Clarence P.O.V
Pagkatapos ng inutos samin ni Trishia. Okay na kaming lahat.
"Clarence." Tinignan ko si Darell.
"Bakit?" Nagbasa ako ulit.
"Tubig oh." Tinignan ko naman yung binibigay nya sakin na tubig.
Kinuha ko naman, sabagay nauuhaw na ko. Kanina pa.
Pagkainom ko, bigla nalang akong nahilo at hindi ko na alam ang mga susunod na nangyayari.
Darell P.O.V
"Yes!" Buti naman at ininom nya yung ibinigay ko.
Madalas kase kapag may ibinibigay ako sakanyang inumin, tumatanggi sya tsaka sinasabing may lason yun.
Nilagyan ko ng kung ano yung inumin nya. Para naman makita natin yung good side ng isang Clarence😂.
"Clarence, tara. Sama ka sakin." Nakangiting tumango naman sya tsaka sumunod sakin.
"Hi Trishia!" Napataas yung kilay ni Trishia nun. Himala kasi binati sya ni Clarence ng nakangiti pa.
"Anong pinainom mo dyan?" Talino naman, nalaman nya kaagad na may pinainom ako sakanya😂.
"Basta. Sshhh kalang. Nakita mo ba si Alyssa?" Bulong ko sakanya tsaka tinignan si Clarence.
Nakangiti lang sya sa mga nadadaanan naming tao, sila naman nakanganga.
"Oo. Sundan nyo ko, malapit lang sya dito eh." Sinundan lang namin syang dalawa at ilang minuto din, nakita na namin si Alyssa.
"Alyssa!" Tumingin naman si Alyssa kay Trishia.
"Bakit Trish?"
"May aaminin sayo si Clarence." Sagot ko, iniharap ko si Clarence sakanya.
Nakita kong andami ng nanonood, handang handa na ko kapag tumino na ulit si Clarence😂.
"Ano yun Clarence?" Ngumiti naman si Clarence sakanya.
"Gusto kita." Tinanggal nya salamin nya tsaka namulang nakangiti sabay kong ibinaba pantalon nya.
At saktong bumalik sya sa katinuan kaya bigla nalang akong tumakbo papalayo.
Trishia P.O.V
Muntik na kong matawa nang biglang tumakbo si Darell nang tumino na si Clarence ulit.
Agad namang sinuot ni Clarence yung pantalon nya, iwas tingin syang namumula.
"DARELL!" Natawa na ko nun nung sumigaw sya habang galit na galit.
"Alis na, tapos na yung palabas." Pinaalis ko na yung mga tao, baka kase magwala si Clarence. Mahirap na.
"Uhm, alis muna ako." Tumango lang ako tsaka nilapitan si Clarence.
"Clarence, relax kalang." Sinamaan nya ko ng tingin kaya napalayo ako.
"Kung gawin kaya sayo yun tapos sabihin ko relax kalang, anong mararamdaman mo? Tsk." Napanganga ako. Para syang babae.
"Ikain mo nalang yan." Sabi ko tsaka sya hinila papuntang canteen. Hindi rin naman nya ko pinigilan.
Alyssa P.O.V
"Gusto kita." Napailing ako nun. Nobayan.
May pinainom lamg sakanya si Darell kaya nasabi nya yun. Tigil na sa pag aassume, Alyssa.
"Gusto ka talaga nya." Sinamaan ko naman ng tingin yung nagsabi nun. Si Allan.
"Imposible. Ang pinakaayaw nya sa babae sa pagkakaalam ko ay madaldal." Tsaka pinapaasa lang naman nya ko na totoo yun eh.
"The more you hate, the more you love. Tandaan mo lang yang kasabihan na yan." Sabagay pero masakit parin mag assume😢.
"Maniniwala ako kapag si Clarence talaga yung nagsabi nun." Nagkibit balikat sya.
"Tsaka mga kagaya nila Rachelle ang nagugustuhan ni Clarence." Dagdag ko sa sinabi ko.
"Ako nga mga kagaya ni Kurtney ang nagugustuhan ko kasi matatangkad tapos tignan mo ako ngayon, sa pandak ang bagsak ko." Natawa naman ako nun, hilig nyang asarin si Trish.
"Hilig mong asarin na pandak si Trish, matangkad kalang talaga." Tinaasan nya ko ng kilay. Sungit din nito minsan eh.
"Parehas narin yun tsk. Sige, goodbye." Sabi nya tsaka na naglakad papalayo.
Clarence P.O.V
"Clarence!" Tumingin ako kay Allan.
"Bakit?"
"Isang tanong isang sagot." Kumunot noo ko.
"Sige."
"Gusto mo ba si Alyssa o hindi?" Napatigil ako nun.
"Gusto mo nga. Talaga sumagot eh." Bumuntong hininga na ako. Wala na kong magagawa.
"Oo, gusto ko sya. Tsk."
"Puntahan mo dali, sabihin mo sakanya." Tinulak tulak nya ko kung saan kaya napakunot noo ko.
"Next year nalang." Napatigil naman sya sa pagtulak sakin. Buti naman.
"Ngayon na! Bahala ka, mauunahan ka ng iba dyan." Nag isip ako saglit tsaka tumango.
"Sige." Umalis kaagad si Allan. Nakita kasi namin na paparating na dito si Alyssa.
Nagkunwari ako na parang walang nangyari tsaka nung magkalapit na kaming dalawa tsaka ako nagsalita.
"Gusto talaga kita." Napatigil sya nun, pinagpatuloy ko lang ang paglakad.
Ok na siguro yun tsk. Pinunasan ko pa pawis ko. Ayoko talaga sa lahat yung umaamin na may gusto ako sa babaeng gusto ko.
"Nice. Hindi na torpe si Clarence." Sinamaan ko ng tingin si Darell.
"May kasalanan ka pa sakin tsk." Nagulat sya, nakalimutan nya siguro tsk.
"Oo nga pala! Sige, Clarence. Next year nalang ulit tayo mag usap!" Napailing iling nalang ako nung tumakbo sya palayo sakin.
Magpapasalamat pa naman ako na ginawa nya yun. Narinig ko usapan nila ni Allan kaya hindi ako marereject. □■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■
End of Chapter 20A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold
Teen Fiction"Ang pagmamahal ko kay Mr. Cold ay unexpected, pero ang pagmamahal ko sakanya ay PERFECT." -Kurtney "Akala ko habang buhay magiging Mr. Cold ako, pero nung dumating siya sa buhay ko, lahat nagbago." -Ram Masyadong magkaiba ang ugali nila pero ang ta...