Chapter 16

1K 37 0
                                    

Trishia P.O.V

Nandito kami ngayong apat sa isang kwarto. Maliit lang sya. Bale anim talaga ang kwarto dito.

"Bakit tayo nandito?" Umupo naman sa gilid si Ram.

"Magpapahinga." Sagot ko kay Ram tsaka hihiga na sana sa nag iisang unan dito nang maunahan ako ni Francis.

"Ako dyan!" Napangisi naman sya.

"Bagal mo kase eh, naunahan kana tuloy ng iba." Tsaka sya tumawa. Tinuro-turo ko tuloy sya.

"Kalalaki mong tao. Psh. Ako pahigain mo dyan!" Tinuro naman nya yung lap nya.

"Dito ka mahiga." Nandiri naman ako tsaka sya tumawa ulit.

"Psh." Wala akong nagawa kundi maupo nalang sa sahig. Naisahan nanaman ako😒.

"Lagot ka sakin, unggoy." Ngumisi naman sya ulit.

"Ok, pandak hahahaha." Umirap nalang ako habang nakasimangot.

Tinignan ko naman yung dalawa. Si Ney at Ram.

Nagkakahiyaan pa 'tong dalawang 'to, parehas naman may gusto sa isa't isa😒.

"Naiinggit ka sakanila?" Lumingon naman ako kay Francis nun.

Bakit ba Francis tawag ko sakanya imbes na Allan?

"Gusto mo ganyan din tayo, pandak?" Umirap nanaman ako ulit. Buti kung sya si Prince, papayag ako kaagad.

"Manahimik ka nga, unggoy." Nagkibit balikat lang sya tsaka pinikit yung mga mata nya.

Kurtney P.O.V

"NeyCole." Hindi ako tumingin sakanya, nahihiya ako.

Tumawag kase sakin kanina si Darell. Sabi nya, narinig daw ni Miko yung pinag-uusapan naming dalawa.

"NeyCole." Hindi ako tumingin ulit.

"NeyCole." Humarap ako sa ibang direksyon at hindi sya pinansin.

"NeyCole." Napakagat ako sa labi ko, hindi ba sya titigil kakatawag sakin?

"NeyCole." Isang tawag pa, titingin na talaga ako.

"NeyCole." Humarap na ko sakanya nun, ang kulit din ng lahi nito.

"Bakit?" Huminto sya sa pagtatawag ng pangalan ko at tinignan ako.

"Narinig ko yung pinag usapan nyo ni Darell kahapon." Umiwas ako ng tingin, totoo nga. Narinig nya😨.

"Oh ano? Sigurado kana?" Nagtaka ako. Saan ako sigurado na?

"Saan?" Tinignan nya ko sa mga mata ko kaya medyo nailang ako.

"Kung inlove ka sakin o hindi." Napaiwas na ko ng tingin, hindi ba sya naiilang na tinatanong nya sakin yan?

"Dali na. Huwag ka ng mahiya." Napatingin ako sa reaksyon nya. Walang reaksyon.

"Hindi pa ko sigurado." Nagulat ako nang ilapit nya yung mukha nya sakin. Bumilis yung tibok ng puso ko.

"Oh ano? Sigurado kana?" Napalunok ako tsaka tumango. Nilayo na nya mukha nya sakin pagkatapos.

"Bakit mo ba tinatanong?" Umirap ako. Hindi porket gusto ko sya, magiging mabait na ko sakanya😒.

May pagkademonyo parin sya sa paningin ko noh.

"Gusto din kita." Namula ako nun tsaka sya sinamaan ng tingin.

"Tigilan mo nga pangtritrip sakin ngayon. Hindi magandang biro yan." Kumunot noo nya, baka kase mamaya nagjojoke lang 'to.

"Totoo yun." Napanganga ako nang naglakad na sya palayo.

Yun na yun?! Bakit hindi halata?! Amp.

Allan P.O.V

"Alis na ko. Bahala na kayong dalawa dyan." Napailing ako nung parehas silang umalis ni Ram.

Si Ram, umaasenso na sa lovelife. Eh ako? Wala pa din tsk tsk tsk.

"Uy, pandak!" Inosente naman syang tumingin sakin. Nakasandal sya sa pader at nakatingin sa kisame kanina.

Sana ako nalang yung kisame tsk.

"Bakit?" Lumapit ako sakanya kaya nagulat sya.

"Sino gusto mo?" Napataas kilay nya pero hindi rin naman sya lumayo.

Sana ako yun.

"Si Prince." Lumayo na ko sakanya nun, dapat pala hindi na lang ako nag assume tsk.

"Sabagay napakaimposible na ako magustuhan mo." Tumayo na ko nun, nakita ko pa syang nagtaka.

"Bakit? Ako ba yung gusto mo?" Manhid naman ng pandak na 'to, tsk. Ganito ba talaga pag pandak?

"Hindi. Yung height mo yung gusto ko, ang pandak eh." Nararamdaman kong sasabunutan na nya ko kaya lumabas ako kaagad dun.

"Kainis ka talagang unggoy ka!" Tumakbo na ko nun habang tumatawa. Mas okay na din 'to.

Swerte ko parin kasi nakakasama ko gusto ko 😂.

"Humanda ka sakin, leche!"

Ram P.O.V

"Hi Ram!" Napatigil ako sa pagpupunta sa kusina nang batiin ako ni Allan.

Tumatakbo silang dalawa ni Trishia. May ginawa nanaman siguro 'tong kalokohan😒.

"Mag ingat kayo, basa dyan sa labas!" Dahil mukhang hindi nila narinig yung sinigaw ko, parehas silang nadulas.

"Aray!" Napailing ako tsaka pinuntahan silang dalawa.

"Tsk tsk tsk."

"Ram, akin na kamay mo." Inabot ko naman kay Trishia yung kamay ko tsaka sya itinayo.

Sinamaan ako ng tingin ni Allan. Tsk, problema nito?

"Salamat." Umalis na sya nun, muntik na kong matawa nung nakita kong parehas silang basa.

"Basa na ko, tsk. Mapapaaga ligo ko nito." Tinignan ko naman sya.

"Buti naman at maliligo kana din." Napataas kilay ko nang itaas nya yung gitnang daliri nya.

"Araw-araw akong naliligo!"

"Hindi halata." Nung makaalis na sya, napabuntong hininga ako habang nakatingin kung saan sila nadulas.

"Lilinisin ko nanaman 'to, tsk." Ako kasi ngayon ang nakatoka na maglilinis.

"Tulungan na kita?" Umiling ako kay Trishia. Akala ko nasa kwarto na nya siya, nasa kusina pala pumunta.

"Wag na, ako na." Tumango lang sya tsaka umakyat na din sa taas.

Naramdaman ko pang may sumilip saming dalawa na nag uusap. Si NeyCole. □■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■
End of Chapter 16

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon