⚜️⚜️⚜️⚜️Silver’s POV⚜️⚜️⚜️⚜️
Nandito ako ngayon sa palasyo ko at nagaalala ako na baka di ko kayanin ang lakas ni Celeste, ngayon na kasi kami maglalaban at kapag nanalo ako ay ako na ang papalapit sa kanya.
“Babe handa kana ba?”—tanong naman ni Dave sa akin.
“Kinakabahan ako ehhh, pano kong di ko kayanin at matalo ako?”—tanong ko naman.
“Susss, ikaw pa kayang kaya mo yan!”—saad naman ni Dave.
“Susubukan ko!”—saad ko naman.
“Anong susubukan mo? Ehhh kapag naglaban na kayo ni Celeste ay mawawala ang mga lock sa kulungan ng mga masasamang nilalang at kapag nangyari yun ay magkakagulo naman ang lahat!”—saad naman ni Dave.
“Oo na, alam ko naman yun!”—saad ko naman.
“Nasaan si Jade?”—tanong ko pa.
“Nandun sa Summoner Kingdom, ibinilin ko kina Jharren at Arsen sabi ko wag nilang palalabasin si Jade ng palasyo kapag nagkagulo na!”—saad naman ni Dave.
“Ganon ba, sinabihan mo ba sina God Geo na kapag may nangyaring kaguluhan ay sila na muna ang bahala sa buong Rivaryn?”—tanong ko naman.
“Oo naman, alam na nila ang kanilang gagawin!”—saad naman ni Dave.
“Ganon ba, tara na!”—saad ko naman at naglaho na kami ni Dave at paglitaw namin ay nandito na kami sa Celestial Kingdom at sinalubong kami nina Kendrick at Kristof kasama sina Lennox at Jino.
“Magiingat ka po Mommy!”—saad naman ni Lennox sa akin.
“Oo naman, kayo din magiingat dib kayo!”—saad ko naman.
“Opo!”—saad naman nilang apat.
“Daddy magiingat ka din po ahhh, balita ko po maglalaban din kayo ng Celestial God ng Celestial World?”—tanong naman ni Jino kay Dave.
“Oo naman!”—saad naman ni Dave.
“Silver, handa ka na bang kalabanin ako?”—tanong naman ni Celeste.
“Oo naman handang handa na ako!”—saad ko naman.
“Kung ganon ay Tara na!”—saad naman ni Celeste at naglaho na kaming tatlo at paglitaw namin ay nandito na kami sa isang napakalawak na lugar at tamang tama dahil wala ditong madadamay na mga tao sa lakas ng Kapangyarihan namin ni Celeste.
“Celestial Goddess: Armor Activate!”—saad ni Celeste at nakasuot na ito ng baluti.
“12 Zodiac Spirit: Armor Activate!”—saad ko naman at nagkaroon naman ako ng baluti.
Inilabas ko na ang aking Cetro at gagamitin ko ang Witch Magic ko dahil matagal tagal din akong di gumamit nito kaya naman ay gagamitin ko na.
“Lightning Strike!”—sigaw ko at sabay tutok ng Cetro ko sa direksyon ni Celeste at tumama ang kidlat ko sa pwesto ni Celeste, umilag naman ito kaya sa lupa bumagsak ang kidlat ko.
“Ang lakas naman ng kidlat na yun!”—saad naman ni Celeste.
⚜️⚜️⚜️⚜️Third Persons POV⚜️⚜️⚜️⚜️
Nang magsimulang maglaban sina Celeste at Silver ay nakawala ang mga masasamang nilalang at nagkalat yun sa iba’t ibang bahagi ng mundo dahil nawala ang Sealing Magic sa mga kulungan nila.“Arsen ang buong palasyo?”—tanong ni Jharren kay Arsen na nakakabalik palang galing sa pagiikot ikot sa buong Summoner Kingdom.
“Okay lang ang buong Palasyo!”—saad naman ni Arsen.
BINABASA MO ANG
The Reincarnation of the Celestial Prince(A Powerful Gay Summoner Book 4)
FantasyMakalipas ang mahabang panahon ay naging mapayapa ang buong Rivaryn, samantala sina Silver at Dave naman ay sa palasyo ng Ancestral God namamalagi at sabay nilang pinamumunuan ang buong Rivaryn. Sa loob ng mahabang panahon na yun ay marami ang na...