Chapter 17

910 41 0
                                    

Ram P.O.V

"Ang ganda nya."

"Omyghad! Si Raiza yan diba?"

"Bumalik nanaman siya psh."

Tumingin ako dun sa pinagkakaguluhan nila. Si Raiza nga.

"Excuse me." Nakita ko nalang na papalapit sya sakin, maganda pa rin sya kagaya ng dati.

"Hi Mikky! I miss you!" Niyakap nya ako na ikinagulat ko. Nakita ko si NeyCole kaya tinulak sya pero hindi ganun kalakas.

"Awww. Galit ka pa rin sakin?" Tsk. Sinong hindi magagalit sa dahilan ng pag iwan nya sakin?

"Mikky, I'm sorry. Magbalikan na tayo, please." Umiwas ako ng tingin, mahal ko pa ba sya? Yan ang tanong ko sa sarili ko.

"Natupad ko na yung pangarap ko, oh. Magbalikan na tayo, please. Promise, hindi na kita iiwan ulit." Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Mahal mo parin naman ako diba?" Nagulat ako nung umiyak sya kaya bigla ko syang niyakap.

Mahal ko parin sya. Sya parin yung babaeng nasa puso ko.

"Sige, magbalikan na tayo." Nakaramdam ako ng guilt nang makit ko syang tumakbo papalayo.

Tama ba yung ginawa ko?

Trishia P.O.V

Pagkatapos kong mapanood yung drama nilang dalawa. Napailing nalang ako.

Tanga mo talaga kahit kelan, Ram.

Agad kong sinundan si Ney nun. Buti naman at huminto sya sa pagtatakbo at umupo na din habang umiiyak.

"Mahal mo na sya." Tinignan nya lang ako saglit tsaka umiyak ulit.

"Hindi mo ba ko papatahanin?" Tumigil sya sa pag iyak tsaka sinamaan ako ng tingin.

"Pano kung mawala na ko sa tabi mo? Edi hahanap-hanapin mo ko nyan?" Sabay naman kaming tumayo. Tumigil na talaga sya sa pag iyak.

"Kailangan mong masanay." Magsasalita na sana sya nang maglakad ako papalayo. Hahanapin ko si Ram.

Paiyakin ba naman bestfriend ko psh😒. Lagot sakin yun.

Papunta ako ngayong rooftop kasi paniguradong nandoon yun. Napatigil ako nang makita ko si Allan kasama mga kaibigan nya.

Ram P.O.V

Nandito ako ngayon sa rooftop. Nagpaalam ako kay Raiza pagkatapos nun.

Ilang minuto din, natigil ako sa pag iisip nang pumasok si Trishia ng umiiyak.

"Anong nangayari sayo?" Nagulat ako nang sampalin nya ko tsaka umiyak ulit sa tabi ko.

Alam nya na sigurong sinaktan ko bestfriend nya kaya nya ko sinampal. Nakita ko rin kase syang nanonood doon eh.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko nung tumigil na sya kakaiyak.

"Sagutin mo nga ko ng totoo, Ram. Gusto ba talaga ako ni Francis?" Nagtaka naman ako nun tsaka tumango kaagad.

"Nagsisinungaling ka naman ehhh." Umiyak sya ulit kaya pinatahan ko na para naman makausap ko ng matino😒.

"Ano bang nangyari?" Tumigil ulit sya sa pag iyak at nagkwento.

"Kanina, pagkatapos kong kausapin si Ney tapos hinahanap na kita. Nakita ko si Francis kasama sila Jaymar. At alam mo kung ano yung narinig ko?" Umiling ako. Wala naman kasi ako doon kaya hindi ko alam.

"Sabi ni Francis. Suko na daw sya dun sa pustahan na magustuhan ko sya kasi daw napakaimposible nun. Ginawa nya na lahat pero wala pa din." Napailing ako.

"Gusto ka talaga nya." Sinamaan naman nya ko ng tingin tsaka inirapan.

"Pano mo naman nasabi? Pinagpustahan nga lang ako." Tsk. Manhid talaga ng babaeng 'to.

"Sa una, hindi ka talaga nya gusto. Nahalata mo naman diba?" Tumango lang sya.

"Pero nung nandun na kami nakatira sa bahay nyo, doon ka na nya nagustuhan. Hindi magaling mag acting yun na gusto nya ang isang babae kahit hindi naman." Tumango lang sya tsaka sumimangot.

"Bakit nakipagbalikan ka kay Raiza?" Ngumiti naman ako ng malungkot.

"Dahil mahal ko pa siguro sya hanggang ngayon?" Binatokan naman nya ko kaya nagulat ako. Ang sakit😪.

"Imposibleng mahal mo parin yung klaseng tao na ganun."

"Bakit naman?"

"Sinong tao ang mamahalin parin yung taong mas pinili yung pangarap nya kaysa sayo? Tapos babalik dito para makipagbalikan kasi natupad na nya yung pangarap nya kaya hindi ka na nya iiwanan pa?" Napabuntong hininga ako.

"Pero kung tanga ka, posible yun." Hindi ako sumagot. Tama nga sya.

"Si Dylan? Mahal mo parin ba talaga? O nagkukunwari kalang?"

"Nagkukunwari lang ako. Hindi ako masyadong tanga para mahalin parin sya hanggang ngayon." Tumango-tango ako. Naloko nya ko dun.

"Si Francis na talaga gusto ko, matagal na. Bago pa sya magkagusto sakin." Napanganga ako kaya natawa sya.

"Galing ko umacting noh?" Napatango nalang ako.

"Kaya pala." Tumaas kilay nya nun.

"Kaya pala ano?"

"Kaya pala, ikaw yung napagtripan ni Dylan." Inirapan nalang nya ko tsaka tumayo na.

"Ayusin mo yang gulong ginawa mo." Napakamot ako sa ulo ko tsaka tumayo nadin.

"Paano?" Napag isip ko na. Na si NeyCole na yung mahal ko at hindi na talaga si Raiza.

Naawa lang talaga ako kasi umiyak sya.

"Ibreak mo si Raiza at mag explain ka kay Ney. Tapos ang problema mo."

"Parang ang dali-dali tsk." Inirapan nya lang ako tsaka naglakad papalayo.

Pumunta ako sa library at nag isip ng plano. Buti nalang hindi ako nakita ni Raiza.

Paano ko ba aayusin?

"Hi, Ram!" Napatigil ako sa pag iisip tsaka sinipa kaagad si Allan.

Mahina naman syang napaaray tsaka naupo sa tabi ko. Library 'to, bawal ang maingay.

"Bakit mo ko sinipa?" Pinigilan kong matawa sa mukha nya.

"Narinig ni Trishia, pinag usapan nyo nila Jaymar. Bahala ka magexplain sakanya."

"Talaga?" Nagulat sya nun tsaka napamura.

"Oo."

"Sige, alis muna ako." Pinigilan ko sya sa paglalakad kaya sinamaan nya ko ng tingin.

"Nasa canteen sya." Tumango lang sya tsaka umalis.

Hindi man lang nagpasalamat tsk. ☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★
End of Chapter 17

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon