Chapter 28

212 5 0
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️Kendrick’s POV⚜️⚜️⚜️⚜️

Kinabukasan nang magising kaming lahat ay kumain muna kaming lahat at saka na kami nagpatuloy sa aming paglalakbay.

“Ano ang susunod nating pupuntahan?”—tanong ko naman.

“Yung Celestial Crown ang susunod nating pupuntahan!”—saad naman ni Kuya Argus.

“Okay po!”—saad ko naman.

Wala namang may nagtanong pa kaya naman ay nagpatuloy nalang kami sa paglalakbay hanggang sa may nararamdaman akong mga kalaban sa tabi tabi at mukhang mga assassin sila.

“May kalaban!”—saad ko naman.

“Kuya Argus ipaingat niyo po ang Heneral na kasama natin dahil may mga kalaban po sa tabi ng daan!”—saad ko pa.

“Cge!”—saad naman ni Kuya Argus at kinausap nito ang Heneral na kasama namin.

“Madami ba ang mga kalaban?”—tanong naman ni Alonzo.

“Oo marami sila, at ang bibilis nilang magsikilos!”—saad ko naman.

“Mga Assassin? Pasaway talaga yang Avani na yan, humanda siya sa akin dahil lulunurin ko siya!”—saad naman ni Kristof.

“Huh? Bakit?”—tanong ko naman.

“Kasi ang mga Assassin ay matapat na kawal ng mga taga Findara Continent!”—saad naman ni Kristof.

Nagulat nalang ako ng bigla akong hinila ni Kristof at maya maya pa nga ay mayroong nakapasok na isang dagger at tumama yun sa kinauupuan ko buti nalang nahila ako ni Kristof.

“Carriage Defense!”—sigaw ko agad at nagkaroon ng Barrier ang karwahe namin.

Nakita ko namang namangha ang mga kasama namin pati si Kristof ay namangha din.

“Carriage Attack!”—sigaw ko pa at naglabas ito ng malakas na enerhiya.

“Wow, ang galing naman ng karwahe niyo Kendrick mayroong Defense at Attack Mechanism!”—saad naman ni Canon.

“Karwahe to nina Mommy at Daddy kaya may mga ganyan dahil para sa kaligtasan nila!”—saad ko.

“Heneral Bantayan mo ang karwahe!”—utos ko naman sa Heneral na kasama namin.

“Opo!”—saad naman ng Heneral.

“Carriage Conceal!”—saad ko pa.

“Humanda kayo dahil lalabas tayo ng karwahe!”—saad naman ni Kuya Asher, kaya naman ay nagsipaghanda naman kaming lahat

“Teleport!”—bigkas ko naman at sabay sabay kaming naglaho at paglitaw namin ay nandito na kami sa Daan at ang mga Dagger ang papunta sa amin.

Umiwas naman kaming lahat sa mga Dagger pero tinamaan si Ethan kaya naman ay gumawa na agad ako ng Barrier para di na kami matamaan ng mga Dagger.

“Bakit di mo kontrolin ang mga Dagger na yan Ethan?”—tanong naman ni Alonzo.

“Di ko yan kayang Kontrolin dahil may kahalo yang Demonic Energy!”—saad naman ni Ethan habang hawak hawak niya ang kanyang braso kong saan siya tinamaan ng isang Dagger at pansin ko nga ang Demonic Energy.

“Avannnniiiii!”—sigaw ko dahil nanggigil na talaga ako sa Avani na yun.

“Celestial Sword: Cloning Ability Attack!”—sigaw ko pa at  lumabas ang Celestial Sword ko at dumami ang mga espada ko at pumunta yun sa mga Assassin sa paligid namin.

“Kayo na muna ang bahala kay Ethan!”—saad ko naman.

“Canon, gumawa ka ng barrier para di kayo matamaan ng mga Dagger!”—saad ko naman.

The Reincarnation of the Celestial Prince(A Powerful Gay Summoner Book 4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon