Chapter 45

198 8 0
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️Kendrick’s POV⚜️⚜️⚜️⚜️

Nandito kami ngayon sa Academy dahil namimiss na daw ni Jade ang kanyang Kaaway dito walang iba kundi si Avani.

“Ohhh, Avani kumusta kana?”—tanong ni Jade kay Avani ng makita niya si Avani.

“Sino ka?”—tanong naman ni Avani

“Hahahah, ang bilis mo namang makalimot, ako lang naman si Jade!”—saad naman ni Jade.

“Yung batang si Jade?”—ttanong naman ni Avani.

“Ako nga Lola Avani, hahahaha!”—saad naman ni Jade at tumawa ito, ang hilig talaga nitong mangasar.

“Huyyy, sinong Lola?”—tanong naman ni Avani at naiinis na ito.

“Ohhh, bakit sino ba sa atin ang makakalimutin? Diba ikaw kaya ikaw ang Lola, hahahah!”—saad naman ni Jade.

“Huyyy, di pa ako Lola noh!”—saad naman ni Avani at inilabas nito ang kanyang mga itim na dagger at nakalutang ito sa paligid.

“Hahahah, nakakatakot ka naman!”—saad naman ni Jade.

“Lightning Rain!”—sigaw ni Jade at nagsilabasan ang mga kidlat na parang mga ulan.

“Jade ihinto mo na yan!”—saad ko naman kaya naman ay itinaas nito ang kamay na mayroong hawak ng Magic Wand at nahinto ang pagulan ng kidlat.

“Ahhh, aray!”—reklamo ni Avani.

“Ano masarap ba?”—tanong naman ni Jade.

“Heee, talagang pumunta ka dito para kalabanin ako!”—saad naman ni Avani.

“Namiss kasi kitang asarin ehhh!”—saad naman ni Jade.

“Tama na yan, pumunta nalang sa batis!”—saad ko naman at naglaho na kaming tatlo at paglitaw namin ay nandito sa kubo ko.

Nakita ko naman ang aking Zither kaya naman ay napangiti ako dahil matagal tagal na akong di nagtutugtug nito masyado kasi akong abala nitong nagdaang araw ehh kaya ngayon ay magtutugtug ako.

“Magtutugtug nalang ako!”—saad ko naman.

“Cge makikinig nalang kaming dalawa ni Jade!”—saad naman ni Kristof at naupo sila sa harapan ko kaya naman ay nagsimula na akong magtugtug ng aking Zither.

Habang nagtutugtug ako ay nakangiti ako dahil masaya ako ngayon hanggang sa naramdaman ko ang presensya ni Sam kaya iniba ko na ang pagtugtug ko at gumagawa na ako ng atake.

“Pag sinabi kong yuko at yumuko kayong dalawa ahhh!”—saad ko naman sa dalawa at mukha nalaman naman nila ang ibig kong sabihin.

“Yuko!”—saad ko at yumuko ang dalawa kaya naman ay pinakawalan ko na ang atake ko at tinamaan nito si Sam kaya naman ay tumilapon ito.

“Ang lakas naman ng loob mong atakehin ako dito!”—saad ko naman.

“Lumabas kana dyan Isghar!”—saad namn ni Kristof, maya maya pa nga ay lumabas na si Isghar kasama ang mga alagad nito.

“Mahina naman pala ang bagong Celestial Mother biruin mo natalo kayo ni Master!”—saad naman ni Sam sa akin.

“Hahahah, ano naman ngayon? Masaya kana? Ikaw nga di ka nananalo sa akin kahit wala akong majica! Napakalaking kahihiyan para kay Hikaru na magkaroon ng isang Disipolo na katulad mo!”—saad ko naman at natatawa pa ako.

“Wag mo nang ipaalala yun!”—sigaw ni Sam at inatake ako ng kanyang mga Dagger.

Inilabas ko naman ay aking Demonic Whip at inihampas ko ito sa mga Dagger ni Sam bigla itong nawala.

The Reincarnation of the Celestial Prince(A Powerful Gay Summoner Book 4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon