⚜️⚜️⚜️⚜️Kendrick’s POV⚜️⚜️⚜️⚜️
“Hahahah, bakit kaya mo na ba ang lakas ko?”—tanong naman ni Sam.
“Bakit di natin subukan?”—tanong ko naman.
Nagpakawla ito ng mga bolang apoy papunta sa akin pero nginitian ko nalang ito at maya maya pa nga ay huminto ang mga bolang apoy niya sa aking paligid at nakita ko naman na nagulat ito sa kanyang nasaksihan.
“Bakit mo nakokontrol ang mga bolang Apoy na yan?”—tanong naman ni Sam sa akin..
“Ang Mommy ko ay si Jharren na isang Cervantes at hawak niya ang anim na Elemental Stone kaya ano pa ang inaasahan mo?”—tanong ko naman at pinabalik ko ang kanyang mga atake sa kanya at di na niya ito makontrol kaya naman ay tumilapon ito naglaho naman ako at lumitaw ako sa harapan ni Sam.
“Ohhh, ano masarap bang matikman mo ang Kapangyarihan mo? Hahahah!”—tanong ko at tumawa ako at nakita ko itong naiinis na kaya naman ay naglaho naman ito at nang lumitaw ito ay hawak na si Kristof.
“Cge nga subukan mo nga akong atakehin!”—saad naman ni Sam.
“Kristof bakit ka niya nahuli?”—tanong ko naman.
“Di ko alam nagulat nalang ako ng makita kong hawak hawak na ako ng bugok na to!”—saad naman ni Kristof.
“Wag mo akong tinatakot sa mga ganyan mo!”—saad ko naman at sabay kumpas ng kamay ko at lumitaw sa aking kamay ang Demon Eye ni Sam o ang Demon Core.
“Hahahah, ang dali mo lang naman palang kunan ng Kapangyarihan!”—saad ko naman habang nakalutang sa mga kamay ko ang Demon Eye ni Sam.
“Akin yan!”—sigaw naman ni Sam.
“Hahahah, ibalik ko lang sayo to kung papakawalan mo ang kasintahan ko!”—saad ko naman.
“Pano naman ako makakasiguro na ibibigay mo nga yan sa akin?”—tanong naman ni Sam.
Kaya naman ay pinalutang ko ito papunta sa kanya at nang makalapit na ito at kinuha niya peri di ni mahawakan kaya naman ay napatingin ulit ito sa akin.
“Bakit di ko mahawakan?”—tanong naman ni Sam.
“Ang usapan natin ay papakawalan mo muna si Kristof bago mo makukuha ang Demon Eye mo!”—saad ko naman.
Kaya naman ay pinakawalan na nito si Kristof lumapit naman sa akin si Kristof at naramdaman ko na wala ang kanyang Mermaid Pearl.
“String!”—sigaw ko at may lumabas na mga tali na kulay ginto at pumulupot yun sa leeg ni Sam nagulat naman ito sa kanyang nakikita.
“Ibalik mo ang Mermaid Pearl ni Kristof!”—sigaw ko pa.
“Ang lakas naman ng pakiramdam mo, yung may-ari nga ng Mermaid Pearl ay di naramdaman pero ikaw di nakaligtas!”—saad ni Sam sa akin.
“Wag mo akong subukan kundi magtatapos ang buhay mo ngayon!”—saad ko naman.
“Oo na ito na!”—saad naman ni Sam at inilabas nito ang Mermaid Pearl ni Kristof.
“Bakit mo yan kinuha!”—sigaw naman ni Kristof.
“Anong ginagawa mo sa Mermaid Pearl ni Kristof?”—tanong ko naman nararamdaman ko kasi ang Demonic energy sa Mermaid Pearl.
“Hahahah, kala mo ba maiisahan mo ako!”—saad naman ni Sam.
“Hahahah, kala mo naman naisahan mo na ako di ako tanga para ibigay ko nalang sayo ng basta basta ang Demon Eye mo!”—saad ko naman.
BINABASA MO ANG
The Reincarnation of the Celestial Prince(A Powerful Gay Summoner Book 4)
FantasyMakalipas ang mahabang panahon ay naging mapayapa ang buong Rivaryn, samantala sina Silver at Dave naman ay sa palasyo ng Ancestral God namamalagi at sabay nilang pinamumunuan ang buong Rivaryn. Sa loob ng mahabang panahon na yun ay marami ang na...