Chapter 5

2.1K 58 1
                                        

Ram P.O.V

"Sabay na tayong apat." Sabi ni Trishia sabay hinila kami nila Allan.

"Bakit sila makikisabay satin?" Takang tanong naman ni... Ano bang pangalan nito? Basta yun😒. Habang may hawak-hawak na bike.

"Hindi pa ba sayo nasasabi ni tita?" Umiling lang sya.

Ang bait sa iba pero pag sakin, hindi tsk😒.

"Sila daw yung dalawang lalaki na makakasama at magbabantay satin." Napataas naman kilay nya nun. Mag-iingay nanaman 'to panigurado😪.

"Bakit sila pa?!" Sigaw nya. Sabi na nga ba eh.

"Bakit kasama pa siya?!" Sigaw nya ulit sabay turo sakin. Tahimik ko dito, dinadamay ako tsk.

"Mapagkakatiwalaan daw kase sila kaya pwede ba? Manahimik ka na lang." Sabi nya sabay tumabi sakin. Naingayan siguro 'to.

"Bakit nakangiti ka dyan?" Tanong ko kay Allan. Tinignan ko naman yung dalawang babae na kasama namin, mukhang wala lang silang pakialam.

"Napagtripan ko na din sa wakas yung tindera dun sa canteen, Ram." Kumunot naman noo ko.

"Paano?" Nagpahuli naman kaming dalawa sa paglalakad, naramdaman kong napansin yun ni Trishia pero binalewala nya lang.

"Nagpaalam kase ako dun kay Umber na pupunta akong canteen, pwro tatakas talaga ako nun." Tumango lang ako.

"Tapos?"

"Binigyan nya kong pera at inutos na bilhan ko syang pagkain. Akala ko makakatakas na ko nun nang mga 15 minutes siguro? Tumawag sya." Pagpatuloy nya sa kwento nya sabay tinuro si Trishia.

"Alam nya siguro na tatakas ako kaya binalaan nya ko. Kung bibili ako sa canteen ng pagkain nyo o maglilinis ng buong school." Tumango lang ako ulit at pinatigil muna sya sa pagkwekwento kasi tatawid pa kami.

"Sige, tuloy." Sabi ko sakanya, pagkatawid namin. Nasa unahan parin namin yung dalawang babae.

Hindi sila nagkwekwentuhan o nagdadaldalan tulad ng iba, naglalakad lang sila habang patingin-tingin sa paligid.

"Wala akong nagawa kundi pumuntang canteen at bumili ng pagkain." Kumunot naman noo ko nun.

"Pano mo napagtripan yung tindera dun?"

"Peke yung binigay na pera sakin ni Trishia, Ram. Buti na lang hindi na chineck nung tindera kundi paktay ako neto." Tumango-tango lang ako atsaka nagtanggal na ng sapatos pagkadating namin dito sa bahay.

"Ang haba-haba ng kwinento ko tapos tango lang isasagot mo?" Tinignan ko lang sya saglit at pumasok na sabay umupo sa sofa.

"Sino may sabing umupo ka dyan?" Taas kilay na tanong sakin ni babae. Hindi ko alam pangalan nito eh.

"Yung sofa." Pokerface na sagot ko tsaka nagbasa ng libro.

Ang ayoko talaga sa lahat, yung maingay at pakialamera.

Kurtney P.O.V

Mas lalong napataas yung kilay ko nang umupo kaagad din si Allan at sinindi yung tv.

"Pwede bang sila Darell at Clarence nalang?" Tanong ko kay Trishy, napatigil naman sya sa pag-aayos ng gamit nya.

"Bawal sila. May pagkamanyak si Darell habang si Clarence naman, walang pakialam." Tinignan ko naman si demonyo, so yan. May pakialam?

"Tsaka wala kana rin namang magagawa kaya tanggapin mo nalang din." Napasimangot nalang ako at umakyat para pumunta sa kwarto ko.

Trishia P.O.V

"Uy, unggoy at panda." Tumingin naman silang dalawa sakin kaya muntik na kong matawa.

"Unggoy. Patayin mo yung tv at dun ka sa kwarto mo manood nyan. Katapat ko lang yung kwarto mo." Sabi ko kay Francis. Sinamaan nya lang ako ng tingin tsaka umakyat na.

Napabuntong-hininga nalang ako nang may makita akong mga kalat sa inupuan nya, hindi pa nya pinatay yung tv. Ang sama talaga tsk tsk tsk.

"At ikaw naman panda, umakyat kana din sa kwarto mo. Dun kana magbasa. Katapat lang ni Kurtney yung kwarto mo." Tumango lang sya at umakyat nadin.

Tinignan ko naman yung inupuan ni Ram na walang kahit anong kalat o dumi. Buti pa 'tong isang 'to. Hindi makalat.

Kaya nagtataka ako minsan kung pano sila naging close eh.

Pagkatapos kong maglinis sa sala. Naupo muna ako sa sofa saglit, sakto namang may tumawag sakin.

"Hello, Clarence. Bakit?" Kunot-noong tanong ko, pagkasagot ko ng tawag.

"May hiniram akong libro."

"Gege, balik mo nalang bukas." Nag-end din naman kaagad yung tawag nun.

Tinignan ko ulit yung sala ulit kung malinis na talaga at umakyat na. Pupunta na sana ako sa kwarto ko nang biglang bumukas yung kwarto ni Francis.

"Pengeng pagkain sa ref, ah?" Napataas naman kilay ko nun.

"Papayagan kita, basta wag mo lang ubusin." Ngumisi lang sya tsaka naglakad na palayo. Pumasok na din ako sa kwarto ko nun.

Kapag inubos ng unggoy na yun yung mga pagkain sa ref, lagot talaga sya sakin.
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~~•~•~
End of chapter 5

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon