Chapter 13

234 6 0
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️Third Persons POV⚜️⚜️⚜️⚜️

Naglalaban parin sina Sam at Kendrick, bawat atake ni Kendrick kay Sam ay may isang atake palagi ang nakakalusot kaya nasusugatan si Sam pero si Kendrick at wala pang sugat kahit isa.

“Ahhh, Aray!”—pagdaing ni Sam ng magkahiwalay sila ni Kendrick sa pakikipaglaban sa isa’t isa at napansin niyang wala pa ring sugat kahit isa si Kendrick kaya naman ay nagulat ito.

“Bakit wala ka pa ring sugat?”—tanong naman ni Sam kay Kendrick.

“Hahaha, sabi ko naman sayo kahit mahina ang majica ko ay kaya pa rin kitang talunin!”—saad naman ni Kendrick.

Samantala nakikita naman ng Celestial Mother ang nangyayaring labanan nina Sam at Kendrick at natutuwa ito sa kanyang nasasaksihan.

“Nakakamangha ka Kendrick kahit mahina majica at mana mo sa katawan ay nagagawa mo pa ring makisabayan kay Sam, ang isang pinakamalakas na Disipolo ng Celestial Demon ay kayang talunin ng isang batang mahina ang Majica at mana sa katawan!”—saad ng Celestial Mother.

“Isang kahihiyan para sa Celestial Demon, hahahaha!”—saad pa nito at tumawa ito ng nakapalakas.

Samantala nakikita din ng Celestial Demon ang nangyayaring labanan nina Kendrick at Sam at di nito nagugustuhan ang kanyang mga nakikita.

“Napakahangal mo Sam, isang bata lang na mahina ang majica at mana di mo pa nasugatan!”—sigaw ng Celestial Demon at nagpupuyos ito sa galit.

“Hahahah, isang kahihiyan para sayo Celestial Demon na talunin lang ng isang bata ang iyong pinakamalakas na Disipolo!”—saad naman ng Celestial Mother ng lumitaw ito sa harapan ng kulungan ng Celestial Demon.

“Ikaw ang may kagagawan nun kaya di matalo talo ni Sam ang batang yun!”—sigaw naman ng Celestial Demon.

“Napakahangal mo naman din ehhh noh, nakita mo ba nung nagteleport si Kendrick ay hingal na hingal itong lumitaw kanina tsaka bakit ko naman tutulungan ang ikalimang Prinsipe ng Summoner Kingdom ehhh wala naman akong kaugnayan dyan!”—saad naman Ng Celestial Mother, pero sinabi niya lang yun para di pagkainteresan ng Celestial Demon si Kendrick.

“Bakit di mo nalang tanggapin ang katotohanan na humihina na ang iyong majica kaya ang pinakamalakas mong Disipolo ay natatalo lang ng ikalimang Prinsipe g Summoner Kingdom? Pano pa kaya kung ang Hari at Reyna na ng mga Kaharian ang makalaban ng Disipolo mo baka isang atake lang ng mga yun patay na agad ang Disipolo mo!”—saad naman ng Celestial Mother.

“Bye, hahahaha!”—saad ko pa ng Celestial Mother at naglaho na ito.

“Ganon na ba kahina ang majica ko! Aaaaahhhhh!”—sigaw ng Celestial Demon at lumabas ang napakalakas na Kapangyarihan nito.

Samantala naglalaban pa rin sina Sam at Kendrick at may mga sugat na ang buong katawan ni Sam pero si Kendrick ay wala pa pero hingal na hingal na si Kendrick dahil ang kanyang majica ang nagsusustain ng kanyang katawan para tumagal sa isang laban pero dahil mahina ito ay hingal na hingal na siya.

“Bunso!”—sigaw nina Argus at inatake si Sam kaya naman ay tumilapon ito at agad agad itong naglaho kasama ang kanyang mga alagad.

“Ayos ka lang ba Bunso?”—tanong naman ni Asher.

“Oo ayos lang ako, kuya Kaizer si Kristof tulungan mo mayroong mga sugat yun!”—saad naman ni Kendrick kay Kaizer.

“Cge ako na ang bahala sa kanya!”—saad naman ni Kaizer at naglaho na ito.

“Bakit di ka humingi ng tulong sa amin?”—tanong naman ni Argus kay Kendrick.

“Pano po ako kuya makakahingi ng tulong sa inyo ehh di ako makakagamit ng majica!”—saad naman ni Kendrick.

The Reincarnation of the Celestial Prince(A Powerful Gay Summoner Book 4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon