Chapter 24

791 31 2
                                    

Allan P.O.V

"May nabalitaan ako sayo kagabi, Ram." Hinawakan naman nya yung ulo nya na parang problemado.

"Tsk. Wag kang maingay." Natawa na lang ako.

Pagkatapos kase nilang magdate habang kaming dalawa ni Trish nasa bahay lang, nakita ko si Ram na may ninakaw kay Kurtney.

Natatawa ako sa tuwing naaalala ko kung anong ninakaw nya. Isang panda na stuff toy.

"Ang ganda ng umaga." Nakangiting sabi ni Kurtney.

Nakita ko naman si Trish na nasa labas na napatingin kay Kurtney.

"Kasingganda ko." Napangisi ako.

Maganda nga, pandak naman😂.

"Ang aga-aga nagjojoke ka, pandak." Inirapan nya lang ako tsaka naunang maglakad samin.

"Kapag sinabi mo yun kay NeyCole, sisiraan kita kay Trishia." Napanganga ako habang tinignan naglakad papalayo si Ram.

Putek nayan😩.

Pagkapasok namin sa school, sumabay na ko kay Kurtney habang sila namang dalawa ni Ram at Trish.

Naiinggit talaga ako sa dalawang yun eh, parang close na close😒.

"Allan." Napatigil naman ako sa pag iisip kila Ram at Trish.

"Bakit?"

"Dati pa ba silang close na dalawa?" Nagkibit balikat ako.

"Sa tingin mo?" Nag isip ako. Dati ko pa silang nakikitang nag uusap at nag aasaran eh.

"Sa tingin ko, oo. Nakikita ko silang nag aasaran minsan eh." Nakasimangot lang syang tumango.

Selos nanaman siguro 'to sa bestfriend nya😂.

"Ikaw naman gusto nya eh, wag kang mag alala." Yumuko sya pagkasabi ko nun.

"Pano kung hindi nyo ko nakilala? Hindi nya ko nakilala? Sinong magugustuhan nya ngayon?" Napatigil ako sa paglalakad.

"Hindi ko alam." Ngumiti nalang sya tsaka kami nagpatuloy sa paglalakad.

"Nga pala, nakita mo na ba yung panda na stuff toy ko?" Tumango ako. Kagabi ko nga lang nakita eh😂.

"May nagnakaw kase eh, alam mo ba kung sino?" Kunot noong umiling lang ako.

"Hindi naman kase pwedeng si Trishy yung magnakaw nun. Dahil unggoy ang paborito nya." Napangisi ako. Unggoy pala ah? 😏

"Hindi din pwedeng ikaw kasi hindi ka naman mahilig sa stuff toys."

"Pano mo nalaman?"

"Yung ako yung nakatokang maglinis, nakita kong walang ni isang stuff toy sa kwarto mo. Puro gitara mga ganun lang nakita ko." Tumango lang ako.

"Si Miko naman, ganun din. Puro libro nandun sa kwarto nya kaya imposible din." Pinigilan kong matawa.

"Edi kung imposible kaming tatlo, sinong nagnakaw? Ikaw?" Natawa na ko nun.

"Imposible naman kaseng nakawin nyo yun lalo ka na." Nakasimangot nyang sabi tsaka hinawakan buhok nya na parang problemado.

Gumanyan din si Ram kanina, meant to be😂.

"Lahat pwedeng maging posible. Tignan mo nga. Yung tao na imposibleng magkagusto sayo, nagkagusto sayo." Pumasok na ko sa room nun.

Trishia P.O.V

"Bakit sya nandito?"

"Oo nga."

"Pero infairness, ang gwapo nya talagaaaa."

Napairap ako habang tinitignan 'tong katabi ko. Si Ram😒.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Napairap ako. Anong naisip nito at dito pumunta sa classroom namin?

"Bakit nandito ka?" Nginitian nya lang ako kasabay ng pagpasok ng adviser namin.

"Goodmorning Class. Nagtataka siguro kayo ngayon kung bakit nandito ang isa sa mga heartrob natin na si Ram noh?" Nag opo naman sila. Hindi na ko nakisali.

Hindi ako sang-ayon sa sinabi ni Maam. Heartrob ba yung mukha nya?😒

"Dapat kasi talaga na Section A sya pero nalagay namin sya sa Section B kaya doon sya napunta. Pero ngayon, naayos na namin kaya mula ngayon. Section A na si Ram." Sila natuwa, ako naman napasimangot.

May dumagdag nanaman akong kalaban na matalino. Dami pa naman naming matalino dito😪.

"Sige, wait lang Students. Wag kayong mag ingay." Nag opo nanaman sila. Ako, nagnap nalang.

"Yes naman, Ram! Kaklase ka na namin." Tumango lang sya kay Alyssa habang tinitignan yung paligid.

"Bakit hindi ka sakin tumabi?" Tanong naman ni Clarence tsaka tumabi kay Ram.

"Una kong nakita si Trishia eh." Nakita ko namang napataas kilay ni Alyssa. Babarahin nya si Ram, pustahan😂.

"Malamang, magkasabay kayo." Sabi na nga ba eh😂.

"May nakaupo ba dito?" Tanong ni Ram sabay turo ng inuupuan nya.

"Walang nakaupo dyan. Pero dati, meron." Sabi naman ni Alyssa, tumingin nalang ako sa bintana.

"Sino?" Naramdaman kong tinignan muna ako ni Alyssa bago sumagot kay Ram.

"Si Dylan." Kumunot naman noo ni Clarence.

"Paanong naging si Dylan? Matagal na syang umalis dito diba?" Tanong naman ni Clarence.

"Classroom na kase namin 'to matagal na."

"Paanong naging ganun?" Takang tanong ni Ram.

"Ganito kase yun. Once na naging Section A ka, simula palang. Dito na kaagad classroom mo. Kapag naging Section B na, dun na paiba iba ang classroom. Tapos kapag naging Section A ka ulit, sa ibang classroom ka mapupunta o dito. Ang mga teachers at si principal ang pipili." Ganun pala yun. Kaya pala nandito parin ako😩.

"Section A kayo hanggang simula?" Umiling naman kaming dalawa ni Alyssa.

"Naging section C ako habang naging Section B si Trishy." Tumango tango naman si Ram.

"Bakit walang nakaupo dito pagkatapos umalis ni Dylan?"

"Kung saan upuan mo simula palang  doon ka na. Pero kung may first time na nakapunta dito, sila ang pipili ng upuan na walang nakaupo." Tumango ulit si Ram kasabay ng pagdating ulit ng adviser namin.

Napabuntong hininga ako. Naalala ko nanaman si Dylan😪.

Kailan kaya yun uuwi? Nabalitaan ko, uuwi daw sya dito eh. ♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧
End of Chapter 24

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon