Ram P.O.V
Sabado na ngayon at nandito ako sa sala. Nagbabasa.
"Ram." Kumunot naman noo ko. May itatanong nanaman ba 'to?
"May nakita ako, Ram." Tinignan ko naman yung pinapakita nya sakin.
Yung picture naming dalawa nung mga bata pa lang kami?
"Magkilala na tayo dati pa?" Bakit parang wala akong maalala na ganyan?
"Hindi ko alam. Wala din akong maalala na ganyan eh." Napabuntong hininga ako.
"Patingin nga." Biglang kinuha ni Trishia yung picture sabay tumabi sakin.
"Baka nagkaamnesia din kayo kaya hindi nyo maalala 'to. Psh." Napaisip naman ako. Walang sinabi ang ate ko na may amnesia ako.
"Nung mga hindi pa tayo magkakilala. May mga minahal tayo." Nakinig lang kami sakanya.
"Si Ram kay Raiza. Ako at si Kurtney kay Dylan. Si Unggoy kay Allyana. Si Darell kay Rachelle habang si Rachelle kay Drake. At si Alyssa kay Clarence habang si Clarence kay Ash." Kumunot noo ko, oo nga noh.
"Kailan ka iniwan ni Raiza?" Tanong nya sakin.
"Saktong pag iwan sayo ni Dylan." Nagtaka pa nga ko nun kasi sakto pa dun.
"Tawagan nyo sila. Kailangan ng matapos 'tong kalokohan na 'to."
Tinawagan ko si Clarence habang si Allan, tinawagan si Darell. Si Trishia naman, tinawagan si Alyssa.
"Anong meron?" Tanong ni NeyCole pagkababa nya sabay umupo sa tabi ni Allan.
"Tawagan mo si Rachelle." Tumango lang sya sa sinabi ni Trishia.
Mga ilang minuto din, kumpleto na kaming lahat.
"Bakit pinapunta nyo kami dito?" Kunot noong tanong ni Clarence.
"Isosolve lang natin yung puzzle na ginulo nila." Nakangiting sabi ni Trishia kaya nagtaka silang apat.
"Huh?" Sabay sabay nilang tanong.
"Magtatanong ako sainyo. Sagutin nyo lahat ng itatanong ko." Tumango kami.
"Rachelle, kailan pumunta ng ibang bansa si Drake?"
"Saktong pagkaalis ni Dylan." Napabuntong hininga ako.
Kaibigan pa ba ang ituturing ko sayo kung malalaman ko na ikaw ang may kasalanan ng lahat?
"Magtiwala ka lang sakin, Ram."
Napatingin ako sa sahig nang maalala ko yung sinabi nya nung nalaman ko lahat ng pinaggagawa nya samin.
Alam ko talaga lahat. Pinagloloko ko lang kayo.
Tinignan ko silang lahat, lahat sila nahihirapan. Napabuntong hininga ako ulit.
"Ram, may iba ka pa bang nalalaman?" Biglang tanong sakin ni Trishia. Sasabihin ko ba sakanila?
"Wala na." Tignan natin kung gaano sila katalino😏.
Ilang minuto din na nakatitig sakin si Trishia. Ramdam ko yun.
"Ah! Alam ko na lahat!" Tuwang sabi nya sabay ngumisi sakin.
Nahalata nanaman ako ng isang 'to.
"Geh nga, Pandak." Hamon ni Allan sakanya, inirapan lang sya ni Trishia.
"Simulahin muna natin kay Ram." Nangising tinignan nya ko. Nahahalata talaga ako neto eh.
"Bata pa lang, may tatlo ng magkakaibigan. Si Ram, Unggoy at si Dylan." Napailing ako. Alam nya na ata.
"Isang araw, pinagpare-parehas silang tatlo ng damit ng mga magulang nila. Si Ram na may hawak na libro ng nakaupo, si Unggoy na may kapa at maskara at si Dylan na hindi mahanap-hanap." Napanganga ako, bakit pati yun alam nya?
"Nasa park sya nun, nakita ko. Nakatingin sya kay Alyssa na naglalaro at kay Clarence na nakaupo habang nagbabasa ng libro." Napalunok ako. Alam na nga nya ata.
"Sinundan ko sya, pagkaalis nya kasi alam kong may masama syang balak. Pinanood ko lang sya habang naglalagay ng kung ano sa ibinigay nyang inumin sa dalawa nyang kaibigan." Alam ko din yun dahil sinabi sakin ni Dylan.
"Noong lumaki na tayong lahat, nakita ko sila Raiza, Dylan, Allyana at Drake na magkakasama. Naalala ko na nandoon ako lagi, nanonood lang sa mga pinaggagawa nila sainyo." Sya pala yung babae na laging nanonood sakanila. Yung sinabi sakin ni Dylan.
"Nalaman yun ni Dylan na alam ko lahat ng pinaplano nila kaya ginawa nyang painlove-in ako para hindi ko masabi sainyo yung kwinekwento ko ngayon." Tinitigan ko sya.
Alam naming lahat na ibang Trishia yung nasa harap namin ngayon.
"Yun lang." Napanganga sila.
"Yun lang?!" Gulat na tanong ni Alyssa.
"May mga side story tayo. Si Raiza na iniwan si Ram para sa pangarap nya." Tinignan nya ko.
"Kami ni Unggoy na iniwan nila Dylan at Allyana para sila ang magkatuluyan." Tinignan nya si Allan.
"Si Drake na patuloy sinisira ang love story nyong dalawa nila Rachelle at Darell." Tinignan nya si Rachelle at Darell.
"At si Clarence na nagkaamnesia para mapansin nya si Ash na matagal ng may gusto sakanya imbes na kay Alyssa na nagkaamnesia din." Nagulat silang dalawa nun.
Panigurado na hindi nilang dalawa na alam. Lalo na si Alyssa, hindi nya alam na may amnesia sya.
"Kung sino gusto nyong magkatuluyan. Ayusin nyo na yang problema. Kasi kaming apat, tapos na." Napasimangot naman sila Alyssa, Clarence, Darell at Rachelle.
"Mahirap ibreak si Drake." Gulat na napatingin si Darell kay Rachelle.
"Hiwalayan mo lang sya. Hindi ka naman talaga mahal ni Drake eh."
"Sabagay." Umalis na sya nun habang si Darell nakatulala lang.
"Tapos na. Magsiuwian na kayo." Sumunod na umalis si Clarence. Sunod si Alyssa.
"Oh ano, Darell? Di ka pa uuwi?" Tanong ko sakanya. Kami nalang dalawa naiwan dito sa sala.
"Natulala lang, Ram. Sige, uwi na ko." Tumango lang ako sabay syang umalis.
Pumunta ako sa kusina para tignan kung anong date na.
Pagkatingin ko, napabuntong hininga ulit ako. Malapit na palang babalik si Dylan dito.
★★★★★★★★★★★★★★★★★
End of Chapter 29A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold
Teen Fiction"Ang pagmamahal ko kay Mr. Cold ay unexpected, pero ang pagmamahal ko sakanya ay PERFECT." -Kurtney "Akala ko habang buhay magiging Mr. Cold ako, pero nung dumating siya sa buhay ko, lahat nagbago." -Ram Masyadong magkaiba ang ugali nila pero ang ta...