Kurtney P.O.V
"Kumpleto na ba tayong lahat?" Nandito na kaming lahat sa labas. Uwian na kase.
Binilang ko silang lahat pati ako. Anim na kaming lahat. So, kumpleto na.
Ilang minuto din, nakapunta na kami sa bahay at nasa pintuan na ngayon ng kwarto ni Trish.
"Magkasama ba silang dalawa?" Tumango lang sakin si Miko.
"Wag kang kumatok." Pigil sakin ni Rachelle nung kakatok na sana ako.
"Tulog sila. Magkatabi sila sa kama." Nagulat kami sa sinabi ni Miko nun.
Dahan-dahan kong binuksan yung pinto. Buti nalang, hindi nakalock😂. Sumilip kaming tatlong babae.
"Ayaw nyo bang sumilip?" Mahinang tanong ni Alyssa sakanila.
"Ayoko pang mamatay." Sabi ni Darell tsaka naupo sa gilid.
"Hindi ako tsismoso." Sabi naman ni Clarence at tinabihan si Darell.
"Wala akong pake." Sabi naman ni Miko at tumayo sa gilid habang nagbabasa.
Hindi talaga sya napapagod kakabasa eh noh?
"Kurtney. Picture-an mo dali!" Kinuha ko naman kaagad cp ko nun. Pagkapindot ko biglang nagflash yung camera kaya nagising si Trish.
Lagot😨.
Sinarado naman namin kaagad yung pinto nun.
"Ipost mo kaagad sa fb, dali!" Pinost ko naman kaagad at tinago yung cp ko nung nakalabas na si Trish.
"Patingin nung picture." Naramdaman ko namang may kamay na kumukuha sa cp ko kaya tinignan ko si Miko.
"Akin na, ididelete ko." Bulong nya sakin kaya palihim ko namang binigay sakanya kaagad.
"Anong picture, Trish?" Tanong ni Alyssa. Sinamaan lang sya ng tingin ni Trish sabay tingin sakin.
"Peram cp mo." Naramdaman ko namang ibinalik ni Miko yung cp ko kaya binigay ko kaagad kay Trish.
Tinignan naman ni Trish tsaka napasimangot.
"Mag oopen ako ng fb, hmp." Nakahinga naman kaming tatlo ng unti ngayon.
"Anong meron?" Tanong ni Allan habang humihikab pa. Kagigising nya lang kase.
"Magfacebook ka, pre." Kinuha naman nya kaagad cp nya tsaka kami pumasok lahat sa loob.
Nagkanya-kanya na kami ng cp ngayon, titignan din nila siguro😂. Pagka-open ko, ang dami ng naglike, nagcomment at nagshare.
Tinignan ko saglit si Trish na nakataas ang kilay tsaka binasa comment nya.
Trishia Dela Cruz
1 minute agot-_-t
106k likes 260k comments
Tinignan ko naman si Miko, nagulat ako ng nakita kong nagfefacebook din sya. Sunod ko namang tinignan yung kay Allan.
Allan Francis
1 minute ago./.
200k likes 198k comments
"Hindi nyo man lang ako kakamustahin?" Napatigil kami sa pagcecellphone nun.
"Kamusta?" Walang reaksyong tanong ni Miko, binato tuloy sya ng unan ni Trish.
"Manahimik ka!" Nagkibit balikat lang si Miko.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold
Teen Fiction"Ang pagmamahal ko kay Mr. Cold ay unexpected, pero ang pagmamahal ko sakanya ay PERFECT." -Kurtney "Akala ko habang buhay magiging Mr. Cold ako, pero nung dumating siya sa buhay ko, lahat nagbago." -Ram Masyadong magkaiba ang ugali nila pero ang ta...