Chapter 30

216 6 0
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️Dave’s POV⚜️⚜️⚜️⚜️

Nandito parin kaming dalawa ni Jade sa Library ng Summoner Kingdom at kinukulit pa rin ako nito na kumuha kami ng Magic Wand sa Base ng Palasyo.

“Cge na po Daddy, manghihiram lang naman tayo ehhh!”—saad naman ni Jade sa akin.

“Di nga pwede dahil kapag nasira ang Magic Wand na gagamitin mo malalagot tayo kay Mommy mo at baka latiguhin pa tayong dalawa!”—saad ko naman.

“Cge na Babe, pumunta kayo sa Basement ng palasyo at papiliin mo si Jade ng mga Magic Wand na gusto niya!”—saad naman ni Silver sa isip ko.

“Cge Babe!”—saad ko naman sa isip ko.

“Cge na nga tara na!”—saad ko naman.

“Yehheeeyyy!”—sigaw ni Jade at nagtatalon ito sa tuwa.

Bumangon naman ako at ibinalik na ko ang mga aklat na ginamit ni Jade pagkatapos nun ay lumabas na kami ng Library.

“Dama, pakisabi kay Arsen na dun niya nalang ihanda sa mesa ang pagkain na para kay Jade dahil magsasanay si Jade ng kanyang majica!”—saad ko naman sa Dama.

“Masusunod po God Dave!”—saad naman ng Dama at umalis na ito.

Naglakad naman kaming dalawa ni Jade papunta sa Basement ng palasyo at pagdating namin dun ay agad agad kong hinahanap ang switch/pindutan para lumitaw ang mga Magic Wand at nang mahanap ko na ito ay pinindut ko na ito at lumabas ang isang mesa na mayroong mga Magic Wand at ang Dama nito.

“Wow, ang dami naman po Daddy!”—saad naman ni Jade ng buhatin ko ito para makita niya ang laman ng mesa.

“Pumili kana ng isa dyan!”—saad ko naman.

“Yun pong nasa pinakagitna!”—saad naman ni Jade at itinuro nito ang isang Magic Wand na mayroong simbolo ng kidlat sa hawakan nito.

“Cge, kunin mo na!”—saad ko naman at inilapit ko na ito at nang makuha na ito ni Jade ay bigla itong nawala sa kanyang mga kamay.

“Bakit po nawala?”—tanong naman ni Jade.

“Pumasok lang yun sa katawan mo at kapag gagamitin mo yun ay pwede mo siyang tawagin gamit ang isip mo at lalabas yun!”—saad ko naman.

“Okay po!”—saad naman ni Jade.

“Tara na po magsasanay na po ako ng majica ko!”—saad pa ni Jade kaya naman pinalaho ko na ang mesa at naglaho naman kaming dalawa at paglitaw namin ay nandito na kami sa Training Ground ng Palasyo.

“Ohhh, dito ka magsanay!”—saad ko naman at ibinaba ko na si Jade.

“Cge po!”—saad naman ni Jade at pumunta na ito sa gitna ng Training Ground at nakita kong inilabas na nito ang kanyang Magic Wand at naghanda na ito.

“Thousands of Lightning Strike!”—sigaw ni Jade at sabay ng turo ng Magic Wand nito sa harapan niya at biglang dumilim ang kalangitan at bumagsak ang napakaraming Kidlat at ang lalakas pa.

Tumilapon naman ako ng may tumamang isang kidlat sa harapan ko at tumama ako sa isang puno, napadura naman ako ng dugo dahil mukhang napuruhan ako.

“Daddy, Ayos lang po ba kayo?”—tanong naman ni Jade ng makalapit ito sa akin.

“Bakit ka naman gumamit ng Major Lightning Spell? Yan tuloy pati ako nadamay!”—saad ko naman.

“Sorry po Daddy!”—saad naman ni Jade at niyakap ako kaya naman ay nawala yung galit ko sa kanya.

“Cge na, basta wag mo nang gagawin yun ahhh, gawin mo nalang yun kapag may kalaban!”—saad ko naman.

“Opo!”—saad naman ni Jade.

The Reincarnation of the Celestial Prince(A Powerful Gay Summoner Book 4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon