Chapter 30

650 29 0
                                    

Allan P.O.V

Nakangiti akong naglalakad papuntang canteen. Hindi pa kasi ako nag almusal.

"Unggoy!" Napatingin ako kaagad nun kasi alam kong si Trish yun.

"Bakit Pandak?" Nginitian naman nya ko.

Bakit kaya ganyan siya makangiti?

"Sumama ka sakin." Napangisi naman ako. Hindi man lang dineretsyong sabi na ready na sya 😏.

"Gagawa na tayo?" Sinuntok naman nya ko ng malakas sa braso. Masakit sa totoo lang😥.

"Sumama kana lang sakin." Bigla nya kong hinila at pinunta kung saan.

Nagulat nalang ako nang bigla nya kong ikinulong sa isang kwarto.

"Pakawalan mo ko dito! Uy Pandak!" Nginitian naman nya ko ulit.

Kaya pala ganyan makangiti kasi may masamang balak😩.

"Mamaya na. May huhulihin pa akong isa." Sabi nya kasabay ng pagsarado nya ng pinto.

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi man lang ako dinalhan ng pagkain😢.

Ram P.O.V

Papunta na akong rooftop nang may biglang tumawag sakin.

"Ram!" Tinignan ko sya. Si Trishia.

"Bakit?" Kumunot noo ko nung bigla syang ngumiti.

Halatang may masamang balak.

"Sumama ka sakin." Umiling lang ako tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

"Dali na, Ram!" Sinabunutan nya ako kaya napaharap ako sakanya.

"Bakit ako sasama sayo?" Kapag hindi katanggap-tanggap ang rason nya, hindi ako sasama sakanya.

"May ano. Basta. Dali na!" Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad.

"Kung anong ikinadali ko dun sa isa, yun naman ikinahirap ko dito." Napataas kilay ko sa narinig ko.

"Sino yung isa?" Umaasa ako na sana si NeyCole yun.

"Kailangan totoo ang magiging sagot mo sa tinanong ko. Kung ayaw mong maubos ang pagkain sa ref." Napasimangot sya tsaka bumuntong hininga.

Madalas, pagkain lang katapat nyan. Minsan, si Allan.

"Si Unggoy." Napabuntong hininga ako. Dapat pala hindi ako umasa.

"Sige na kasi, sama kana sakin! Kawawa sya dun."

"Ano bang ginawa mo sakanya at naging kawawa sya dun?" Napaiwas sya ng tingin.

"Kinulong ko sa isang kwarto." Napailing ako. Hindi pa naman yun nag almusal.

"Dinalhan mo ba ng pagkain?" Nakita kong nagtaka sya. Hindi nya siguro alam.

"Hindi. Bakit ko naman sya dadalhan ng pagkain?" Hindi nya nga alam.

"Hindi pa sya nag aalmusal. Late kaseng nagising." Nagulat sya nun tsaka bigla akong hinila.

"Wag kang mataranta. Masamang damo yun, matagal pa yun mamamatay." Sumimangot lang sya sabay kaming tumakbo papunta sa isang kwarto.

"Unggoy! Buhay ka pa?" Niyugyog nya si Allan kahit nung pagkabukas namin ng kwarto, gising sya.

"Oo! Aray!" Huminto sa pagyugyog si Trishia tsaka pinakawalan na si Allan.

"Tara, samahan nyo kong dalawa." Sabi nya sabay hinawakan yung kamay namin.

"Saan?" Kunot noong tanong ko. May masama talaga 'tong balak eh.

"Basta." Wala kaming nagawa kundi sumama.

Mga ilang minuto din, pumunta kami sa hindi ko alam na lugar. Dito nag aacting yung mga umaacting sa tingin ko.

"Trishia! Sila na ba yun?" Tumango naman sya. Anong kami? Tsk.

"Sabagay, mga gwapo nga! Sige, isuot nyo na 'to." Inabutan kaming dalawa ni Allan ng damit.

"Para saan 'to?" Tanong ni Allan. Yan sana itatanong ko, naunahan lang ako.

"Wag ng maraming tanong, isuot nyo na yan bilis!" Tinulak nya kaming dalawa papunta sa isang kwarto.

"Ano kayang gagawin natin, Ram?" Nagkibit balikat lang ako tsaka sinuot yung damit.

"Pakiramdam ko, mag aacting tayo eh." Pakiramdam ko nga rin yan.

"Tapos na kayong dalawa magbihis?"

"Opo!" Sagot ni Allan. Tinatamad akong magsalita eh.

Hinila nya kami papunta sa isang pink na kama at hiniga.

Masama talaga kutob ko dito eh.

"Ano pong gagawin namin?" Sana hindi kami mag acting, mandidiri ako tsk.

"Picture taking lang. Kung ano sasabihin ko, sundin nyo ah?" Si Allan lang tumango, ako hindi.

Tsk. Anong kalokohan 'to?

"Ganito ba talaga 'tong isang 'to, Trishia?" Tanong nya habang nakatingin sakin.

"Oo! Pero okay lang yan, gwapo naman sya eh." Tumango lang sya tsaka humawak na ng camera.

"Anong pangalan nilang dalawa?" Tanong nya ulit.

"Yung madaldal, Allan. Yung tahimik, Ram." Tumango lang ulit sya.

"Ram, tingin ka kay Allan." Hindi ko sya sinunod kaya napabuntong hininga sya.

"Allan, hawakan mo ang ulo ni Ram sabay ipaano mo sayo tsaka ngumiti ka sakanya." Nandidiri talaga ako tsk.

Nagulat ako nang sundin ni Allan yung inutos nung walanghiya kasabay nun, ang pagflash ng camera.

"Good job! Tapos na ang picture taking." Agad akong napabangon nun. Nandiri ako tangina.

"Tsk. Anong kalokohan yun?!" Inis na tanong ko kay Trishia. Pinakalma naman nya ko tsaka kaming tatlo, pumuntang canteen.

"Ililibre ko na lang kayo para makabawi ako." Sabi nya saming dalawa.

"Kahit anong gusto naming pagkain?" Seryosong tanong ni Allan. Napalunok naman si Trishia.

Kasalanan mo yan. Kaya magdusa ka.

"Oo, kahit ano." Napangisi naman kaming dalawa habang sya napasimangot.

"Ram, alam na." Tumango lang ako. Nagulat nalang kami nang bigla nya kaming hampasin.

"Baka naman, balak nyong ubusin pera ko nyan?!" Napataas naman kilay naming dalawa.

"Nakakadiri yung ginawa namin kanina kaya wag kang magreklamo kasi hindi kami nagreklamo nun lalo na ako." Mas lalo syang sumimangot.

"Ok. Sige, mamili na kayo. Ako na bahalang magbayad." Pumunta naman kami sa mga pagkain.

"Mababayaran nya kaya lahat nang pipiliin natin? Masasarap yung pagkain ngayon oh." Tumango ako.

"Mababayaran nya lahat yan."

"Paano mo naman nasabi?"

"Mayaman yan. Kahit madami na siyang pera, nag iipon parin sya." Tumango tango sya.

"Bakit parang close na close kayo?"

"Pagkatapos kong magkaamnesia, sya naging kapalit mo." Tumatango-tango nalang ulit sya.
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
End of Chapter 30

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon