Prologue

1.1K 15 0
                                    

Makalipas ang mahabang panahon ay naging mapayapa ang buong Rivaryn, samantala sina Silver at Dave naman ay sa  palasyo ng Ancestral God namamalagi at sabay nilang pinamumunuan ang buong Rivaryn.

Sa loob ng mahabang panahon na yun ay marami ang nagbago kasama na dun ang papalit ng mga Hari at Reyna ng bawat kaharian at ang mga anak na nito ang pumalit sa kanilang trono.

Sa Summoner Kingdom naman ay  sina Jharren at Arsen na ang nakaupong Emperor ng buong Rivaryn dahil sina Lennox at Jino ay sa Lahore na nanatili at bumaba nalang sila para bisitahin ang kanilang mga apo.

Nagsilang naman ng mga anak sina Astrid upang maging tagapagmana nila sa kanilang Trono ganon din ang mga bagong Hari at Reyna ng bawat kontinente para magkaroon din sila ng kanilang tagapagmana sa hinaharap.

Samantala ang mga anak naman nina Jharren at Arsen ay lumaki na, Sa mahabang panahon na nagdaan ay naging ganap na silang mga binata, ang apat na anak nina Jharren at Arsen ay naging makikisig silang mga Prinsipe pero ang ikalimang anak nila ay malamya itong kumilos at alam nina Jharren at Arsen na isang Gay ang kanilang bunsong anak.

Pero kahit na malamya kumilos ang ikalimang anak nina Jharren at Arsen ay di matalo talo ito ng apat nitong kapatid sa paggamit ng mga Sandata, lalong lalo na sa paggamit ng espada ay di nila ito matalo talo.

Samantala sina Jaiden at Jannela naman ay nasa palasyo na sila ng mga Cervantes dahil sina Levi at Leviticus ang namumuno sa buong Cervantes Realm at dahil nga sila ang namumuno ay naging mga Reyna naman sina Jaiden at Jannela ng buong Cervantes Realm.

Lumaki na rin ang anak nina Jaiden at Leviticus, ganon din ang anak nina Jannela at Levi, naging magigiting na prinsipe at Prinsessa ang kanilang mga anak sa buong Cervantes Realm at kinatatakutan ang tatlo sa buong Cervantes Realm dahil sa husay sa paggamit ng espada at sa lakas ng kanilang mga Majica pero kahit sila ay di sila nananalo kay Kendrick ang bunsong anak nina Jharren at Arsen sa paggamit ng espada.

Pero kahit na ganon ang kasarian ni bunsong anak nina Jharren at Arsen ay mahal na mahal naman ito ng apat na nina Jharren at Arsen at walang nangahas na sumubok na manligaw kay Kendrick dahil dadaan muna sila sa mga kuya nito bago nila maligawan si Kendrick.

“Bunso tara ensayo tayo ng espada!”—saad naman ni Argus kay Kendrick.

“Cge ba!”—saad naman ni Kendrick at naglaho ito at paglitaw nito ay hawak na nito ang Celestial Sword na galing pa sa Celestial Mother.

“Bunso naman ehhh, bakit yan ang gagamitin mo?”—tanong naman ni Asher.

“Hahahah, cge iba nalang!”—saad naman ni Kendrick at nagpalit ito ng espada niya at ang kaninang hawak niya na Celestial Sword ay napalitan ng Dragon Sword na galing kay Arsen.

“Ohhh, pwede na ba to?”—tanong naman ni Kendrick pero wala na ang kanyang mga kuya naramdaman nalang nito ang apat sa paligid kaya naman ay agad agad itong naglaho at paglitaw nito ay nasa ibang pwesto na ito.

“Ang daya niyo ahhh!”—saad naman ni Kendrick.

Ngumiti lang ang mga kuya nito at sabay sabay nilang sinugod si Kendrick pero lahat ng atake ng apat ay nasasangga lang ni Kendrick ng walang kahirap hirap.

“Mahal tingnan mo ang mga anak natin ohh, isa laban sa apat pero di pa rin natatalo nina Argus si Kendrick!”—saad naman ni Arsen habang tinitingnan ang pagsasanay ng mga anak nila.

“Oo nga ehhh, nagtataka nga rin ako ehhh bakit ang bilis bilis at ang galing galing gumamit ni Kendrick ng espada ehhh nakasealed pa naman ang kanyang Celestial Soul!”—saad naman ni Jharren.

“Yun nga din ang ipinagtataka ko ehhh!”—saad naman ni Arsen.

Samantala patuloy paring naglalaban sina Kendrick at ang apat nitong kapatid, puno na nang sugat sina Argus pero si Kendrick ay wala pang kahit isang sugat o galos sa katawan nito.

The Reincarnation of the Celestial Prince(A Powerful Gay Summoner Book 4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon