Chapter 23

817 34 0
                                    

Allan P.O.V

"Nasaan si Trish?" Nagtaka ako nung nagulat si Kurtney tapos naupo sa sofa.

Sya na ngayon yung nakatoka na maglinis.

"Birthday ni Clarence kahapon diba?" Tumango naman ako. Si Ram tahimik lang na nakikinig samin.

"Birthday nya ngayon!" Naupo ako sa tabi ni Ram at pinanood namin si Kurtney na nagpapanic.

"Bakit ganyan sya magpanic?" Tanong ko kay Ram. Nagkibit balikat lang sya.

"Birthday nya ngayon?" Tumigil naman sya sa paglalakad tsaka naupo ulit sa sofa.

"Oo. Magkasunod lang birthday nila ni Clarence." Tumango lang ako. Saan kaya yun pumunta?

"Saan nanaman yun pumunta?" Tanong ni Kurtney sa sarili nya tsaka nag isip. Nag isip din ako.

Saan nga ba?

Napatingin kami kay Ram nung isarado nya yung librong binabasa nya tsaka tumayo.

"Sa mall sya pumunta." Sabi nya sabay may pinakita samin. Chat nila ni Trishia.

Kaya pala kanina, cellphone yung hawak. Hindi libro.

"Kanina pa kayo nagchachat?" Kunot noong tanong ko. Si Kurtney naman umirap.

"Wag kayong magselos. Magkaibigan lang kami at ikaw ang gusto ko, hindi sya." Namula naman si Kurtney nun tsaka tumakbo papaakyat.

Kadiri naman ng dalawang 'to😖.

"Kanina pa kayo nagchachat. Edi naunahan mo na kong batiin sya." Walang reaksyon naman syang tumingin sakin.

"Hindi mahalaga kung sino ang naunang batiin sya tsk." Pumunta na syang kusina nun, ano kayang gagawin nun?

Pumunta na lang ako sa gilid ng harap ng pinto. Hihintayin ko na lang sya dito.

"Allan! Nasaan si Miko?" Kumunot noo ko nung nakita kong bihis na bihis sya.

Saan kaya 'to pupunta?

"Nasa kusina." Tumakbo naman sya papuntang kusina tsaka nakasimangot na naglakad pabalik sakin.

"Alis lang ako. Kayo munang dalawa, maiwan dito." Tumango lang ako tsaka sya naglakad papalayo.

Ilang minuto lang din, pumasok na din sa wakas si Trish.

"Happy Birthday!" Nakangiting sabi ko sakanya, tinaasan nya lang ako ng kilay.

Sungit naman😢.

"Geh, thank you." Sabi nya lang tsaka naupo sa sofa. Saktong lumabas si Ram na may dala-dalang Black Forest Cake?

Yan pala yung pinagkakaabalahan nya dun tsk.

"Omyghad!" Tuwang-tuwa naman nyang kinuha yung cake at kinain.

"Tss." Dinaanan ko lang silang dalawa. Sinundan naman ako ni Ram.

"Naiinis na ko sayo ah? Tsk." Tumigil naman sya sa paglalakad tsaka tinignan ako.

"Better the last smile than the first laughter." Taka ko syang tinignan habang naglalakad sya palayo.

Ano daw?

Pumunta nalang ako sa kwarto ko tsaka tumingin sa paligid.

Ano kaya pwedeng iregalo sakanya? Wala akong pera ngayon eh😅. Naupo ako sa kama tsaka nag isip.

Ano kaya pwede?

"Ah alam ko na!" Agad akong kumuha ng papel tsaka lapis pati pangkulay ganun.

Trishia P.O.V

Tuwang-tuwa lang akong lumalamon ng cake na binake ni Ram nang may mahalata ako.

Bakit wala dito si Ney?

Inubos ko muna yung cake tsaka pinakiramdaman yung paligid. Wala talaga siya.

"Sino hinahanap mo?" Napataas kilay ko nang cellphone hawak ni Ram at hindi libro.

"Alam mo kung nasaan si Ney?" Tumango naman sya tsaka tumabi sakin.

"Nagtampo sya sakin kaya umalis." Tinignan ko naman kung ano yung ginagawa nya.

Nagfefacebook si kuya nyo Ram😂.

"Ano ba kaseng ginawa mo?" Tumaas ulit kilay ko nang andami nyang kachat na babae.

Loko-loko din 'tong lalaking 'to eh. Sabagay lalaki😌.

"Tinawag nya ko habang ginagawa ko yung cake. Hindi ko sya pinansin." Napanganga ako nun tsaka binatokan sya.

"Imbes na makipagchat ka dyan sa mga babae. Puntahan mo nalang!" Napakamot naman sya sa ulo tsaka lumabas ng bahay habang nagcecellphone parin.

Napailing nalang ako. Hindi man lang nagbihis. Nakasando at short lang tuloy suot nya.

"Boring naman ng birthday ko ngayon." Umakyat nalang ako tsaka pumunta sa kwarto ni Francis.

Sya lang naman kasama ko ngayon sa bahay eh, tsaka sya nalang walang regalo sakin noh.

"Unggoy!" Kinatok-katok ko yung pinto nya pero ayaw nya buksan kaya napasimangot ako.

Malungkot nalang akong naupo sa gilid ng pinto ng kwarto nya.

Allan P.O.V

Tanghali na nung natapos ako sa ginagawa ko.

"Ang ganda tsk. Galing mo talaga, Allan." Kinuha ko na yun tsaka lumabas ng kwarto ko.

Nakita ko syang papunta na sa kwarto nya.

"Pandak!" Sinamaan naman nya ko ng tingin. Natawa na lang ako.

"Birthday ko ngayon, pandak pa din tawag mo sakin psh. Ang sama talaga." Ngumiti lang ako tsaka lumapit sakanya. Hindi naman sya lumayo.

"Regalo ko pala, sorry kung ganyan lang." Pagkabigay ko, tinignan nya kaagad.

"Kung simple lang yung regalo ko." Nagulat ako nung nakita ko syang napangiti at may tumulong luha sa mga mata nya.

Yung regalo ko. Drawing. Nandun sya, katabi yung lola nya at mama nya at nandun kaming walo sa likod.

"Alam mo sa lahat ng regalo na natanggap ko. Ito ang pinakagusto ko." Nakangiting sabi nya sakin. Napangiti din ako tsaka naalala bigla yung sinabi ni Ram.

"Better the last smile than the first laughter."

Yun pala yung ibig sabihin nun.

Teka nga pala, ano na kayang nangyari sa dalawang yun? Narinig ko usapan nila ni Ram kanina eh, kukuha sana ako ng tubig nun kaso di ko na tinuloy.

Ram P.O.V

Palakad lakad lang ako dito sa mall na pinuntahan namin dati ni NeyCole habang pinagtitinginan ako ng mga tao.

Bakit kaya nila ako pinagtitinginan? Tsk😒.

"Ang gwapo ni kuya!"

"Pogiiiii!"

"Kyaaahhh! Gwapo nya kahit nakasando at shorts!"

Napatingin ako sa suot ko. Hindi pala ako nagbihis.

Pinabayaan ko na lang sila tsaka hinanap parin si NeyCole hanggang sa nakita ko na sya.

Nasa gilid lang sya, nakasandal sa pader habang nakasimangot.

"NeyCole." Naglakad na sya papalayo nun kaya sinundan ko.

"Libre kita." Tumaas muna kilay nya tsaka hinila ako sa kung saan.

"Sige, lahat ng gusto ko dito sa mall. Bibilhin mo." Napanganga ako.

Mapapagastos nanaman ako nito, bakit ko ba kase nasabi yun?😪

Bayaan mo na Ram. Para magbati ulit kayo😪.
♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧
End of Chapter 23

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon