Chapter 26

792 31 0
                                        

Trishia P.O.V

Nandito ako ngayon sa banyo habang nakatingin sa isusuot ko. Isang black dress.

Naalala nyo pa yung inutos ni Jose kay Ney na pumunta kaming lahat sa music hall bayun? Nalimutan ko na eh.

Pumipili pala sya ng magprepresent para sa school namin at kaming apat ang napili😪.

"Trishy! Dalian mo dyan!" Sabi ni Ney tsaka kumatok katok.

"Bakit ba nagmamadali ka?! Nakabihis kana ah?!" Sya pinauna ko kasi panigurado matatagalan ako sa banyo.

"Aalis na tayo! Isusuot mo lang naman yung damit eh!" Madali lang kaseng isuot para sakanya eh kaya nasasabi nya yan.

Ayoko pa naman nagsusuot ng ganito😒.

"Trishia, isuot mo na yung damit." Sabi naman ni Ram sa labas pero naupo lang ako dito.

"Pandak, isuot mo na yan. Tatangkad ka, promise." Nakasimangot kong isinuot yung damit.

Patay talaga sakin yang unggoy na yan😒.

"Oh, tapos na." Lumabas na ko sa banyo at tinignan nila akong tatlo mula ulo hanggang paa.

"Bagay naman sayo eh. Nag iinarte pang suotin." Sabi naman ni Ney, inirapan ko lang sya.

Anong bagay sakin? Nagmukha akong nanay😒.

"Sabi sayo eh, tumangkad ka kapag sinuot mo yan pffft." Binatokan ko kaagad sya nun. Walanghiya eh.

"Tara na." Sinundan namin si Ram sa paglalakad.

"Bakit kase ito pa kailangang suotin?" Tutugtog lang naman kami ng violin😒.

"Isa tayo sa magprepresent ng school kaya kailangan ganito suot." Sabi naman ni Ram. Sungit nito ngayon.

"Bakit black pa? Pangpatay amp." Tinignan lang ako ni Ram tsaka nauna na samin.

Tinignan lang namin syang naglakad papalayo. Ano kayang nangyari dun?

"Nag away ba kayo, Allan?" Napatingin ako kay Francis nun.

Napansin kong hindi pa sila nag uusap kanina pa. Hindi din sila nagtinginan.

"Hindi." Seryosong sagot ni Francis. Nag away nga sila.

"Bakit parang kanina pa kayo hindi nagpapansinan?" Nagkibit balikat sya.

"Tanong mo dun." Nagkatinginan kami ni Ney.

"Nag away nga sila." Sabay naming sabi tsaka tumango tango.

"Magplano tayo. Hindi pa naman nagsisimula." Sabi ko kay Ney pagkatapos kong sumilip.

"Anong plano natin?"

"Pagkatapos nating magperform. Hilahin mo kaagad si Ram, akin si Francis." Tumango lang sya.

"NeyCole. Trishia. Simula na." Agad kaming tumakbo nun at kinuha yung violin namin.

∆FAST FORWARD∆

Pagkatapos naming tumugtog. Hinila ko kaagad si Francis, ganun din ang ginawa kay Ney kay Ram.

Napunta kami sa rooftop.

"Bakit mo ko hinila?" Naupo sya kaya tumabi ako sakanya.

"Anong pinag awayan nyo?" Bumuntong hininga sya tsaka sumagot.

"Wala kaming pinag awayan." Tumango nalang ako nang may bigla akong naalala.

Narinig ko pala yung pinag usapan nila kagabi. Yun siguro yung dahilan kung bakit hindi sila nagpapansinan ngayon.

Loving Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon