Kurtney P.O.V
"Nasaan kaya yung apat na yun?" Nagtaka naman akong tinignan ni Trishy.
"Sinong apat?" Naupo naman ako dito sa hallway.
"Sila Clarence, Darell, Alyssa at Rachelle." Umupo din naman sya sa tabi ko.
"Hindi mo na ba alam?" Napatingin ako kaagad sakanya nun.
"Yung ano?" Bumuntong hininga muna sya bago ako tinignan.
"Lumipat sila ng school. Doon na din sa school na nilapitan nila, nag aral si Jana." Napatango tango ako. Kaya pala.
"May sasabihin kaba sakin? Mukhang problemado ka eh." Napasimangot naman ako, naaalala ko nanaman yun.
"May karelasyon na ko." Nagulat sya nun. Akala nya siguro si Miko.
"Si Ram ba yan?! Loko yun ah. Hindi sinabi sakin." Napailing naman ako kaya nagtaka sya.
Sabi na nga ba eh, si Miko kaagad nasa isip nya kapag sinabi ko yun.
"Eh sino?" Nakita ko naman yung lalaki na dumaan, nginisian nya ako tapos naglakad sya papalayo.
Pasalamat ka nakatalikod yung kaibigan ko, hindi ka nya nakita psh.
"Si Blake Xandi Pavion." Napatayo naman sya nun.
"College student?!" Sigaw nya. Buti nalang walang tao kasi nagsipasok na sila sa klase.
"Oo." Umupo naman sya ulit. Pinapahirapan nito sarili nya eh😒.
"Tarantado talagang Blake yun." Napataas kilay ko nang may mapansin ako sakanya.
"Magkakilala kayo?" Umiling naman sya.
"Kilala ko lang."
"Paanong kilala mo? Eh college student yun." Umayos naman ako ng upo. Magkwekwento 'to panigurado.
"Pumunta kase ako sa principal's office. Nagpaalam ako kay Principal kung pwedeng hiramin yung mga students profile dito. Binigay naman nya sakin kaagad." Napanganga ako.
"Favorite na favorite ka talaga ng mga tao dito eh noh?" Tumawa naman sya tsaka umiling.
"Hindi naman. Maganda lang talaga ako." Kung may kinakain lang ako, nabuga ko na sakanya.
"Psh." Tumawa lang sya nun.
"Sige nga, sagutin mo tanong ko."
"Ano ba tanong mo?"
"Sino si Blake Xandi Pavion?" Umayos muna sya ng upo atsaka nagsalita.
"Blake Xandi Pavion. Isang playboy na matalinong college student." Napataas kilay ko nun. Matalino pala ah?
"Every year, may pinagtritripan syang babae. Mag iisip muna sya ng plano kung paano nya makakarelasyon ang babaeng magugustuhan nya bago nya gawin yun."
"At ako napagtripan ngayon year." Tumango tango naman sya.
"Oo. Malas mo. Hahaha." Sinamaan ko na lang sya ng tingin. Hindi man lang ako dinamayan.
"Tapos may isa pa kong nakilala na lalaki. College student rin."
"Grabe! Puro College Student ah?" Inirapan ko naman sya. Natawa lang sya ulit.
"Anong pangalan?" Nagkibit balikat naman ako.
"Hindi ko tinanong eh." Tumango tango nalang sya.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold
Teen Fiction"Ang pagmamahal ko kay Mr. Cold ay unexpected, pero ang pagmamahal ko sakanya ay PERFECT." -Kurtney "Akala ko habang buhay magiging Mr. Cold ako, pero nung dumating siya sa buhay ko, lahat nagbago." -Ram Masyadong magkaiba ang ugali nila pero ang ta...