Chapter 11

247 7 0
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️Kendrick’s POV⚜️⚜️⚜️⚜️

Nandito ako ngayon sa Celestial Kingdom at nagulat nga ako ehhh dahil natutulog ako kanina sa Kwarto ko pero bigla akong nandito.

“Kendrick, di ko nagustuhan ang ginawa mo sa mga kuya mo lalong lalo na yung ginawa mo kay Argus na pinuluputan mo ng Demon Whip mo ang leeg niya!”—saad naman ng Celestial Mother.

“Alam ko pong mali po yun kaya kung ano po ang kaparusahan ay maluwag ko po itong tatanggapin ng walang sama ng loob!”—saad ko naman at lumuhod ako sa harapan ng trono ng Celestial Mother.

“Demon Whip!”—bigkas agad ng Celestial Mother at lumabas mula sa katawan ko ang Demon Whip ko at alam ko na kung ano ang kaparusahan ko.

Ikinumpas naman ng Celestial Mother ang kamay nito at bigla akong naglaho at paglitaw ko ay nakalutang na ako sa ere at nakadipa ang dalawa kong kamay at mayroon ding tali sa aking kamay at paa na gintong lubid.

Nagsimula namang hampasin ng Celestial Mother ang aking likuran gamit ang Demon Whip ko at ang unang hampas ay napasigaw agad ako dahil ang hapdi at ang sakit pero kailangan kong titiisin ang sakit at hapdi dahil nagkasala ako kaya wala akong ibang gagawin kundi ang tanggapin ang parusa ko.

Hanggang sa umabot sa Labing Limang hampas ng latigo ko at dun na tumigil ang Celestial Mother sa paghampas sa likuran ko naramdaman ko namang unti unting bumababa ako at nang makalapag na ako sa sahig ng palasyo ay lumuhod ako sa harapan ng Celestial Mother kahit tumutulo pa yung dugo ko sa likuran ko.

“Sa Harapan ng ginagalang na Celestial Mother, nangangako po akong di na gagawa ng anumang kasalanan na labag sa kagustuhan ng Celestial Mother!”—saad ko naman habang nakaluhod ako.

“Tumayo kana dyan Kendrick, ayaw ko nang maulit pa yun ahhh dahil ang galit kapag hindi nakontrol kakainin niyan ang buo mong pagiisip at kalooban kaya kita pinarusahan ng ganyan para di mo na ulit yun gawin!”—saad ng Celestial Mother sa akin.

“Opo, naiintindihan ko po kayo, wag po kayong magalala dahil di po masama ang aking loob dahil ginawa niyo lang po yun para pangalagaan ako!”—saad ko naman.

“Mabuti naman at naiintindihan mo ako!”—saad naman ng Celestial Mother.

“Opo, naiintindihan kopo kayo!”—saad ko naman.

“Cge na bumalik kana sa kwarto mo!”—saad naman ng Celestial Mother at pumasok sa akin ang aking Demon Whip ko at naglaho naman ako at paglitaw ko ay nandito na ako sa kwarto ko

Naupo naman ako sa kama ko at bigla akong nanghina at napahiga ako sa kama ko at tumama ang mga sugat ko sa kama.

“Ahhhh, Arrrraaaayyy!”—sigaw ko dahil ang hapdi ng sugat ko, naupo naman ako sa kama ko dahil ang hapdi ng sugat ko.

“Prince Kendrick, gising kana ba?”—tanong ni Kristof sa akin at nasa labas ito ng kwarto ko.

“Pasok ka!”—saad ko naman at pumasok naman ito.

“Ohhh bakit anong kailangan mo?”—tanong ko naman.

“Ahhh wala lang narinig kasi kitang sumigaw kanina ehhh kaya tiningnan kita!”—saad naman ni Kristof sa akin.

“Ahhh oo Ayos lang ako, pinarusahan kasi ako ng Celestial Mother dahil sa ginawa ko kina Kuya!”—saad ko naman.

“Huh? Patingin!”—saad naman ni Kristof at pumunta ito sa likuran ko at ibinaba nito ang damit at nakita niya ang mga sugat ko sa likuran ko.

“Hala, ang dami mong sugat!”—saad naman ni Kristof.

“Hayaan mo na yan, gagaling din yan matatagalan nga lang!”—saad ko naman.

The Reincarnation of the Celestial Prince(A Powerful Gay Summoner Book 4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon