko pa naman Saturday ngayon, hindi naman pala.

"Sayang tuloy yung damit." Nakasimangot na sabi ko habang inaalala yung damit na kinuha ko.

"Maglilibot na nga lang ako." Kahit matagal na kaming nakatira dito ni Trishy, hindi ko pa nalilibot yung bahay.

Kasi madalas tinatamad ako tsaka ako lang ngayong mag isa. Dagdag mo pa na sinisipag ako😂.

"Nakakatakot naman dito." Sabi ko habang dinederetsyo yung lakad.

Nakalampas na ko dun sa isang kwarto nang may makita ulit akong kwarto na nasa pinakadulo dito sa bahay.

"Akala ko ba limang kwarto lang meron dito? Bakit anim?" Inamoy ko yung pinto.

Mabango naman at mukhang hindi madumi.

"Sino kayang gumagamit nito? At anong laman ng kwartong 'to na kailangan pang isekreto sakin?" Binuksan ko yung pinto. Buti nalang hindi nakalock.

"Wow! Ang ganda!" Tinignan tignan ko naman yung mga painting na nasa kisame.

"Si Trishy ata gumagamit ng kwartong 'to eh." Humiga naman ako sa kama.

Ang bango at ang lambot kaysa sa kama naming apat.

Habang feel na feel ko dito mahiga sa kama, may biglang nahagip ng mata ko na mga nakakalat na papel.

"Ayusin ko nga." Pumunta naman ako dun tsaka kinuha yung mga papel.

Pero syempre hindi ko naiwasang magbasa kahit hindi naman sakin.

"Bakit may picture ni Josh dito?" Napailing nalang ako. Hinala ko talagang kay Trishy yung kwarto na 'to eh.

Binasa ko yung letter na nakadikit dun.

"Josh Khael Cabanada💘

👉Noong una kitang nakita, napahanga mo na ko👍. Noong nag usap na tayo, biglang bumilis ang tibok ng puso ko😨. Noong ngumiti ka sakin, biglang huminto ang lahat at ikaw nalang ang nakikita ko😔.

Doon ko narealize😪. Sa huli, sayo padin pala bagsak ko😢. Hindi kay Loko😒. Hindi kay Unggoy😖. Kundi sayo😊.

👸Rish👈"

Nagulat ako nun. Sunod kong nakita ang picture ni Dylan. At may kasama ding letter kaya binasa ko ulit.

Matagal pa naman ang foundation day at wala naman akong masyadong gagawin ngayon.

"Dylan Khallis Reyes💔

👉Nagulat ako dati, noong nilapitan mo ako😱. Sumaya ako, noong sabihin mo saking mahal mo din ako😃. Nasaktan din, noong iniwan mo ako😭.

Doon ko nalaman😔. Pinaglaruan mo lang pala ako dahil may ginagawa kang sarili mong kwento😒. Pati yung mga tao sa paligid mo, pinaglaruan mo😥. Pati ang kaibigan ko💔.

👧Umber👈"

May tumulong luha pagkatapos kong basahin yun. Alam kong ako yung sinasabi nyang kaibigan nya doon sa sulat.

Natatandaan ko pa. Trinaydor ko sya dahil kay Dylan.

"Sorry Trishy." Nasabi ko nalang tsaka sunod na binasa yung kay Allan na may kasama ding picture.

"Allan Francis Reyes🐒

👉Unang kita ko palang sayo, si Dylan kaagad nakikita ko. Hindi kayo magkaugali pero may pagkahawig kayo unti.

Pangalawang kita ko sayo, unggoy na ang pagtingin ko sa mukha mo. Maloko ka kase at puro yabang

At nang tumagal, bilang ikaw na ang nakita ko. Bad boy ka pero mabait ka din naman pala.

Narealize ko din nang tumagal. Hindi kita minahal dahil sa naaalala ko sayo si Dylan kundi dahil minahal kita. Bilang ikaw.

👩Pandak/Trish👈"

Nagtaka ako nung meron din sakin at kila Alyssa. Bale saming walo meron kasama na dun si Josh.

Hindi ko nalang binasa yung sa iba at binasa yung akin. May letter at kasama ding picture naming dalawa.

"Kurtney Cole Villanueva😻

👉Nainis ako nung nalaman kong trinaydor mo ako😒. Sumaya dahil ikaw ang bestfriend ko😸. At nalungkot dahil alam kong iiwanan din kita😿.

Kaya madalas, sa tuwing umiiyak ka😪. Hindi kita pinapatahan😖. Hindi kita dinadamayan😔. Para masanay ka kapag nawala na ako sa tabi mo😊.

👯Trishy👈"

Naiyak ako nun habang inaayos na yung magulo. Lumabas na ko sa kwarto nun pagkatapos at pinunasan yung luha ko.

"Bakit gumawa sya ng letter na ganun na may kasamang sulat?" Takang tanong ko habang pabalik sa kwarto ko.

Biglang sumagi sa isip ko yung huling nabasa ko.

"Para masanay ka kapag nawala na ako sa tabi mo😊."

Nagulat ako nun at napatigil sa paglalakad.

"Kapag nawala na ako sa tabi mo😊."

Umiling iling ako sa naiisip ko. At pumasok kaagad sa kwarto ko at nahiga.

"Hindi naman siguro sya maagang mawawala diba Lord?" Tanong ko sakanya kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Masama syang damo. Matagal syang mamamatay." Positibong sabi ko.

Alam kong may sakit sa puso si Trishy kahit hindi nya yun sabihin sakin. Nahahalata ko.

Lalo na sa tuwing umiiyak sya at walang hangin sa paligid na mapupuntahan nya.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
End of Chapter 42

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon