Ram P.O.V
"Miss!" Napatigil sya sa paglalakad at pumunta dun sa lalaki.
"Bakit po, Kuya?" Binigay naman nung lalaki sakanya yung wallet na nahulog nya.
"Nahulog mo, ibinalik ko lang sayo." Napaiwas ako ng tingin saglit nung bigla syang ngumiti.
"Salamat po, Kuya." Ngumiti din yung lalaki kasabay ng paglakad nya palayo.
Habang yung lalaki nandoon parin sa pwesto nya at nakangiting nakatingin kay NeyCole.
Pumunta kaagad ako nun sa likod ng school at napunta sa gubat. Umupo ako dun sa puno na inupuan ko kahapon.
"Shia. Kailangan kita." Bigla nanamang lumakas ang hangin at nasa tabi ko na si Shia pagkatapos nun.
Nagtataka na tuloy ako kung tao ba talaga sya o hindi.
"Oh! Anong itatanong mo sakin, Ram?" Tinignan ko naman sya. Namiss ko 'tong babaeng 'to eh.
"Isa ba yung lalaki kanina sa dalawang magiging manliligaw nya?" Tumango naman sya kaagad.
"Oo. Isa sya dun." Napatango ako.
"Edi malapit na pala mangyari yung sinasabi mo kahapon." Paggraduate pala ng highschool yun. Akala ko college.
"Oo. Malapit na. Kaya kailangan mo ng tanggapin ang lahat. Na hindi sya ang itinakda para sayo." Nakaramdam ako ng lungkot nun.
"Atsaka kailangan na din matanggap ng kaibigan mo na si Allan." Napaayos ako ng upo nun.
Tawagin ko nga yun dito, matagal pa naman yun magmove on.
"Tawagin ko muna sya, hintay ka lang dito." Tatayo na sana ako nang pigilan nya ako.
"Dadalhin ko na lang sya dito." Nagtaka naman ako.
"Paano?" Natawa naman sya unti. Napatulala nalang ako sakanya.
Lagi nya kong namamangha sa kagandahan nya.
"May aaminin ako sayo. Promise mong hindi mo ipagkakalat?" Ngumiti naman ako.
Kahit kailan, hindi pa ako nakapagpromise. Dahil baka hindi ko matupad.
"Ayokong magpromise baka maipagkalat ko kaya imbes na promise, ok na lang." Napangiti sya tsaka niyakap ako.
Nagulat ako nun. Namiss ko talaga 'tong babaeng 'to.
"Sobrang saya ko na ikaw ang bestfriend ko." Niyakap ko din sya, nagulat nalang ako nang biglang may naramdaman akong basa.
"Umiiyak ka ba?" Hinarap ko sya sakin at umiiyak nga sya. Nagulat ako nang biglang umulan din.
"Kung pwedeng akin ka na lang, matagal ko ng ginawa. Pero hindi pwede eh." Nagtaka ako. May gusto ba sya sakin?
"Bakit naman hindi pwede?" Pinunasan naman nya yung mga luha sa mga mata nya.
Kahit umiiyak sya, maganda sya.
"Sa mundo natin, bawal ang tao sa mga kagaya kong may kapangyarihan." Napatango na lang ako. Sabagay, yan ang nabasa ko dun sa libro.
"Sige, dalhin ko na lang si Allan dito. Saglit lang 'to." Pinanood ko yung ginagawa nya. Pumikit lang sya kasabay ng bigla ulit lumakas yung hangin.
At pagdilat nya, nasa harap ko na si Allan na gulat na gulat habang tumingin samin at sa paligid.
"Paanong napunta ako dito?!" Natawa pa ko kasi may natira pa syang pagkain sa ilong ng loko😂.
"Cupcake kinain mo noh?" Tanong sakanya ni Shia. Tumango naman sya habang nakatingin sakanya.
"Sya ba yung babae na kausap mo kahapon, Ram?" Tumango naman ako.
"Paanong nakikita ka na nya ngayon?" Napatawa nanaman sya.
Tinignan ko si Allan, nakatingin lang sya sa paligid. Hindi man lang nya tinignan yung tawa ni Shia.
"Alam mo na." Oo nga pala, may kapangyarihan sya.
"Anong pangalan mo? Shia diba?" Tumango naman si Shia.
"Alam mo, magkamukha kayo nung mahal ko." Napailing nalang ako. Matatagalan talaga sya makamove on neto.
"Sino? Yung kakambal ko na si Trishia?" Napatingin nalang ako kay Allan na halatang inlove na inlove kay Trishia.
"Allan, may kailangan kang malaman." Bigla namang nawala yung ngiti nya.
"Ano yun?" Biglang bumalik yung pagiging seryoso nya. Yung Allan na biglang nagbago ng dahil sa pag ibig na yan.
"Hindi si Trishia ang itinakda sayo." Ngumiti naman sya ng malungkot.
"Alam ko na yun."
"Paano?" Sabay na tanong namin. Parehas siguro kaming nagtaka.
"Yung pagkasabi palang nya sakin ng mga yun. Dun ko na nalaman." Tinanong rin sya siguro ni Trishia ng mga tinanong sakin ni NeyCole nun.
"Masakit pero kailangan kong tanggapin. Diba Shia?"
"Oo. Akala namin hindi mo pa alam yun." Napangisi naman sya.
"Dalawang babae na nakilala at minahal ko. Sawi pa din ako. Ano bang nagawa kong masama? Tsk." Tumabi naman sya kay Allan, ako tahimik lang na nakikinig sakanila.
"May mas malala pang pinagdaanan ang ibang tao dyan sa pinagdaanan mo. Kaya maswerte ka pa rin."
"Sabagay, pwede na siguro akong umalis?" Tumayo na sya nun.
"Sige, pwede na." Umalis na sya kaagad nun.
"Oh ano, Ram? Okay kana?" Tumayo na din ako nun.
"Oo. Sige, salamat." Ngumiti naman sya sakin.
"Welcome, Ram."
"Sige, balik na ko ulit sa classroom." Biglang lumakas ulit ang hangin kasabay ulit ng pagkawala nya.
Pagkatapos nun, umalis kaagad ako dun at napatigil sa paglalakad nang makita ko si NeyCole.
"Miss!" Tawag nanaman sakanya nung lalaki.
"Bakit po, Kuya?"
"Anong pangalan mo?" Umaasa akong hindi nya sasabihin yung pangalan nya.
"Kurtney Cole." Nasaktan ako nun kaya ayokong umasa. Alam kong masasaktan lang ako.
"Sige, salamat." Ngumiti naman si NeyCole kasabay ng paglalakad nya palayo.
Napabuntong hininga na lang ako tsaka pumunta na sa classroom.
Mag aaral nalang muna ako ng mabuti😪. ¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
End of Chapter 35A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold
Teen Fiction"Ang pagmamahal ko kay Mr. Cold ay unexpected, pero ang pagmamahal ko sakanya ay PERFECT." -Kurtney "Akala ko habang buhay magiging Mr. Cold ako, pero nung dumating siya sa buhay ko, lahat nagbago." -Ram Masyadong magkaiba ang ugali nila pero ang ta...