Ram P.O.V
"Paano ba yan? Graduate na tayong lahat?" Nakangising sabi sakin ni Dylan tsaka inakbayan ako.
"Bawal ba talaga pumunta ang parents dito lalo na kapag graduation?" Tumango naman sya sakin.
"Kaya nga pinalipat ako dun sa ibang bansa eh pero hindi ko type dun." Kumunot noo ko.
"Bakit naman?"
"Unique 'tong school na 'to eh. Sa lahat ng school na napasukan ko, ito lang ang unique." Tumaas kilay ko.
Lahat ng school na pinasukan tsk.
"Dalawang school lang naman napasukan mo. Ito at dun sa ibang bansa." Natatawa na lang syang napahawak sa batok.
Napahiya tsk.
"Napahiya hahahaha." Sulpot naman bigla ni Trishia.
"Graduation na graduation, pinapahiya mo ko." Hindi ko nalang sya pinansin.
Graduation na graduation din, pinapahiya nya sarili nya.
"Nasaan nga pala si Kurtney, Umber?" May tinuro naman sya kaya tinignan namin.
Si NeyCole kasama yung dalawang lalaki na sinasabi sakin ni Shia.
"Nice. Dalawa ah?" Binatokan naman sya ni Trishia.
"Yung isa dyan karelasyon nya. Yung isa naman dyan gusto nya." Nagulat kaming pareho ni Dylan nun.
Akalain mo yun, may karelasyon na sya at may gusto. Hindi man lang nya sinasabi sakin?!
"Saan dyan yung karelasyon nya?" Tinuro naman nya yung mukhang masama. Sya yung tumawag kay NeyCole dun sa Music Hall dati ah?
"Paanong sinagot nya yan kung hindi naman sya gusto?" Napairap si Trishia nun.
"Blinackmail sya malamang. Naalog talaga utak mo nung nasa eroplano ka eh." Napahawak nalang sya ulit sa batok nya.
Oo nga naman, parang dati lang. May common sense at matalino 'to eh.
"Eh kayo ni Josh? Kamusta?" Seryosong tanong ko sakanya. Nagulat naman sya.
"Ok lang naman kami."
"Ok lang, walang kayo hahaha." Pailing iling ko na lang silang tinignang dalawa na naghahabolan.
Hindi na ako magtataka kapag nainlove ulit sila sa isa't isa.
"Miko. Nakita mo ba si Allan?" Umiling naman ako. Oo nga noh? Nasaan kaya yun?
"Hindi eh. Bakit?"
"Ang tagal nya na kasing hindi nagparamdam pagkatapos nung graduation." Sabi nya habang naghahanap kay Allan.
Baka naman nasa gubat yun at nagdradrama?!
"Sige. Ako nalang maghanap, enjoy kana lang dyan." Pagkatapos nyang tumango, umalis na kaagad ako dun at pumunta sa likod ng school.
Napunta rin naman ako kaagad sa gubat at nakita sya kaagad na nakaupo dun sa tapat ng puno na kakaiba sa lahat.
"Uy. Anong ginagawa mo dyan?" Tumabi ako sakanya kasabay ng pagtingin nya sakin.
"Bakit ganun? Hindi ko pa rin matanggap." Napatango tango ako. Kaya naman pala.
"At bakit ganun? Ikaw, tanggap mo na kaagad?" Napabuntong hininga naman ako.
"Alam mo kung bakit tinatanggap ko kaagad kahit masakit para sakin?" Umiling naman sya.
"Bakit nga ba?"
"Sisirain lang nyan kasiyahan ko. Kung papatagalin ko pa, edi parang ako lang din nahirapan. Atsaka alam mo namang maikli lang ang buhay natin." Natigilan naman sya nun.
"Malay mo bukas o isang araw. Mamatay nalang bigla ako. Edi inaksaya ko lang panahon kong sumaya dito." Tumango tango naman sya.
"Bakit kase matagal pang dadating sa buhay ko yung para sakin?!" Inis na tanong nya. Nagkibit balikat nalang ako.
Subukan nyang itanong kay God nang hindi sya magganyan-ganyan sakin😒.
"Kung nandoon ka lang kanina. Mapapataas kilay mo." Natatawang sabi ko kaya kumunot noo nya.
"Bakit naman?"
"Sila Trishia at Dylan kase. Naghahabolan kanina."
"Tss. Isa rin yung kakambal ko na yun eh." Tumawa nalang ako.
Trishia P.O.V
"Doon ka pa rin mag aaral?" Tumango naman ako.
"Ikaw? Doon rin?" Tumango rin sya.
Nandito kami ngayon ni Josh sa Coffee Cafe. Tutal tapos na yung graduation, pwede ng lumabas ng school.
"Tsaka bawal na kong lumipat ng ibang school. Ilang years na rin kase akong nandoon." Tumango tango naman sya.
"Ganun ang patakaran dun?"
"Oo. Atsaka maganda naman dun eh kaya okay lang." Sabi ko tsaka uminom ng kape.
"Pakilala na kita sa mga magulang ko?" Nabulunan naman ako nun kaya agad agad siyang pumunta sa likod ko at hinimas hima likod ko.
"Umiinom ako ng kape diba?! Tapos bigla kang magsasabi ng ganyan?!" Inis na sabi ko sakanya, napahawak naman sya sa batok nya.
"I'm sorry." Nakangiting sabi nya kaya nawala inis ko.
Ang gwapo talaga ng lalaking 'to.
Magsasalita na sana ako nang biglang magvibrate phone ko.
"May tumatawag sakin. Wait lang ah?" Paalam ko sakanya tsaka tumayo.
"Sige, hihintayin kita." Pumunta kaagad ako sa labas at sinagot yung tawag.
"Hello?" Hindi ko kase tinignan kung sino yung tumawag kaya yan nasabi ko.
"Nagsosolo nanaman kayong dalawa! Isama nyo kami, hoy!" Tumingin-tingin naman ako sa paligid.
Nakita ko kaagad si Kurtney na ang sama ng tingin sakin habang nasa tainga nya yung cp nya.
"Dapat kase sinabi mo kaagad. Oh dali, sabay na kayong lahat dito." Kumaway ako sakanila tsaka nauna na sa shop.
"Talagang hindi mo kami hinintay ah?!" Ngumiti ako kay Josh, pagkaupo ko.
Hindi ko pa pala naeend yung tawag.
"Pogi ng bf ko eh, nakalimutan ko na kayo hahaha. Goodbye!" Pagka end call ko nun, biglang may susugod sakin. Buti nalang, napigilan ni Dylan.
"Chill." Sumimangot nalang si Kurtney tsaka naupo sa tabi ni Josh kaya napanganga ako.
"Hoy! Ako dyan! Dito ka sa tabi ni Ram!" Nilabas nya dila nya at pinakita sakin saglit sabay di na umalis dun.
"Hindi ko 'to aagawin sayo! Psh." Tumango nalang ako atsaka nagtiis dito sa dalawang katabi ko na lalaki.
Si Dylan na makulit at si Ram na tahimik.
============================
End of Chapter 46A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold
أدب المراهقين"Ang pagmamahal ko kay Mr. Cold ay unexpected, pero ang pagmamahal ko sakanya ay PERFECT." -Kurtney "Akala ko habang buhay magiging Mr. Cold ako, pero nung dumating siya sa buhay ko, lahat nagbago." -Ram Masyadong magkaiba ang ugali nila pero ang ta...