⚜️⚜️⚜️⚜️Third Persons POV⚜️⚜️⚜️⚜️
Lahat ng estudyante ay nakatutok sa mangyayaring labanan ng mga magkakapatid at lahat sila ay excited na sa mga masasaksihan nilang labanan.
“Bunso, handa kaba ka?”—tanong naman ni Argus kay Kendrick.
“Ano pa nga ba, sugod kayo!”—saad naman ni Kendrick.
Kaya naman ay sumugod na din ang apat nang sabay sabay at lahat ng atake nila ay nasasangga ni Kendrick at walang nakakalusot kahit isa, matapos umatake ang apat ay si Kendrick naman ang umatake at dahil sa sobrang bilis ni Kendrick ay hindi nasasangga lahat ang mga atake nito sa apat kaya naman ay nasugatan na ang apat.
“Inaantok pa yan ahhh, pano nalang kung hindi!”—saad naman ni Kristof na nakatutok sa nangyayaring labanan.
“Oo nga kuya, ang galing galing niyang makipaglaban, pero magaling din naman si Kaizer!”—saad naman ni Edward.
Umatake si Argus kay Kendrick pero nasangga lang ito ni Kendrick at itinutulak si Kendrick ni Argus papunta kina Asher pero alam ni Kendrick ang binabalak ng kanyang Kuya kaya naman ay sinipa niya si Argus at sinunod naman niyang sinipa sina Asher at sabay sabay na tumilapon ang apat ay sabay sabay na bumagsak sa lupa.
“Ang lakas ng pandama niya!”—saad naman ni Ethan, nagkaroon na kasi itong ng malay.
Sumugod naman agad Kenjie kay Kendrick pero nailagan lang ito ni Kendrick at sumunod naman sina Argus at lahat ng yun ay nailagan ni Kendrick.
“Tama na po yan mga Mahal na Prinsipe!”—saad ni Sir Jeffrey kaya naman nahinto na ang lima at ang daming sugat nina Argus samantala si Kendrick ay walang sugat kahit isa.
“Bunso di ka halatang kulang ka sa tulog!”—saad naman ni ni Kaizer.
“Inaantok na nga ako ehhh tsaka nagugutom na din ako tsaka di ko naman yun seneryoso!”—saad naman ni Kendrick.
Nang marinig ng mga estudyante ang sinabi ni Kendrick ay nag bulong-bulungan silang lahat.
“Luh, di pa yun seryoso sa lagay na yun?”
“Oo nga ang bilis bilis na nga niya, di ko na masundan ng mata ko!”
“Oo nga kahit ang mga Kuya niya ay walang panama sa galing niya gumamit ng espada!”
“Tsaka tingnan mo ohhh wala manlang sugat si Prince Kendrick sa katawan niya!”
“Nakakatakot yan kaharap sa leveling ngayong taon!”
“Oo nga, isang atake lang tayo, patay agad hahaha!”
--Usap usapan ng mga kalalakihan at nang marinig yun ni Kendrick ay natawa siya dahil sa mga pinagsasabi ng mga kalalakihan na yun.
“Okay Class, magpahinga na muna kayo!”—saad naman ni Sir Jeffrey kaya naman ay nagsialisan na ang mga estudyante niya.
⚜️⚜️⚜️⚜️Kendrick’s POV⚜️⚜️⚜️⚜️
“Dun muna ako sa Batis, dun ako magpapahinga at dun na din ako kakain!”—saad ko naman kina Kuya.
“Cge Bunso!”—saad naman ni Kuya Argus.
“Ysabel, Eunice!”—tawag ko sa dalawang dama ko at maya maya pa nga ay nandito na sila sa harapan ko.
“Bakit po, Mahal na Prinsipe?”—tanong ng dalawa sa akin.
“Pupunta ako sa Batis dun ako magpapahinga pero nagugutom ako pwede bang dalhan niyo ako ng pagkain dun?”—tanong ko naman sa dalawa.
“Opo naman po Prince Kendrick!”—saad naman ng dalawa kaya naman ay naglaho na ako at paglitaw ko ay nandito na ako sa Batis.
BINABASA MO ANG
The Reincarnation of the Celestial Prince(A Powerful Gay Summoner Book 4)
FantasyMakalipas ang mahabang panahon ay naging mapayapa ang buong Rivaryn, samantala sina Silver at Dave naman ay sa palasyo ng Ancestral God namamalagi at sabay nilang pinamumunuan ang buong Rivaryn. Sa loob ng mahabang panahon na yun ay marami ang na...