Alyssa P.O.V
Linggo na ngayon at nandito ako sa simbahan. Nagpapasalamat sakanya sa lahat ng natatanggap kong blessing.
"Lord, thank you po at naging crush narin ako ng crush ko. Ang tagal ko pong pinagpray yun, buti po nagkatotoo." Sabi ko, wala rin namang nakakarinig sakin.
Pero napansin ko na pinagtitinginan ako ng mga tao doon sa simbahan. Bakit kaya?
"Thank you rin po sa lahat, Lord." Lumabas na ko ng simbahan tsaka sinagot yung tawag.
Kaya pala pinagtitinginan ako kasi nagriring yung cp ko. Hindi ko pala naisilent😅.
"Bakit Darell?" Ano naman kayang problema nito? At tinawagan ako?
"Alyssa. Si Clarence." Nagulat ako dun kasi malungkot yung boses ni Darell.
Pero dahil alam kong loko-loko sya. Hindi kaagad ako nagpadala. Pinagtritripan nanaman ako nito siguro😒.
Darell P.O.V
"Pinagtritripan mo nanaman ako. Kala mo, hindi ko nahalata?" Napanganga ako nun.
Sabi na nga ba, hindi sya maniniwala sakin eh😂. Kaya pinasa ko kay Ram yung cp.
"Anong gagawin ko dito?" Mahinang tanong nya, yung ako lang nakakarinig.
"Ikaw nalang kumausap, Ram. Ngayon ka lang naman makikisali sa trip ko." Bumuntong-hininga sya tsaka sinagot yung tawag.
Pinagbigyan din ako, sa wakas😂.
Hinayaan kong mag usap silang dalawa ni Alyssa tsaka pumunta kila Rachelle, Kurtney, Trishia at Allan.
"Gising na ba?" Sumilip ako aa kwarto ni Clarence. Bale nandito kami sa bahay nila.
"Kung gising na yan, edi sana wala kana dito ngayon."
"Mukhang gising ba?"
"Halata namang tulog pa."
Napalayo ako nun. Nung sinagot nilang tatlong babae sakin yun. Nakita ko pang lihim na natawa si Allan.
"Chill." Sabi ko sakanilang tatlo, inirapan lang nila ako.
Nagtatanong lang naman ako, bigla akong sinungitan😢.
"Wag ka kaseng magtanong ng obvious na para hindi ka makakuha ng sagot na gaya ng kanina." Sabi ni Allan tsaka tinapik tapik ako sa likod.
Hayop talaga 'tong lalaking 'to eh.
"Palibhasa madalas mong nararanasan yun, masaya kalang kasi may kadamay kana." Natigil sya sa pagtawa kaya napangisi ako.
"Hayop ka talaga, Darell." Ako naman tumapik-tapik sa likod nya.
"Parehas lang tayo, Allan." Agad akong lumayo nang susuntukin na nya ako.
"Oh ano, Ram? Okay na?" Tumango lang sya. Nandito na kami ngayon sa labas ng kwarto ni Clarence.
Nasa ibang bansa kase sila tito at tita. Ayaw din ng katulong ni Clarence kaya mag isa lang sya dito. Tsaka nagpaalam na ko sakanila.
"Ang aacting sila Trishia, Allan, Ako at si Rachelle." Sabi ko sakanila. Bigla namang umiling si Trishia.
"Hindi sya maniniwala. Mahahalata nya kaagad." Tumango naman si Rachelle sa sinabi ni Trishia.
"Sabagay, niloloko ko sya madalas kaya malalaman nya kaagad na nag aacting lang ako." Sabi naman ni Rachelle.
"Ako din. Kaya mahahalata nya din ako kaagad." Sabi ni Allan, tinignan ko naman si Trishia.
Eh sakanya kaya? Bakit hindi sya pwede?
"Alam nyang magaling akong mag acting. Nahahalata nya kaagad yun kaya hindi ako pwede." Tumango nalang ako.
"Edi sina Ram at Kurtney nalang?" Nakita ko namang napataas kilay ni Kurtney.
"Ano? Kami lang dalawa ganun?" Tumango naman si Trishia.
"Ngayon lang 'to. Pagbigyan nyo na si Darell, birthday ni Clarence ngayon." Napasimangot nalang si Kurtney, si Ram wala lang😂.
"Okay."
"Galingan nyo ang pag acting. Madaling makahalata si Alyssa." Sunod-sunod na kaming pumasok sa loob ng kwarto ni Clarence nun.
Alyssa P.O.V
Dali-dali akong pumunta sa bahay nila Clarence at pumunta kaagad sa kwarto nya.
Bumungad sakin silang anim at si Clarence na nakahiga sa kama nya at mukhang mahimbing ang tulog.
"Buti, Alyssa at nakapunta ka kaagad." Sabi ni Ram na mukhang alalang-alala.
Ano kayang nangyari kay Clarence?😢
"Anong nangyari?" Lumapit naman sakin si Kurtney.
Nakita ko yung apat na malungkot lang na nakatingin kay Clarence.
"Hindi namin sya magising, Alyssa. Kahapon pa syang tulog." Nagulat naman ako nun tsaka agad na niyugyog si Clarence.
Baka kase jinojoke lang ako nila. May parte parin kase sakin na hindi naniniwala.
"Clarence. Gising." Sabi ko habang niyugyog sya pero wala talaga kaya naupo nalang ako tsaka hiniga yung ulo ko sa kama nya.
"Sige, Alyssa. Alis muna kami." Malungkot na tumango lang ako. Agad naman silang umalis na anim.
Clarence P.O.V
Kumunot noo ko, pagkadilat ko. Tsaka tumingin sa tabi ko.
Bakit nandito si Alyssa?
"Alyssa." Nagulat ako nang bigla ko syang nakitang umiiyak.
"Bakit ka umiiyak?" Paos na tanong ko. Kakagising ko lang kasi.
"Sabi nila, hindi ka daw magising kahapon pa. Buti naman at nagising kana." Napataas kilay ko nun. Napatigil naman sya sa pag iyak.
Tinignan ko kung anong date na ngayon. Birthday ko na pala. Kaya pinagtripan nanaman siguro ako.
"Talagang hindi nila ako magigising kahapon kasi gising naman ako nun tsk." Nagulat sya nun tsaka tumayo.
"Naloko ako." Napaupo ako nung bigla nanaman syang umiyak sabay pumasok yung anim.
"Happy Birthday, Clarence!" Nakita ko pang pinipigilan nilang matawa.
"Lagot kayo sakin! Lalo kana Rachelle!" Nagulat naman si Rachelle nun.
"Tsk." Nakangiti nalang akong umiling-iling habang nagtatakbohan sila dito sa kwarto ko.
Tinignan ko yung nasa unan ko, nalungkot ako nang wala akong nakapang sulat.
Tuwing birthday ko, may sulat sa ilalim ng unan ko simula bata palang ako dahil laging nasa ibang bansa sila mama at papa.
"Clarence!" Malungkot naman akong tumingin kay Alyssa. Nakaayos na sila ngayon.
Ngumiti sya sakin tsaka lumabas sila mama at papa.
"Happy Birthday, Anak." Pagkasabi nila nun, biglang may tumulong luha sa mga mata ko.
First time nilang umuwi dito sa birthday ko kaya napangiti akong umiiyak.
"Tears of joy. First time 'to, Allan. Picture-an mo." Dali-dali silang kumuha ng cp at pinicture-an ako. Nakangiting umiling nalang ako.
Thankyou Lord na kahit masama akong tao. Binibigyan mo parin ako ng blessing. ●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
End of Chapter 22A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold
Teen Fiction"Ang pagmamahal ko kay Mr. Cold ay unexpected, pero ang pagmamahal ko sakanya ay PERFECT." -Kurtney "Akala ko habang buhay magiging Mr. Cold ako, pero nung dumating siya sa buhay ko, lahat nagbago." -Ram Masyadong magkaiba ang ugali nila pero ang ta...