Ram P.O.V
Pupunta na sana ako nang canteen para makabili ng pagkain nang may tumawag sakin.
"Ram." Lumapit naman ako sakanya.
"Bakit?" Sa tuwing nakikita ko sya, nagsisisi akong trinaydor ko si Allan.
"Malapit na bang lumabas ng clinic si Pandak?" Tumango naman ako.
"Bakit?" Tinignan ko kung anong oras na. Pagkatingin ko, napaisip ako.
Umalis na siguro yun sa clinic.
"May favor lang sana ako sayo." Kumunot naman noo ko.
"Ano naman yun?"
"Nabalitaan kong nanikip yung dibdib ni Pandak kanina." Tumango naman ako.
"Kanino mo nalaman?" Ramdam kong kay Dylan eh.
"Kay Dylan. Binigyan nya ng letter si Kurtney." Sabi na nga ba eh.
"Ano yung favor mo?" Bilisan mo. Nagugutom na ko😪.
"Kung pwedeng magsama-sama tayong apat tapos pasayahin mo si Kurtney habang pinapasaya ko si Pandak?" Tumango naman ako kaagad.
Namiss ko rin si NeyCole na kasama eh.
"Sige, pupunta sila dito pero hindi sila magkasama. Hintayin nalang natin sila dito." Kumunot naman noo nya.
"Paano mo nasabi?"
"Panigurado pupuntang canteen si Trishia at madadaanan nya 'to. Si NeyCole naman, papuntang library kaya madadaanan nya rin 'to."
"Paano mo naman nalaman na papuntang library si Kurtney?"
"Hahanapin nya yung mga librong binabasa ko." Napatango nalang sya.
Mga ilang minuto din, dumaan silang dalawa ng sabay. Sabi na nga ba😏.
"Uy pandak!" Tawag ni Allan kay Trishia habang ako, lumapit na kaagad kay NeyCole.
"NeyCole." Namiss ko talaga sya.
"1.2.3. Smile!" Biglang yumakap sakin si NeyCole at tatakpan na sana yung camera pero nakuhanan na kami.
Gulat pa naman mukha ko nun tsk.
"Goodbye!" Napailing nalang ako kay Alyssa.
Allan P.O.V
Pagkatawag ko sakanya, tinignan nya lang ako at tinaasan ng kilay.
"Bakit Unggoy?" Lumapit ako sakanya tsaka ngumisi.
"Ang gwapo ko namang unggoy?" Hinawakan ko pa buhok ko nun.
"Kapal ng mukha." Sabi nya tsaka dinaldal daldal ako.
Pagkatapos nun, may nagpicture samin. Kala ko kung sino, si Alyssa lang pala.
"Halika, sama ka sakin." Nakangiting sabi ko sakanya, lumayo naman sya sakin.
"Ayoko baka manyakin mo pa ko." Maglalakad na sana sya palayo nang hilahin ko sya sa likod ng school at napunta kami sa gubat.
"Wow! Ang ganda." Nakangiting tinignan ko lang sya habang tinitignan nya yung buong paligid.
"May lugar palang ganito?" Umupo sya dun sa violet na puno kaya tumabi ako sakanya.
Bakit kaya naging violet 'to? Nung dating ako lang mag isa, yellow 'to ah?
"Paanong nakapunta tayo dito?" Tuwang tuwa nyang sabi tsaka tumingin dun sa puno.
"Pumunta ka lang sa likod ng school. Lakarin mo lang yun hanggang sa mapupunta ka dito." Nakangiti naman syang tumango.
"Naninikip pa rin ba dibdib mo?" Napatigil sya tsaka tinignan ako.
"Paano mo nalaman? Si Ram at Dylan lang ang nakaalam nyan."
"Binalita saming dalawa ni Dylan samin ni Kurtney yun. Nagseselos kasi kaming dalawa sa tuwing nakikita kayong laging magkasama." Tumango tango naman sya.
"Sa tuwing malungkot lang naman ako at walang hangin yung lugar na napupuntahan ko. Doon naninikip dibdib ko eh."
"Edi anong dahilan at malungkot ka kanina?" Ngumiti lang sya sakin.
Hindi nanaman sya masaya. Dapat pala hindi ko na lang tinanong yun.
"Pwede kang maglibot dito pero kailangan kasama mo ako." Tumayo na kaming dalawa.
"Hindi naman siguro ako mawawala dito?"
"Mawawala ka dito. Mukhang maliit lang 'tong gubat pero malaki talaga." Nakasimangot naman syang tumango.
"Bakit? Ayaw mo ba kong kasama? Huh, Pandak?" Umiling naman sya.
"Tagal na din nating hindi nagsama eh, namiss lang kita." Nagulat ako nang bigla nya kong yakapin.
"Salamat sa lahat." Niyakap ko rin sya nun.
"Salamat saan?"
"Salamat kasi sa tuwing may problema ako, ikaw lagi yung nandyan sa tabi ko. Sa tuwing malungkot ako, ikaw lagi yung dahilan kung bakit sumasaya ako." Napangiti ako nun.
"Sana pag dumating yung panahon na wala na ako. Sana hindi ka magbago." Humiwalay ako sa yakap namin tsaka tinignan sya.
"Masamang damo ka. Matagal ka pang mamamatay." Ngumiti lang sya nun.
"Sa totoo lang, may sakit talaga ako sa puso." Nagulat ako nun.
"Kaya hindi ko alam kung tatagal pa ko dito o hindi na." Hinawakan ko naman yung dalawa nyang balikat.
"Gagawin ko lahat para tumagal ka sa mundong 'to. Hindi lang dahil sa kailangan mo kundi dahil sa ikakasal pa tayo, paglaki natin." Nag iwas naman sya ng tingin.
"Paano kung hindi tayo yung para sa isa't isa? Matatanggap mo?" Bumuntong hininga ako nun.
Paano nga kapag hindi? Matatanggap ko kaya?
"Paano kung pinagtagpo lang tayong dalawa pero hindi tayo yung itinakda para sa isa't isa? Matatanggap mo?" Hindi ko nalang sya sinagot at tumakbo papalayo dun sa gubat.
Paano nga kapag nangyari yun? Matatanggap ko kaya?
Ram P.O.V
"Miko. Pahiram na kase nung librong binabasa mo." Umiling naman ako. Kanina pa sya ganyan.
"Next time, kapag ikaw yung napangasawa ko." Napatigil naman sya nun tsaka sumimangot.
"Paano kung hindi ako yung napangasawa mo?" Nagulat ako nun.
Ito yung araw na hindi ko makakalimutan.
"Matatanggap mo?" Tanong nya pa sakin.
Ito yung araw na alam kong magbabago ang lahat.
"Uy Miko! Paano kung pinagtagpo lang tayo pero hindi tayo yung itinakda sa isa't isa?" Tanong nya ulit.
Ito yung araw na alam kong masasaktan ako.
"Matatanggap mo ba? Uy Miko!" Napaiwas na lang ako ng tingin at naglakad papalayo.
Ito yung araw na kahit masakit, tatanggapin ko.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
End of Chapter 33A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold
Teen Fiction"Ang pagmamahal ko kay Mr. Cold ay unexpected, pero ang pagmamahal ko sakanya ay PERFECT." -Kurtney "Akala ko habang buhay magiging Mr. Cold ako, pero nung dumating siya sa buhay ko, lahat nagbago." -Ram Masyadong magkaiba ang ugali nila pero ang ta...