Trishia P.O.V
Lamon lang ako ng lamon dito sa canteen. Ganito ako kapag nasasaktan, lumalamon psh.
"Hey." Hindi ko pinansin si Francis. Kahit alam kong gusto nya talaga ako, inis parin ako sakanya.
"I'm sorry." Hinampas ko yung kamay nya nang kukuha sya ng mga pagkain ko.
"May pera ka diba?" Tumango naman sya.
"Bumili ka dun. Alis!" Natatawa naman syang umalis at nag order dun.
Sinaktan na nga nya ko, balak nya pang kumuha ng pagkain ko? Ang kapal talaga 😒.
"Uy, pandak. I'm sorry. Mag eexplain ako." Napatigil naman ako sa pagkain.
Tignan mo na. Kahit may kasalanan sya, pandak padin tawag nya sakin. Kapal talaga😒.
"Nag explain na si Ram. Manahimik kana lang." Nakita ko syang napanganga nun, pinabayaan ko lang.
"Nag explain na pala sya, pinakaba ako ng loko na yun. Tsk." Tinignan ko lang sya habang kumakain ako.
Bakit ganun? Kahit titigan ko sya, mukha talagang unggoy?
"Kailan ka kaya magiging gwapo sa paningin ko?" Tumigil naman sya sa pag nguya tsaka inilapit yung mukha nya sakin.
"Kapag nagustuhan mo na rin ako." Nakangising sabi nya, ngumisi din ako.
"Pano bayan? Matagal na kitang gusto." Nagulat sya nun, kala nya ah? Sya naman naisahan ko😏.
"Kailan pa?" Kumuha ako ng pagkain nya. Akala ko, hahayaan nya lang akong kumuha nang hampasin nya din kamay ko.
"May pera ka rin diba? Bumili ka dun." Napairap naman ako, damot naman nito.
"Oh ano na? Pinapatawad mo na ko?" Tumango lang ako tsaka nagnakaw ng isang fries kaya napanganga sya.
"Isang kuha pa ng pagkain. Kukunin ko lahat ng pagkain mo." Napasimangot ako. Walanghiya 'to psh.
Ram P.O.V
"Ram." Hindi ko sya pinansin.
"Ram." Hanggang ngayon, hindi parin ako nakakaisip ng plano.
"Ram?" Paano ba ayusin yung problema ko?
"Omyghad! Ram!" Napatingin ako sakanya nun kaya natawa sya.
"Tantanan mo muna ako ngayon." Napasimangot naman sya.
"Ano ba yang problema mo, Ram? Tulungan kita." Napakunot noo ko.
"Sinong mas matanda satin? Hindi mo na ko tinatawag na kuya tsk." Sumimangot sya ulit.
"Sorry na, Kuya." Tumango lang ako.
"Sooo, ano nga problema mo Kuya? Tutulungan kita."
Sya si Xandra, kapatid ko.
"Si Ate Raiza bayan at Ate Kurtney?" Nagulat ako nun. Pano nya nalaman?
"Kung nagtataka ka kung paano ko nalaman. Nalaman ko lang." Napailing nalang ako.
"Sige, tulungan moko."
"Yeheyyy!" Nakangiti nalang akong umiling-iling.
Trishia P.O.V
"Buti pa kayo, ang sweet." Napataas kilay ko. Tapos na kaming mag usap ni Francis kaya ito naman kausap ko.
"Kalat ba lovestory nila?" Tumango naman ako. Palakad-lakad lang kaming dalawa.
"Oo. Geh, tanong kapa." Nagukat ako nang bigla nya kong batokan.
Ang sakit langya.
"Diba nag usap na kayong dalawa ni Miko?"
"Oo." Tumigil kami sa unti lang tao at naupo sa gilid. Bawal sa gitna kasi may mga dadaan.
"Anong sabi nya?"
"Ikaw talaga yung mahal nya, hindi na si Raiza. Nauntog lang kaya ganun." Natawa naman sya nun. Buti naman at natawa na din 'to.
"Baka pinagloloko mo lang ako?" Hindi pala kapani-paniwala ako kung ganun psh.
"Mukha bang kaya ko yang sabihin sayo kung hindi totoo?" Nakasimangot lang syang umiling.
"Pano yan? Ako nga mahal nya pero sila ni Raiza." Hinimas-himas ko naman likod nya sabay hinampas.
"Bwiset ka talaga." Sabi nya habang nakahawak sa likod. Natawa naman ako.
"May plano yun. Wag kang mag alala." Umalis na ko kaagad. Tinamad na ko magsalita eh.
Balak ko na sanang hindi magsalita nang makasalubong ko si Raiza.
"Raiza." Nakangiti naman syang lumapit sakin. Plastik tsk.
"Bakit Umber?" Sinamaan ko sya ng tingin. Kapal din ng mukha nyang tawagin akong Umber.
"Hindi na tayo magkaibigan simula nung umalis ka. Kaya wag mo kong tawaging Umber." Iiripan na sana nya ko nang hindi nya tinuloy.
"Umber, Sorry. Past na yun, wag ng balikan." Mas lalo kong inilapit sarili ko sakanya, hindi naman sya lumayo.
"Past mo na din si Ram diba? Bakit mo pa binalikan?" Naglakad na ko papalayo. Nakita ko pa syang napanganga.
"Nice." Tinignan ko lang saglit si Darell at pinagpatuloy yung paglalakad.
"Nagkabalikan sila?" Kumunot naman noo ko. Kalat na kalat na. Tapos hindi nya alam.
"Oo. Saan ba kayo nagpupunta?" Napapansin ko kasing wala silang apat lagi. Siya, Si Clarence, Rachelle at Alyssa.
"Si Clarence laging nasa library, nag aaral. Si Alyssa naman, hindi pumapasok kasi nagbabakasyon sila sa Baguio. At si Rachelle naman, laging naglalaro ng volleyball." Tumango-tango ako. Kaya pala.
"Eh ikaw?" Napataas kilay ko nung ngumisi sya.
"Palibot-libot lang. Kapag may nakita akong kakilala ko, makikipagkwentohan ako."
"Kaya pala dinadaldal mo ko psh." Balak ko pa naman talagang hindi na magsalita.
"Sige, iba naman dadaldalin ko. Nakita ko si Allan eh." Tumango lang ako. Buti naman.
"Teka lang." Huminto ako sa paglalakad. Problema nanaman nito?
"Bakit?"
"Ayos na ba kayong dalawa?"
"Oo naman."
"Ah sige. Goodbye." Tumango lang ako ulit tsaka naglakad na.
Buti naman at wala ng kakausap sakin. Matutupad ko na yung balak ko na hindi na muna magsalita.
○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●
End of Chapter 18A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold
Teen Fiction"Ang pagmamahal ko kay Mr. Cold ay unexpected, pero ang pagmamahal ko sakanya ay PERFECT." -Kurtney "Akala ko habang buhay magiging Mr. Cold ako, pero nung dumating siya sa buhay ko, lahat nagbago." -Ram Masyadong magkaiba ang ugali nila pero ang ta...