Chapter 16

222 7 0
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️Argus POV⚜️⚜️⚜️⚜️

Nandito parin kami ni Alexander at nakayakap pa rin ako sa kanya di ko akalain na nandito lang pala sa Academy ang hinahanap kong tao, di ko naman to mahanap gamit ang majica ko dahil di ko naman alam ang pangalan kaya nagtiis nalang ako na di ko siya makita.

“Masaya akong nakita kita ulit!”—saad ko naman.

“Pero nagtatampo pa rin ako sayo dahil di ko agad sinabi sa akin ilang beses kayong pumunta sa Summoner Kingdom at nagkikita tayong dalawa pero di mo manlang ako kinausap at di ka nagpakilala!”—saad ko pa at humiwalay na ako sa pagyakap ko kay Alexander.

“Sorry na, nahihiya kasi ako noon ehhh tsaka nakakatakot ka kaya akala ko noon kinalimutan mo na ako, pero di pa rin ako sumira sa sumpaan nating dalawa!”—saad naman ni Alexander.

“Hmmm, kahit na nakakatampo ka pa rin!”—saad ko naman.

Nagulat nalang ng bigla akong hinalikan ni Alexander sa labi at makalipas lang ang ilang minuto ay humiwalay na ang mga labi naming dalawa.

“Ohhh, ano magtatampo ka pa rin ba?”—tanong naman ni Alexander sa akin.

“Hehehehe, hindi na pero dun kana sa kwarto ko matulog ahh namiss kasi kita ng sobra ehhh!”—saad ko naman at niyakap ko ito.

“Oo naman pero wag muna tayo magtatalik ahhh dahil di pa ako handa para dyan!”—saad naman ni Alexander.

“Oo naman wag kang magalala dahil di pa kita gagalawin, gusto ko lang may mayakap ako kapag matutulog na ako!”—saad ko naman.

“Cge!”—saad naman ni Alexander.

“Huyyy Kendrick, mahina ang majica mo ay matatalo na kita at pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin!”—sigaw ni Avani kay Bunso kaya naman ay napatayo kami ni Alexander ay nakita namin na mayroong hawak na espada si Avani.

“Naku Avani wag mong susubukan yan sa pakikipaglaban gamit ang espada dahil di ka dyan mananalo, kung si Sam nga na isang Ancient Demon di umubra kay Bunso ikaw pa kaya!”—saad ko naman.

“Huh? Nakalaban no Prince Kendrick ang Ancient Demon na yun? Diba nakakulong na yun?”—tanong naman ni Alexander.

“Nakatakas siya, mamaya kana magtanong manood muna tayo sa laban nina Bunso at Avani!”—saad ko naman at medyo lumapit kami sa kinaroroonan nina Bunso.

“Huyyy, Avani kahit mahina ang majica ko ay di mo pa rin ako kayang talunin dahil mahina kang gumamit ng espada!”—saad naman ni Bunso at inilabas nito ang kanyang Dragon Sword.

“Pero pagbibigyan pa rin kita!”—saad pa ni Bunso at agad agad itong umatake kay Avani ang ang bilis ni Bunso umatake at di ko masundan ng mata ko ang mga ginagawang atake ni Bunso hanggang sa tumilapon nalang Avani at nang bumagsak ito ay puna na ito ng sugat.

“Grabe ang bilis niyang umatake, ang galing talaga ni Prince Kendrick gumamit ng espada kahit mahina ang kanyang majica!”—saad naman ni Alexander.

“Si Sam nga di umubra dyan si Avani pa kaya!”—saad ko naman.

“Wag mo akong itulad sa iba dyan na kapag mahina ang majica ay wala nang kwenta dahil iba ako sa kanila!”—saad ni Bunso kay Avani.

“Nanahimik ako dito tapos sisigawan mo ako, ang ayaw ko pa naman sa lahat ay yung sinisigawan ako!”—saad pa ni Bunso kaya naman ay naglaho na ako at paglitaw ko ay nandito na ako sa harapan niya at agad agad ko itong niyakap.

“Bunso tama na yan, relax ka lang!”—saad ko naman habang yakap yakap ko ito.

“Pasesnya na po kuya, uminit lang po talaga ang ulo ko!”—saad naman ni Bunso.

The Reincarnation of the Celestial Prince(A Powerful Gay Summoner Book 4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon