Ram P.O.V
Panibagong araw nanaman. At ngayon, masaya ako kasi naayos ko na yung problema ko.
"Oh ano? Okay na?" Tumango ako kay Trishia.
"Ang bilis naman. Kwento mo nga sakin." Umupo kaming dalawa sa gilid ng hallway.
"Nung uwian, tinawag ko si Raiza tsaka sinabi ko na break na kami sabay naglakad na ko papalayo." Napanganga sya tsaka bigla akong binatukan.
Tama naman yung ginawa ko diba?😪
"Babalikan ka nun, tanga mo talaga." Tsk. Hindi na ko babalikan nun, panira naman ng araw. Tsk.
"Hindi yan." Tumayo na ko tsaka hinanap si NeyCole. Kailangan naming magbonding ngayon.
"Hinahanap mo si Ney?" Tumango naman ako. Nasaan kaya sya?
"Nasa canteen. Nagpapakataba."
"Sige, salamat." Papunta na sana ako sa canteen nang makasalubong ko si NeyCole.
Akala ko ba nasa canteen sya?😒
"NeyCole."
"Uto-uto, pfft." Napatingin ako sa nagsalita nun pero naglalakad na sya palayo. Si Trishia.
"Nauto ka ng isang pandak, Ram." Tinignan ko din kung sino yun, si Allan. Sinundan nya si Trishia.
"Bakit? Miko?" Napatingin na ko kay NeyCole nun, panira din yung dalawang yun eh.
"Libre kita kahit anong gusto mo." Magsasalita na sana sya nang may biglang humawak ng isang kamay ko. Hawak ko kase kamay nya.
"Ram, mag usap tayo." Pinagpawisan naman ako. Anobayan. Akala ko ayos na.
"Tanga-tanga kase." Napalingon ulit ako kay Trishia nun. Sa ibang direksyon naman sya dumaan.
"Break na tayo kaya wala ng kailangang pag usapan." Hinila ko yung kamay ko para matanggal sa pagkakahawak nya tsaka hinila papalayo si NeyCole.
"Ililibre mo talaga ako?" Tumango naman ako.
"Oo, kahit anong gusto mo. Bilang pambawi." Tumango tango lang sya tsaka naghanap.
Tinignan ko naman yung wallet, buti marami akong pera tsk. Pakiramdam ko, magagastusan ako eh.
Allan P.O.V
Nandito kami ngayong anim sa rooftop. Ewan ko kung bakit tinawag kaming anim ni pandak.
"Nagbabonding ngayon sila Ram at Ney." Napakunot noo ko, anong meron kung nagbabonding sila?
"Anong connect nun? Bakit mo ba kami tinawag at pinapunta dito, pandak?" Sinamaan nya ko ng tingin.
Hindi naman porket may gusto ako sakanya, magiging sobrang bait na ko sakanya. Pandak parin sya kahit maging mabait ako sakanya😂.
"Magastos si Ney kaya mauubusan ng pera si Ram." Problema na ni Ram yun tss. Balak ko pa naman sanang pumuntang canteen.
"Hihingin mo pera namin ganun?" Tanong naman ni Alyssa, umiling sya.
"May pera na. Ang problema ay kung paano, ibibigay kay Ram. Kaya tinawag ko kayo." Napanganga kaming lahat ng ipakita nya samin ang pera.
Madami. Sobrang dami. Pwede ng makabili ng bahay.
"Kaninong pera yan? Ninakaw mo?" Sinamaan naman nya ng tingin si Clarence.
Sa pandak nyan, makakanakaw ba yan ng pera? Imposible pre😂.
"Pamasko nila sakin dati. Ang dami noh?" Nakangising tanong nya. Yabang din eh tsk tsk tsk😏.
"Tinext sakin ni Ram kung saan sila pupunta. Sa mall daw."
"Pwedeng lumabas ng school?" Gulat na tanong ko. Tumango lang sya.
"Ngayon lang. Nagpaalam kase ako sa principal, pumayag naman sya kaagad." Bilib na talaga ako sa isang pandak na kagaya nya😂.
"Kung ano yung sasabihin kong lugar kung saan kayo, doon lang kayo. Kabisado ko ang mall mula baba hanggang taas."
"Sobrang laki ba yang mall na yan?" Tumango naman sya.
"1st floor hanggang 5th floor." Napanganga ulit kami. Ang laki nga.
"Doon binalak ni Ney na pumunta kasi gusto nyang malaman kung hanggang saan ang pera ni Ram." Tumaas naman kilay ko.
"Paano ka nakakasigurado?" Inirapan ko naman sya.
"Bestfriend ko sya. Kabisado ko ng lahat sakanya." Tumango lang ako. Naramdaman ko kasing masama na tingin sakin ni Clarence.
"Clarence. Sa 5th floor ka. Puro libro nandun, wag kang mag alala." Tumango lang sya tsaka nagbasa ng libro.
"Darell at Rachelle, sa 4th floor kayo. Puro sports doon kaya hindi kayo maboboring." Tumango tango ako, sabagay parehas silang mahilig sa sports.
"Alyssa. 3rd floor ka. Puro stuff toys dun kaya hindi ka rin maboboring." Nakangiti naman syang tumango-tango.
"Francis. Sa 1st floor ka. Puro musical instruments dun kaya hindi ka din maboboring." Napayes ako nun. Makakabili ako ng bagong gitara.
"At ako naman, sa 2nd floor. Puro painting dun kaya hindi ako maboboring." Mahilig pala sya sa painting ah?
"Bibigyan ko kayo ng pera. Wag nyong gagastusin yan, kung gusto nyong bumili. Sarili nyong pera." Sayang. Balak ko pa sanang gamitin yung ibibigay nya tsk tsk tsk.
"Ang hindi sumunod, papalinisin ng buong school kaya kung ayaw nyong magkasala. Sumunod kayo sakin." Tumango lang kaming lahat tsaka nya kami binigyan ng pera.
" Palihim nyo lang ibibigay kay Ram yan ah? Kapag nakita kayo ni Ney, sabihin nyo nahulog nya. Unti lang ibigay nyo para hindi maubos kaagad." Tumango lang kami ulit.
"Sige, tara na."
"Yung pamasahe, pera mo ah?" Tumaas naman kilay nya sakin.
"Sinong may sabing sasakay tayo? Maglalakad tayo noh." Napanganga kami, malayo ang mall. Alam ko.
"Malapit lang ang mall na sinasabi ko, wag kayong mag alala psh." Ano kayang mall yan?
Mapuntahan ko nga minsan, halos lahat nandun na eh.
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
End of Chapter 19A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold
Fiksi Remaja"Ang pagmamahal ko kay Mr. Cold ay unexpected, pero ang pagmamahal ko sakanya ay PERFECT." -Kurtney "Akala ko habang buhay magiging Mr. Cold ako, pero nung dumating siya sa buhay ko, lahat nagbago." -Ram Masyadong magkaiba ang ugali nila pero ang ta...